BH 9

1504 Words
BH 9 NAIINIS si Paige sa mga salitang narinig niya pero hindi niya maintindihan kung bakit lumuluha siya pagkapasok ng sasakyan. Kaya agaran siyang pumasok at hindi na nakipaglaban, dahil ayaw niyang makita siya ng mga kalaban na luhaan. She was hurt. Mabuti naman siyang tao pero bakit nasaktan siya na sobra sa mga sinabi ni Phoenix sa kanya? Pakiramdam niya ay napahiya siya sa sarili niya. His words are still echoing inside her head. Masama raw ang tabas ng bunganga niya. Iniisip niya kung sumobra ba siya. Parati naman talaga siyang sobra. Sa kadahilanan na takot siyang maapi, siya ang lumalabas na parang nang-aapi. Ayaw niyang maging tulad sa Nanay niyang inaapak-apakan lang mula noon pa, kahit ng sariling asawa na lang, at nakaranas lang na makabangon ang bilib sa sarili ay nang makilala si Hector. Ngayon, may lalaking nangangahas na manakit sa damdamin niya That man's words were like lightning. Pinahid niya ang mga luha at itingala ang mukha. She has to forget it. Pagdating niya sa bahay ay daig pa niya ang walang nakikita. Dumiretso kaagad siya sa elevator para pumanhik. Kasusunod naman kaagad niya si Medz para asikasuhin siya. "Bad mood and bakla," anito sa kanya, ngumunguya pa dahil naabutan niyang kumakain sa sala. "May isang antipatiko lang naman na nagsabi sa akin na ang sama ng ugali ko." "Ay, da who?" Napalaki ang mga mata ng bakla sa kanya pero nagpatuloy din sa pagpunta sa walk-in closet para kunan siya ng damit. "Yung nakakabwisit na bagong receptionist sa company. Alam mo yun, Meds, yung ang lakas ng loob niya na lumaban sa superior niya," sabi niya rito. Napaupo siya sa kama at napatingala sa kisame. "Ay baka rich guy, or baka malakas lang talaga ang loob kasi pogi." Kung sa pogi, pogi talaga, napaka. Anong sinabi ng mga sikat na Turkish actors na kinababaliwan niya? Wala. May sariling kagwapuhang taglay ang Phoenix na yun, kaya lang may sarili rin kahanginan na dala sa katawan. "Pero parang ang pangit naman na sagutin niya ang boss niya, babae pa," dagdag pa ni Medz sa kanya pero hindi siya sumagot. Napapaisip kasi siya dahil pakiramdam niya ay mali siya. Nagkamali siya ng taong papakitaan ng kagaspangan. Kung sabagay, mapipikon naman talaga kahit sino kapag pinagsungitan kahit wala naman ginagawang kasalanan. Pero kanina, kasalanan talaga ng Phoenix na yun ang pagkakabangga sa limousine niya. Mali yun pero hindi siya nakalaban. Hindi niya nagamit ang pagiging palaban niya para makipagtalo. Nasaling kaagad siya ng lalaking yun. He had hit her most sensitive part and he made her cry, for heaven's sake. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nun kanina at hindi niya alam kung bakit natakot siya. "Mayabang kasi dahil nga bilib sa kapogian niya," sagot na lang niya kay Medz nang lumabas iyon mula sa walk-in closet. Nakatingin siya sa bakla na agad naman na ngumisi sa kanya, nanunudyo. "Ayi, inamin mong pogi." Anito kaya naman napalabi siya, "Nakakakita ka na ng pogi. Normal na tao ka na." Humalakhak si Medz kaya naman napabusangot si Paige. Tumayo siya para maligo na. Baka hindi lang siya tigilan ng isang ito. "Finish your snack. Maliligo na ako kaysa asarin mo pa ako rito. Baka mahuli pa ako sa birthday ni Leticia," nangingiti ng sabi niya. "Ayan na ang pinili ko ha para mag-standout ang beauty mo sa rest of your friendships." "Sure kang di ka sasama?" "Naku tinatapos ko ang mga bagong designs ng damit mo. Dito na lang me," anito kaya tumango siya bago tumalikod. Her mood is now okay. Huwag lang silang magpangita ng lalaking yun na pangalan ay sa ibon, dahil kahit pa gaano yun kagwapo ay maiimbyerna pa rin siya dahil sa ginawang pagsagot-sagot sa kanya. Phoenix Nagsuot ng sando si Phoenix at saka siya kumuha ng sigarilyo sa lalagyan. Sinindihan niya yun saka siya humithit, nakatukod ang mga kamay sa hamba ng kahoy na bintana. Nag-iisip siya kung saan na hahanap ng trabaho. Gusto niya rin sana ay iyong kasing disente ng kumpanya na inalisan niya. Peste! Kapag inaabot nga naman ng malas. Napakamot siya sa buhok. Isang araw lang siyang pumasok, tanggal kaagad sa trabaho. Daig pa niya ang nakipag-s*x na nilabasan siya kaagad tapos lupaypay ang p*********i niya ora mismo. Ganun din kasi ang s*x life niya, parang trabaho. Nagtatagal siya depende sa babaeng kasama niya. Kapag sobrang sexcited siya, kahit maka apat na putok na siya ay di pa rin siya pinapatayan ng alaga niya. Pero naman may babaeng unang labas pa lang niya, tumba kaagad ang p*********i niya. Yun ang mga babaeng hindi niya gaanong kursunada. "Pards!" Agad na napatingin si Phoenix da pintuan nang bigla yung bumukas. Si Aldo iyon, nagmamadali na nakapasok. "Bilisan mo, may patawag si Vading. Naghahanap daw ng lalaki yun kakilalang customer." "Hindi ako bugaw," anaman niya kaya kumamot ito nang marahas sa ulo. "Hindi ka naman ibubugaw. Emergency daw na hindi sumipot yung macho dancer kaya naghahanap ng pambala. Kako ikaw," Halos batuhin niya si Aldo ng hawak na sigarilyo sa narinig niya. "Bente mil!" Anito kaya napatanga siya, "Ngayon lang, bente mil. May maskara ka, sa mukha lang pero sa ibaba wala. "Kukuha akong jacket," aniya kaagad saka kinuha ang kanyang leather coat sa hanger, "Halika na. Ihiram mo akong motor. Arkila kamo," sabi pa niya. Mas mabilis pa sa kuneho si Aldo na kumilos. Sinong aayaw sa bente mil isang gabi? Kung maghuhubad lang din naman ay game siya. "Pumunta ka na sa bahay, nandun si Vading. Ikukuha kita ng motor saka helmet!" Sigaw pa ni Aldo sa kanya habang tumatakbo papalayo. Ganun naman kasi sa lugar nila, may mga paarkilahan ng mga sasakyan. Kung sino ang meron ay magpaparenta ng paggamit, huwag lang sa masamang transaksyon gagamitin. Bayanihan naman dun sa lugar nila dahil pare-parehas naman silang mahihirap pa sa daga. Malalaki ang hakbang ni Phoenix para marating kaagad ang bahay ng kaibigan niya, kung saan daw naroon si Vading. Si Vading ang baklang rakitera sa lugar nila. Iyon ang parating coordinator sa barangay ng mga pa-contest lalo na sa mga pageant. Hindi na siya nagtataka kung marami iyong kakilalang may kaya sa buhay, kaya okay lang magwaldas ng bente mil para sa lalaking macho dancer. Siya, macho lang, walang dancer. Dancer siya sa kama, yun ang expertise niya. He is one hell of a fucker, anytime, anywhere., under the moon and the sun. Sa maikling salita, malandi siya at malibog. Humaba ang leeg ni Phoenix nang makita si Vading sa may eskinita. Nangangati na kaagad ang mga palad niya pagkakita pa lang sa baklang rakitera. "Ibon," aniyon sa kanya at tuwang-tuwa na makita siya sa mga kakarampot na ilaw ng mga bahay doon. Sinalubong kaagad siya nun, "Salamat naman um-oo ka. Malaking pera ito." "Game!" Aniya na walang pagdadalawang-isip man lang. Money is life. "Naligo ka na ba?" Inamoy siya nito sa may kilikili kaya lalo niyang itinaas at inginudngod pa niya sa nguso ni Vading. "Bastos!" Tili nito kaya ang lakas ng tawa niya, "O, magpabango ka na. Ibibigay ko sa'yo ang address. Ang gagawin mo ay papasok ka dun sa condo tapos lalabas ka lang sa likod ng kurtina na nakamaskara. Heto ang gamit mo." Ibinigay nito sa kanya ang isang paper bag na malaki, "Nandyan ang brief at maskara. Susko, salamat talaga Pinix. Ang bayad, ibigay sa'yo ni Atara. Siya ang kaibigan ng may birthday ha. Hindi lang ikaw ang macho dun. Marami kayo, siguro tatlo. Ikaw ang representative ko. Huwag kang lalayas hangga't walang bayad ha. Sinasabi ko sa iyo ha. Ayan." "Pang-gas," aniya naman dahil narinig na niya ang tambutso ng motor ng bayan. Sumulpot na nga si Aldo sa may labasan. "Diyos ko naman! Ako pa ba?" Reklamo ni Vading kaya hinalikan niya sa ulo sabay lukot ng mukha niya. "Amoy bangkay," aniya kaya hinampas siya nito nang malakas pero kumuha naman sa bag ng pitaka. Iniabot nito sa kanya ang dalawang daan. "Ayusin mo ha." "Oo naman, hindi ka mapapahiya," aniya rito saka niya nilayasan, bitbit sa kamay niya ang address at pangalan ng pupuntahan. Kanina ay napag-utusan lang siya na may dalahin pero ngayon ay mismong sarili niya ang bitbit bilang proxy sa isang macho dancer. "Samahan mo ako," ani Phoenix kay Aldo nang tanggapin niya ang helmet na iniabot nito sa kanya. "Oo naman, pards. Dalawang helmet nga ang hiniram ko. Five hundred daw arkila, pards. Espesyal." "Kahit pa isanlibo," ngisi niya sa kaibigan. Nag-high five silang dalawa saka siya sumakay sa motor, at ito naman ay sa likod niya. "Babantayan ko lang itong motor at baka madenggoy. Wala tayong ibabayad dito." "Hindi ito madedenggoy dahil sa yayamaning condo ang punta natin." "Ayokong pumasok, pards. Alam mo namang virgin pa ako." Humalakhak siya, "Virgin sa pwet," sagot naman niya. Pinausad na niya ang motorsiklo at mabilis na pinasibad papalabas ng squatters area. Tumingin siya sa suot na relo at peste dahil mali na ang oras nun. Alam naman niya ang condo na sinasabi ni Vading. Ang kailangan lang niya ay magmaneho nang mabilis para hindi sila mahuli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD