BH 10

1618 Words
BH 10 PAIGE couldn't help but giggle when Atara put an eye mask on her face. Dumilim ang paligid at wala na siya maaninag ni katiting na ilaw man. Naghihiyawan ang mga babae, lalo na ang birthday celebrant na si Leticia. Kadarating lang niya at pumunta siyang mag-isa. Wala siyang bodyguards na kasama. Safe naman ang lugar na yun dahil mayayaman ang mga talagang nakatira. Ito ang mga high school classmates and friends niya, noong dito pa siya sa Pilipinas nag-aaral. Naniniwala na siya na totoo rin ang kasabihan na sa hayskul nakikilala ang mga tunay na kaibigan. At least in her case. Depende rin siguro yun sa tao at uri ng mga kaibigan na pinili. "Guide me," aniya kay Atara, kinakapa ang paligid niya. "Don't worry. Di kita pababayaan, princess. Kapa ka nang kapa baka iba ang makapa mo." "Nagtawanan ang lahat kaya ang lakas ng tili niya, nailagay sa dibdib ang mga kamay. Pinaupo siya nito sa isang sofa. "Dapat si Let lang ang may blindfold, not us. She's the celebrant!" Aniya kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya. Si Porsha lang ang hindi nakatating sa condo ni Atara, dahil busy iyon. Sa lahat, iyon ang best friend niya, tapos ay sina Leticia at Atara. The rest, hindi niya masyadong nakakasama. Mga kaibigan naman yun ni Leticia sa kabilang grupo. Mga kaklase rin niya ang mga yun pero hindi kagrupo. Maaayos din naman ang mga yun kaya pumunta siya, dahil kung hindi niya gusto ang mga bisita, hindi naman siya magtatagal, at hindi siya sasali sa ganitong pakulo na may piring ang mga mata. "We're all set!" Sabi ni Atara sa mikropono. Umere ang isang mahalay na tugtugin kaya naman naghiyawan sila. Si Paige ay napatili ulit. What is happening? "Diyos ko. Baka bumangon si Hector at si Nanay sa hukay para sabunutan ako!" Aniya kaya pinagtawanan siya ng lahat. Well, siya na lang siguro ang naiiwan na virgin sa barkadahan nila. Siya lang din kasi ang walang boyfriend. "Oh my God!" Tili ni Leticia, "What the hell was that?" Biglang kinabahan ang dalaga. Anong nangyayari kay Let at sumisigaw na parang kinililig, at the same time ay natatakot? "We're not alone here! Oh my Goddddd!" Sigaw muli nun. Ganun na lang din ang naging pagtili niya nang may kamay na humaplos sa balikat niyang nakalabas sa kanyang suot na cami top. Nagsipagsigawan ang lahat at napapasag-pasag siya nang muli siyang hawakan sa kabila naman. "No!" tili niya at hindi na siya nakatiis ay tinanggal niya ang kanyang takip sa mata. Diyos ko. Napatutop si Paige sa bibig nang makita ang hubad na katawan ng maskuladong lalaki. Nakatayo ito sa mismong harapan niya kaya patingala siya. Ang ilaw ay mapula at malamlam pero kitang kita niya ang magaganda nitong mga mata. Sandali. Parang nakita na niya ang ganung mga mata, hindi lang niya alam kung saan. He was staring at her with a very serious aura. Napalunok ang dalaga. Ayaw niyang tumingin sa katawan nito lalo na sa ibaba pero halos ang mukha niya ay pumantay na sa may tiyan ng private dancer. Ganoon na lang ang panghihilakbot ni Paige nang bumaba ang lalaki at hinalikan siya sa labi. Sa pagkurap niya ay nasa loob na kaagad ng bibig niya ang dila nito, dinidilaan siya. Ang lakas ng tili ni Atara pero nilayasan siya ng lalaki pagkatapos nun. Nahawakan niya ang labi at napalunok. First kiss niya yun! Napakawalang-hiya! Kung hindi lang niya masisira ang gabi ni Leticia, bubugbugin niya ang macho dancer na bastos. Nakatanga lang siya roon. Doon lang ang focus ng mga mata niya at hindi sa iba pang lalaki. Tatlo lahat iyon, sinasayawan sila. Gumigiling ang mga balakang ng mga iyon sa mahalay na tugtugin. Para siyang naliyo kasabay ng pag-ikot ng balakang ng lalaking humalik sa kanya. She wanted to rub her lips to remove his minty taste inside her mouth. Baka may mikrobyo ang bunganga ng lalaki. Dahil yun ay isang dancer na ang trabaho ay magbigay ng aliw sa mga kababaihan, baka kung saan-saan dumapo ang bibig nun. Eeewks! Sukat doon ay inilabas ni Paige ang dila at pinahid nang paulit-ulit gamit ang tissue. She doesn't mind if she'll look stupid because of what she's doing. She wants to clean her mouth, that's all. Kung mapahiya man ang lalaki dahil sa ginagawa niyang paglilinis ng bibig niya, wala siyang pakialam. Baka mamaya ay may bacteria pa 'yon, nahawa pa siya. "Remove your eye masks and enjoy the views!" Sabi ni Atara kaya naghiyawan ang mga kababaihan. Sabay-sabay ng mga yun na inalis ang mga takip sa mata. Tuwang-tuwa ang mga yun nang makita ang mga kalalakihan na walang mga saplot. Walang pakundangan na hinimas ng mga babae ang katawan ng mga lalaki. Susko. Natutop ni Paige ang mga pisngi niya dahil pati na ang kaumbukan sa ibaba ay sinasalat ng mga kaibigan niya. "Lagot tayo sa mga jowa natin!" Tumatawang sigaw ni Ellen kaya nagkatawanan na naman ang lahat. Naiiling lang siya na nangingiti. Kung nariyan si Hector, hindi siya makakapunta sa ganung uri ng party. "Sayawan ang balo!" Biro ni Atara kaya napalakas ang tawa niya. "Tigang 'yan! Tagtuyot yan! El Niño!"Narinig niyang sigaw din ng isa pa sa mga kababaihan. Hindi naman siya tumutol sa mga kalokohan ng mga yun. Katuwaan lang yun kaya hindi naman siya kill joy. Napapikit siya at napatakip ng mukha nang lumapit ang tatlong lalaki sa kanya, sinayawan siya sa harapan. Naiinitan siya at pinagpapawisan kahit na aircon naman sa condo. "Sa birthday celebrant naman!" Tili ni Paige pero ang lalaking humalik sa kanya ay parang ayaw siyang tantanan. Itinaas nito ang mukha niya kaya nagkatitigan sila ulit. Susko. He's really familiar. O baka may kamukha lang ang mga mata nito kaya ganun. Imposible na magkakilala sila dahil hindi naman siya pumupunta sa mga bar na may lalaking sumasayaw. Sana matapos na ang pakulo ni Atara dahil pakiramdam ni Paige ay gutom na gutom na siya. PAIGE noticed the motorcycle behind her. Pagewang-gewang iyon. Tatlong motorsiklo ang mga iyon at ang dalawa ay walang mga tamang direksyon. She was thankful the party was over. Ilang oras din iyon at nag-enjoy siya. She was so happy. Ang hindi lang niya ikinasasaya ay ang nagnakaw ng first kiss niya. Wala siyang pagkakakilanlan sa lalaking yun. Alangan naman na papagpanagutin niya yun sa ginawa sa kanya. Hindi pa naman siya ganun ka-desperada, na tulad noong panahon na ang kasabihan, kapag mahalikan ay nagbubuntis na. Mukhang lasing ang mga nasa motor kaya naman napailing na lang siya. Nagmenor siya para paunahin na ang mga yun. Baka bigla pang sumalpok ang mga yun sa likod ng kotse niya, magkaproblema pa siya. Paige slowed down and watched those motorcycles behind her. Nag-o-overtake na nga ang isa pero naalarma siya nang ang isang motor ay sa kabila dumaan at sinabayan siya. She felt unsafe all of a sudden. Inapakan niya ang silinyador ng kotse. Bumilis ang takbo niya pero bumilis din ang takbo ng dalawa, sinasabayan siya magkabilang banda. No. She's really in danger. Gustuhin man niyang tawagan ang mga bodyguards ay hindi niya magawa. Baka lalo siyang mapahamak siya. Sino ang mga nakamotor na ito at mukhang nakursunadahan siyang lag-tripan. Tumingin siya sa bintana at nakita niyang nakamaskara ng mga nakakatakot ang dalawang lalaki sa may driver's side. Diyos ko! Mangiyqk-ngiyak si Paige na binilisan lalo ang takbo ng sasakyan. hindi siya sanay sa ganun katulin pero ngayon ay ginagawa niya para makatakas. Target siya ng mga masasamang loob. Napatili siya nang bumilis din ang takbo ng dalawang motorsiklo. Parehas na may mga angkas ang mga yun at palagay niya ay mga gunmen. Diyos ko! Naiyak si Paige. This never happened to her before. Noong nabubuhay pa si Hector, walang nagtangka sa kanila kahit na holdup man. What do these people need? Holdup? Mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at kung saan siya makasuot ay hindi niya alam, basta ang nasa isip niya ay makatakas. She was driving too fast, not minding what might happen. Mas nakakatakot kung hindi niya susubukan na mapag-iwanan ang mga masasamang loob. Napaprenonsiya nang makita niyang dead end na para sa kanya. Sa isang daan na may harang siya napunta. Under construction ang daan at walang pwedeng lusutan. Hindi nagsayang ng oras si Paige at agad na dinampot ang smartphone. Kinakabahan man at natatakot ay nagmamadali siyang bumaba. She heard roars of motorcycles, at ganun na lang ang tili niya niya nang makita niya na nariyan ang isa sa mga yun. She cried and run away. Tumakbo siya papasok sa isang eskinita na hindi niya alam kung saan ang punta. It seems like the place was deserted. Parang tambakan lang yun ng mga truck at iba pang heavy equipments. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig niyang malapit lang ang mga motor. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa isang gilid ng gusaling nakatayo roon, parang bodega iyon pero agad siyang nadapa. "Aray!" Napahikbi siya dahil tumama ang mga tuhod niya sa mabatong daan, pero pinilit niyang tumayo para makapagtago. Mabuti na lang at may mga ilaw sa daan kaya naliliwanagan siya kahit paano. Napasandal siya sa metal na building. Umiiyak at nanginginig niyang iniunlock ang kanyang smartphone para tawagan ang kanyang bodyguards. Daig pa niya ang hihimatayin pero kailangan niyang tulungan ang kanyang sarili. She's badly shaking, na kahit pag-scroll ay hindi niya magawa hanggang sa may humablot sa kanyang mukha sa gawing likuran. "No!" A screech was locked up in her mouth. Tinatakpan yun ng holdupper kaya nanlaban siya pero wala siyang magawa. Umiiyak siyang nagpupuyos para makawala pero halos mahubaran na siya ay hindi pa rin ito natitinag. He dragged her and she was asking for help in her mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD