Chapter 3
HELLE
"Hija, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Tito pagkapasok na pagkapasok niya sa hospital room ko.
Tipid akong ngumiti saka ko ipinakita ang kamay kong may nakatusok na kung ano. Puno ng pag-aalala ang mukha niya na para bang tinakbo niya ang hospital mapuntahan lang agad ako. Hindi ko na kasi kaya ang panghihina ko kanina kaya dumiretso na lang ang dito sa hospital, sabi ko sa Doctor namin na huwag ng ipaalam kay Tito kaya lang heto ako ngayon kaharap si Tito na mukhang ready na naman ang mga preaching words na lumabas sa bibig niya.
"Tito, okay na ako. Sabi ng Doctor stress lang daw ito, at mapagpapatuloy ko na ulit any pagmamahal ko kay Bebe ko mamaya," pagbibiro ko para hindi na siya kabahan pa. "Dapat Tito, dinala mo rin si Heize rito, para instant sigla agad ako." Nag beautiful eyes pa ako, pero pinitik niya lang ang noo ko.
"Hija, may sakit ka na nga pero si Heize pa rin ang iniisip mo." Umupo siya sa hospital bed ko, at mataman akong tinignan.
"Tito, alam mo naman na si Heize lang ang bukod tanging Bebe medicine ko. Siya lang sapat na," saad ko na may ngiti sa aking labi.
Hindi ko talaga maiwasang mahalin si Heize, tipong lahat ng negatibong sabihin sa kanya ng iba ay positibo sa akin. Wala akong makitang mali sa kanya. Lahat ay perfect! Parang ako lang, perfect sa kanya.
"Tito, stop staring at me as if I have a serious illness. Para kang tanga," natatawang saad ko.
Muli siyang bumuntong hininga. "Hija, kayang kaya kong ipakasal ka kay Heize, alam mo iyan, ayaw mo ba talaga?" pagkakwa'y tanong ni Tito.
Matamis akong ngumiti saka lumapit sa kanya. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan na para bang bata.
"Tito, baka mas lalo akong aayawan ng Bebe ko kung gagawin mo iyan. Sapat na ang ganito sa akin, malay mo soon lumambot din ang puso niya sa akin. Nagpapakipot lang iyon," nakangiting saad ko.
Laging sinasabi sa akin ni Tito na kung talagang mahal ko si Heize siya na ang gagawa ng paraan para makuha ko siya, pero ayoko namang gamitin ang pangalan ng pamilya namin makuha lang siya. Gusto ko siya at desperada ako na angkinin siya, pero gusto ko itong paghirapan para masabi kong worth it.
Hindi rin nagtagal si Tito dahil may meeting siyang pupuntahan, gusto ko na rin sanang lumabas kaya lang dahil sa utos niya, kailangan ko munang mag stay sa hospital ng isa pang araw para masiguro raw na maayos ang lagay ko. Kapag si Tito talaga ang nag-uutos tiklop ang lahat sa kanya.
"IMPYERNO!"
Halos mabato ko ang hawak kong cellphone dahil sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang mga kaibigan kong pilit kong binubura sa buhay ko dahil wala naman silang pakinabang sa akin.
Masamang tingin agad ang ibinaling ko kay Raine dahil sa itinawag niya sa akin pero mapang-asar lang itong tumingin sa akin.
"Ang bilis talaga ng chismis. Pagdating talaga sa akin super updated niyo. Masyado niyo akong mahal," saad ko. Pinagtaasan ko sila ng kilay bago ko sila inirapan ng 360 degree para naman mafeel nila ang hate na nararamdaman ko sa kanila.
"G*ga! Paano naming hindi malalaman ang tungkol sa'yo eh nagdrama ka ba naman sa social media. Feeling mo naman mamamatay ka na eh regla lang naman iyan na hindi mo mailabas," ani Raine na inirapan din ako, at ang g*ga hindi pa nakuntento dahil nag hair flip pa ito na akala mo naman kinaganda niya ang ginawa niya.
I did not post that photo to hear their rants or whatsoever, I posted that para malaman ni Bebe ko na I'm suffering right now at kailangan ko siya at this moment. Pero iba naman ang dumating.
"Nagpunta pa kayo rito, wala naman kayong dala. Ano 'yan literal na dalaw lang?" pagtataray ko, dahil wala man lang silang dalang pagkain.
Pinagtaasan ko ng kilay si Dani na mukhang walang balak magsalita dahil nilalantakan na niya ngayon ang ice-cream na nakuha niya sa kung saan. Napailing na lang ako.
"You already have everything. Duh? Malabahay nga itong hospital room mo tapos magdedemand ka pa? Kaya hindi ka pinipili kasi apakademanding mo — ouch!" daing niya nang batuhin ko siya ng unan na nadampot ko.
Kahit kailan talaga walang magandang salita ang lumabas sa bibig niya. Ang sarap niyang ipalapa sa tigre. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat sa tuwing kasama ko sila pareho. Si Dani sobrang tahimik at maalalahanin, pero itong si Raine? Para siyang bagyo na ang sarap paalisin.
"Tumahimik ka na lang kung wala ka rin namang magandang sasabihin," iritableng saad ko saka muling inagaw sa kanya ang unan.
Si Bebe ko ang gusto kong makasama ngayo, hindi sila. Dahil baka mas lalo lang akong magkasakit dahil sa kanila.
"Ito naman nagbibiro lang ako, ito nga at may dala akong pasalubong sa'yo."
Nagtaas agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Napitingin ako sa bag niya nang buksan niya ito at tila ba may kukunin siyang kung ano...
"SHOOT*NGINA!" malutong akong napamura dahil sa ginawa niya, agad namang tumakbo palapit sa akin si Dani bago pa man ako makalapit kay Raine na ngayon ay halos mamatay na sa kakatawa.
Akala ko kung may kukunin siyang kung ano sa bag niya na ikakabuhay ng pempem ko — I mean heart ko, pero ang g*ga may paslowmo pa, middle finger lang pala ang ilalabas niya.
"Makalapit lang talaga ako sa'yo, kahit kapatid ka pa ng mapapangasawa ko ay tatadtarin kita ng pinong-pino," nanggigil na saad ko na halos ikapigtas ng litid ko.
"Kumalma ka, Helle," ani Dani na nanatiling kalmado sa sitwasyon.
"Paano ako kakalma kung...." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng room ko.
Agad akong nakakita ng pag-asa at otomatikong naging maaliwalas ang aking paligid nang makita ko ang lalaking kanina pa hinihiling ng pempem ko. Mabilis kong inayos ang sarili ko at umupo sa hospital bed ko na para bang walang nangyari. Matamis akong ngumiti at hindi na pinansin ang mga tao sa paligid ko, at nanatili lang kay bebe ko ang atensyon ko. Makita ko pa lang siya ay umaayos na ang pakiramdam ko. Siya talaga ang sagot sa mga suliraning nararanasan ko. Siya lang talaga at wala ng iba ang makakapagpatibok ng ganito kalakas sa pempem ko.
"Heize, what are you doing here? Charity?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Raine. Na kay Heize lang ngayon ang mga mata ko. Sobrang sarap pagmasdan ng mukha niya lalo na't palapit na siyang naglalakad papunta sa akin. Binasa ko ang aking labi at inamoy pa ng bahagya ang hininga ko, dahil baka halikan niya ako, dapat ready pa rin ang kagandahan ko.
---
HEIZE
I actually don't like the idea visiting her, but I don't have any choice. My parents saw her post online, and they are d*mn making me feel bad. D*mn it! She indeed know how to mess around. Hindi pa man ako nakakapasok sa hospital room niya ay dinig ko na agad ang magulong nangyayari sa loob. Hinilot ko ang aking sentido kasabay ng marahas kong pagbuntong hininga.
Binuksan ko ang pintuan. Agad kumunot ang noo ko dahil hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin niya. Napalingon ako kay Raine na patuloy pa ring tumatawa bago ko muling itinuon ang atensyon ko sa babaeng tila ba huminto ang mundo niya nang makita niya ako.
My sister Raine asked me something, but I didn't bother myself to answer her. I walk towards the woman who made me do something I shouldn’t in the first place.
"Bebe ko, paano mo nalaman na nandito ako?"
I sneer at the back of my head because of what she asked. Now, she's acting dumb again. This is not new after all.
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay inutusan ko ang aking secretary na ilapag ang dala niyang prutas sa mesa pagkatapos ay tinalikuran ko na siya, akmang maglalakad na ako palabas nang muli itong magsalita.
"Aalis ka na agad?" tanong niya.
Hindi ko inabala ang aking sarili na lingunin niya.
"Kaya nga naman kapatid. Aalis ka na agad? Dito ka na muna."
Hinawakan ako ni Raine sa braso na ikinakunot noo ko. She lean onto my ear, and whisper something that somehow lose my cool. I took a deep breath.
"It's your fault after all," she then added as if I really did something wrong.
I clenched my jaw as I remember our conversation in my office a while ago.
"Heize, nababaliw ka na ba? Binasa mo ba talaga ang report na ibinigay niya?"
Hindi ko pinansin si Raine na basta na lamang pumasok sa aking opisina. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa mga litrato ng babae na maaari kong gamitin mamaya. They are all pretty, how I wish I could f*ck them all together.
"You perverted playboy!"
"D*mn it! What is your problem?" I hissed angrily when she suddenly take away my phone and throw it abruptly. I glared at her, but she didn't even flinch instead she place a folder on my table. "Ano na naman ba ito? Kung pipilitin mo ako na gawin kang head sa project —"
"That's Helle's report, Moron! Binasa mo ba talaga ang laman ng papel? O dahil nakita mo lang ang mga cringe na papuri niya sa'yo tumigil ka na agad?"
Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Is she gone mad? Paano napunta sa kanya ito? Oh I forgot! They are friends. Isinandal ko ang aking likod sa aking swivel chair habang nakacross arm na nakatingin kay Raine.
"Why do I need to bother myself reading that trash?"
She shut her eyes closed for a second. "You clearly know that Helle is not stupid! She's a topnotcher and graduated with flying color. Kung naiinis ka sa kanya because she likes you, then don't question her ability! She's smarter than you."
Marahas akong napabuntong hininga. Naikuyom ko ang aking kamao bago muling binalingan ng tingin si Raine na nanatiling nakangiti sa akin na para bang hawak niya ang buhay ko.
"I also called your friends. Baka papunta na sila ngayon dito."
Malutong akong napamura dahil sa sinabi niya. She's indeed a pain in the back.
"Bebe ko."
Salubong ang aking kilay na binalingan ko si Ashelle na nanatiling nakangiti sa akin. This woman is f*cking getting into my nerves. I guess she plan all of this again.
"Ito na yung report ko. Sorry kung medyo natagalan."
Nabaling ang mata ko sa ipad na iniaabot niya sa akin, pero hindi ko ito kinuha sa halip ay tinungo ko ang puwesto ni Raine na ngayon ay naglalaro na sa hawak niyang joystick.
"Masyado mo namang ipinapakita kay Helle na ayaw mo sa kanya, baka mamaya ikaw pa maghabol sa huli niyan."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dani na ginawang abala ang sarili sa hawak niyang ice-cream.
Ako maghahabol? T*ngina! Hindi pa naisisilang ang magpapatuwid sa akin.
---