Chapter 4
HELLE
Hindi ko maiwasang mapabusangot dahil instant leisure room ang hospital room ko dahil sa mga bisitang inimbitahan ni Raine. Gusto ko silang paalisin dahil sobrang ingay nila na akala mo wala sila sa hospital kaya lang sa tuwing nakikita ko ang Bebe ko na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa ay hindi ko maiwasang mahulog. Nakaupo lang siya pero sobrang gwapo na niya sa paningin ko.
"Laway mo."
Mabilis kong hinawakan ang gilid ng labi ko pero wala naman akong laway. Sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong hindi matanggap ng sistema ko na umupo pa sa hospital bed ko. Hindi ko talaga maisip kung paano naging anak ni Tito Peter ito. He's so ugly! Paulo is Tito Peter's youngest child. Magkasing edad lang kami at halos sabay na kaming lumaki.
"Tabi! Hindi ko makita ang future ko," saad ko. Itinulak ko pa siya pero ang g*go mas lalo lang iniharang ang pangit niyang mukha sa Bebe ko na sobrang sarap pagmasdan.
"Insan naman, sabi ng Doctor pahinga ang kailangan mo hindi kalandian." Inambaan ko siya ng suntok, pero ang g*go humagalpak lang ng tawa.
"Ang pinaka-kailangan ko ngayon katahimikan at peace of mind na may halong Bebe ko moment. Wala pa ba kayong balak umalis?" inis na tanong ko.
Kung si Bebe ko ang kasama ko, matutuwa pa ako, pero kung may mga asungot sa paligid? Mas gusto ko na lang mapag-isa at mag imagine ng mga bagay na ikakasaya ko.
"Helle, get up and join us here. Galaw-galaw. Nandito pa naman ang BUMO." Nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Nathan.
"Bumo?" kunot noong tanong ni Dani sa boyfriend niya na ngiting-ngiti. Para siyang tanga.
"Buhay mo. BUMO!"
Napamakeface ako dahil sa sinabi niya. Ang mga kasama ko naman ay malutong na lang na napamura dahil sa kakornihan ni Nathan na akala mo pang world-class ang joke niya. Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit naging sila ni Dani dahil pareho sila ng sense of humor. Pareho silang waley!
Kung may kaisa-isang tao na walang reaksyon, si Bebe ko na iyon. Nakakatuwa nga dahil pareho kami ng sense of humor. Hindi kami mabilis matawa sa mga jokes na nonsense. Kaya para talaga kami sa isa't isa.
"Dude! Halika rito. May sasabihin ako." Siniko ko si Paulo. Pero ngumiti lang siya sa akin at saka kumindat.
Akala ko hindi susunod si Heize, kaya lang halos bumulwak ang regla ko nang mag-umpisa siyang maglakad palapit sa amin. Hindi kasi ako masyadong makagalaw dahil sobrang sakit ng katawan, pati na rin ng puson ko. Gusto ko ngang kumandong kay Bebe o kaya naman magpabuhat, kaya lang baka sabihan niya akong pabigat. Ayoko pa namang nadidisappoint siya.
"Why?" Shems! One word lang ang sinabi niya pero feeling ko I DO na ito sa tenga ko.
"Gusto raw kasing pumunta nitong si Prinsesa sa comfort room, tutal mas maganda at malaki katawan mo, p'wede mo ba siyang buhatin?"
Shoot*ngina! Ito ang gusto ko sa pinsan kong ito! Alam na alam niya ang magiging kasiyahan ko.
Ngintian ko ng pagkatamis-tamis si Bebe ko na nanatiling blangko lang naman ang pagkakatingin sa akin. Siguro ay pinoproseso pa niya ang sinabi ni Paulo.
"Sa pagkakaalam ko hindi naman siya pilay," pagkakwa'y saad niya saka pa pumitas ng ubas na nakalagay sa side table. Sana yung ubas ko na lang ang pinitas niya. Fresh din naman 'to.
"Dude, kawanggawa na lang. Maawa ka sa pinsan kong patay na patay sa'yo," pagpupumilit pa rin ni Paulo, hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi niya. G*go ba siya?
Tinignan ko si Heize na ngayon ay kumakain na ng ubas.
"Huwag kang maniwala kay Paulo. Chinacharot ka lang niya," saad ko kasi baka maturn off pa siya sa akin na pati pagpunta ko sa comfort room ay iaasa ko pa sa kanya.
Akmang tatayo na ako mula sa aking pagkakaupo nang bigla siyang lumapit sa akin na dahilan ng biglaang pagbuhos ng aking regla. Buti na lang naka-napkin ako with wings.
"Tsk. Hold onto me."
Kahit medyo aburido ang tono niya ay hindi ko maiwasang kiligin. Kumapit ako sa batok niya ay malapang bride style na buhat ang ginawa niya. Shoot*ngina! Ang saral magkasakit. Parang gusto kong magpaconfine nang isang buwan kung isang Heize ang mag-aalaga sa akin.
"Kaya ko naman talaga," saad ko kahit na kilig na kilig na ako ngayon. Gusto ko na lang talagang mag stay sa bisig niya at huwag ng bumaba mula sa pagkakabuhat niya sa akin.
"Ay! Isang babae na naman po ang napagbigyan!" rinig kong asar ni Raine, pero hindi ko pinansin ang mga pang-aasar nila.
Tanging kay Heize lang ang mga mata ko. Naiimagine ko na ang masayang buhay ko kasama siya. Nakikita ko na talaga ang future naming dalawa. Sana gano'n din siya. Hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit na paulit-ulit niya akong ayawan, wala akong pakealam. Basta siya lang ang gusto ko, wala ng iba. Period! Lock! Tapos susi!
"Akala ko ba iihi ka?"
I was back in reality when I heard his angel like voice. Dahan-dahan niya akong ibinaba.
"Salamat..." Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang marahas niyang isinara ang pintuan. Grabe talaga ang pagmamahal niya sa akin. Sobrang lakas!
---
HEIZE
Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga at napamura dahil sa atensyong ibinibigay sa akin ni Ashelle. She is making me fuming mad by simply staring at me.
Masamang tingin ang ibinaling ko kay Paulo na nakangising nakatingin sa akin pagkasara ko ng pintuan. I stretch my arms because I feel like I carry someone who is bigger than me. Ang payat niya pero sobrang bigat niya.
"Kumakain ba ng bato 'yon?" aburidong tanong ko habang panay ang mahinang pagsuntok ko sa aking braso. I check my watch. D*mn! Ilang oras na pala ang nasayang ko.
"Dude, oks lang na mangalay ka, ang mahalaga napasaya mo siya at may nagawa ka na namang tama sa buhay mo." I raised my middle finger to Nathan who is so busy flirting around with his girlfriend.
"Stop overreacting, Moron. Saglit mo lang binuhat si Impyerno, pero kung mag inarte ka akala mo naman binuhat mo ang buong mundo."
I arched a brow towards my sister who is looking at me as if I did nothing special. I just shrug my head.
Kinuha ko ang coat ko. Bago pa man ako tuluyang masiraan ng bait sa kanila, mas gusto ko na lang umalis sa lugar na ito. That d*mn desperate woman is getting into my nerves.
"Aalis ka na?"
Tumayo si Paulo mula sa pagkakaupo niya sa hospital bed at lumapit sa akin.
I smirk. "I have schedule tonight. A good one." Tinapik ko ang balikat niya, at hindi ko na inabala pa ang sarili ko na hintayin pa ang sasabihin nila.
All I want is to get myself out in this hell. I already did my part. I stayed and do her a favor I really don't want to do in the first place.
"Sir, handa na po ang sasakyan."
Tinanguhan ko lang ang aking secretary at hindi inabala ang sarili ko na pagtuunan siya ng pansin. Inilabas ko ang aking cellphone at muling tinignan ang babaeng babayaran ko makuha lang ang kasiyahang gusto ko.
"Sir, didiretso po ba tayo sa masyon o —"
"Mansyon?" putol ko sa sasabihin niya. Kumunot ang noo ko nang tumango siya. "Why? Is there an important event?" Alam ba ni Raine ang tungkol dito?
"Dinner, Sir."
Marahas akong napabuntong hininga. Dinner. I check my watch. May oras pa naman ako.
Bago ako tumungo sa private bar ay napagpasyahan ko na lang muna na magpahatid sa mansyon. Nang makapasok ako sa bahay ay agad sumalubong sa akin si mom. She hugged me as if she didn't see me for years.
"I heard from Raine that you're with her. Akala ko ay magsasabay kayo." She linked her arm on my arm as we both started to walk towards the kitchen.
A dinner with them is only the time that I spend my time with my parents. Dahil may kanya-kanya naman kaming schedule sa buhay, madalas ay hindi na kami nagkikita-kita pa. Mom always call to check on me, and Dad sometime pays a visit on my office.
"Heize! Long time no see."
My eyes shifted to where I heard the voice. My brows immediately furrowed when I saw who it is. What is he doing here? Naglakad siya palapit sa akin at bago pa man ako makapagsalita ay saglit niya akong niyakap.
"Hindi ka ba masaya na makita mo ako?" He is smiling as if he is really happy to see me.
"Why would I be happy?" I arched a brow, but he just jokingly tapped my shoulder. "Mom, why is he here?" I shifted my eyes to my mom who looks happy right now.
Now, I know why Raine never tells me about this. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking sentido. This is f*cked up.
"Heize, hindi ka ba masayang makita ang kapatid mo?" tanong ni Dad na kakapasok lang sa kusina.
"KUYA SKY!" Napatingin ako kay Raine na malaki ang pagkakangiti. Mabilis pa siyang tumakbo palapit kay Sky.
I shrug my head. I guess, there's no reason for me to stay here.
"Heize, saan ka pupunta? Kakain na tayo." Hinawakan ni Mom ang kamay ko bago pa man ako tuluyang nakalayo.
"Mom, if you don't want to ruin this dinner, I might just leave. Parang hindi ko naman yata masikmura na kumain kasama ang taran*tadong 'yan."
Sky and I, aren't in good terms, at kahit sabihin pa nila na matagal ng nangyari ang lahat, hindi pa rin iyon dahilan para kalimutan ko ito. He's the reason why I gave up something important that I shouldn't.
---