CHAPTER 5: The Wedding

2133 Words
Chapter 5 HELLE "Hindi ka pa ba tapos diyan?" aburidong tanong ni Raine na napapadyak pa dahil sa inis. Nagmamadali kong ikinabit ang eyelashes ko. 'Tong babaeng 'to talaga lagi na lang akong pinagmamadali. Hindi naman mag-uumpisa ang party na wala ako. "Gosh! My eyelashes doesn't want to cooperate right now. Oh geez," I annoyingly said as I keep putting back the eyelashes I've been trying to fix for a freaking multiple times already. Kumukulo na ang dugo ko. I need to kabit kabit this one para gorg ako mamaya. Ayoko namang mapagkamalang hindi pinaghandaan ang araw na ito. Nakakahiya sa mga makakakita sa'kin if ever, you see I hate it pa naman when someone is looking at me dissatisfied, lalo na 'yong bebe ko na for sure kanina pa naghihinatay para sa'kin. Miss na miss ko na siya. Gusto na siyang makita at makasama. "Baka malate na tayo. It's almost time," singit ni Dani na tumayo na sa kinauupuan niya. Ayos na ayos na silang dalawa, ako na lang talaga ang hinihintay. Nakakainis naman kasi dahil hindi pa makisama ang eyelashes ko. "Ya. Girl, stop making an effort. Your face still look the same naman even though you put thousands of layers of makeup to your face. Hindi ka na ka na rin naman gaganda." I glared at Raine who flips her hair as if that suited her. Minsan talaga ang sarap tampalin ang pasmado niyang bibig. Nakakairita. Kahit na kapatid pa siya ng Bebe ko ay baka mapatay ko siya. "Duh? I'm Helle," pagtataray ko saka ko siya inirapan ng pangmalakasan. She arched a brow at me. "So, pake ko sa kung sino ka? Kahit ikaw pa ang natitirang pempem sa mundo, hindi ka pa rin mabango. Not a big deal. Let's go. Saka ka na mag ayos kung napansin ka na nung tukmol ko kapatid." Napatigil ako ng bahagya dahil sa sinabi niya samantalang tumawa naman si Dani habang iiling-iling pa ito. That hit a nerve. Ang lakas ng loob niyang insultuhin ang pagmamahalan namin ni Heize. At ano? Mabaho ang pempem ko? Aba! Mahal kaya ang feminine wash ko. Baka tabunan ko pa siya. "What only matters to me is I love him and —" "And he doesn't even cast a glance at you. Reality check," she said cutting me off. Raine really knows how to irritate the whole of me. She's impossible! Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Raine na taas kilay lang na binalingan ako ng tingin saka ito mapang asar na umirap at ngumiti. Sarap pektusan sa ribs ang g*ga. Akmang babatuhin ko siya ng nadampot kong lipstick nang pinandilatan niya ako ng mata. Kung p'wede ko lang siyang saktan, ilampaso, at durugin gamit ang mata ko, baka kanina pa siya naging abo. Instead inisin ko ang sarili ko sa kanya, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos. "Ang ganda ng magiging future ni Bebe Heize," nakangiting sambit ko habang tinitignan ang sobrang ganda kong repleksyon sa salamin. Feel na feel ko pa ang kagandahan ko nang umentrada na naman ang mga kaibigan kong nababalot ng inggit ang katawan. Hindi na lang nila ako suportahan! Ang plastik. "Sure kang maganda ka?" pang-aasar ni Raine na mukhang ayaw na talaga niyang mabuhay sa mundo. Juicekolord! Ayokong magkasala. "Just a friendly reminder, ang kagandahan ay nakikita sa mukha hindi sa pilik mata," dagdag niya na humagalpak pa ng tawa na akala mo naman sobrang ganda ng joke niya. Napamake face na lang ako dahil sa pang-aasar niya. Hindi na rin naman ako magtataka sa ugali nila, dahil baka mas matakot pa ako kung sakaling pinuri niya ako. "Iba talaga pag-inggit. Daming kuda," pagtataray ko. Tumawa lang naman sila na akala mo joke ang sinabi ko. Hinayaan ko na lang sila, alam ko namang epekto lang 'yan ng pagiging inggit. Hindi ko rin naman kasi kasalanan kung pinanganak akong sobrang ganda. Pare-pareho kaming lumabas sa hotel room na binook ng mom ni Raine. I really can't hide my happiness. Excited na ako para sa first date namin ni Bebe ko. Shoot*ngina paano kumalma? Yung feels ko overflowing talaga like oh freaking geez. Kalma pempem — I mean self. "First date namin 'to," bulalas ko habang pinapalo ang braso ni Dani dahil sa kilig. "Baka mag propose na siya sa'kin pagkatapos nito. I can't!" Hindi ko na naiwasan pang mapatili. "Assuming! First date daw. Nandito tayo para dumalo sa kasal, hindi paran sa ilusyon mo." Inirapan ko agad si Dani dahil sa sinabi niya. Palibhasa masaya sa love life ang g*ga kaya ang lakas makapanghusga ng magiging love life ng iba. "I do na agad sagot ko kapag tinanong niya ako." Hindi ko talaga maitago ang feels ko. Naghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Feeling ko huminto sa pag function ang braincells ko, all I think right now is my future with him. Pakiramdam ko nagliwanag ang paligid ko nang makita sa harap ng altar si Bebe ko na tila hinihintay ang pagdating ko. Shoota! Paano ang kilig? Kalma pem! Mas dumoble ang kabang naramdaman ko nang mag umpisa na siyang maglakad palapit sa amin. Ang bawat indayog ng buhok niya, bawat pagkislap ng mga mata niya, ang matamis na ngiti sa kanyang labi na siya nga namang — shoot*ngina! Nagiging makata na naman ako. Nag umpisa na akong maglakad sa red carpet nang bigla akong hinila ni Raine. "G*ga! Paalala lang hindi ikaw ang ikakasal. Bisita lang tayo rito," sita niya sa akin. Napairap na lang ako sa kawalan. Panira talaga ng moment kahit kailan. Pero instead na sagutin ko pa siya ay tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Bebe ko. "Hi Bebe ko. Ang gwapo mo," nakangiting bati ko kay Howard na as usual poker face na naman, pero shootangina! Ang hot niya talaga. Ang sarap pisil-pisilin ng biceps niya. Tumango lang siya sa akin bago tinuon ang atensyon sa mga kaibigan niya. Hindi ko tuloy maiwasang mas lalong mapangiti. "Busted," pang-aasar ni Dani. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya, ngunit agad ding napalitan ng isang malawak at matamis na ngiti nang makita kong nakatingin sa akin si Bebe ko. "Yes Bebe ko?" Feel na feel ko talaga siyang tinatawag na bebe ko dahil handang handa na akong magpad*de. Kilig shoota! Mabilis ko siyang sinundan nang mag-umpisa na siyang maglakad. Kinawit ko pa ang braso ko sa kanya. Dahil duh? Mine basis! Baka maagawan ako bigla, ang dami pa namang kaaway sa paligid. "Girl, leetch ka na ngayon?" tanong ni Raine nang makalapit kami sa kanila. Iba talaga ang tabas ng dila nito. "Mukha ba akong sumisipsip ng dugo?" pagtataray ko saka ko siya inirapan. "E kung hindi ka sumisipsip ng dugo, ano ang sinisipsip mo?" pang-aasar niya ulit na malademonyong nakangiti sa akin. I frowned. Baka sabihin ni Bebe ko sa'kin madumi pag-iisip ko. Dapat demure at innocent lang ako sa paningin niya. Dalagang pilina yeah! Pero deep inside ready na akong kainin siya sabay sabi ng linyang 'choke me'. Binaling ko na lang buong atensyon ko kay Baby na kanina pa tahimik bago pa ako mabwisit sa mga kaibigan kong ginawang past time ang pambubwisit sa akin. Hindi ko maiwasang titigan si Bebe ko sa tabi ko na nasa harap lang ang tingin niya pero maya't maya ang pagtingin niya sa phone niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na sa'kin lang dapat ang tingin at atensyon niya kaya lang baka isipin niya super strict ako, ayokong masakal siya sa'kin. Malawak ang pagkakangiti ko nang bigla niya akong lingunin, tila tumigil ang oras maging ang pagtibok ng puso nang bigla siyang nag lean sa akin. Amoy na amoy ko tuloy ang sobrang mabango niyang pabango na talaga namang nakapagpabuhay ng buong sistema ko. "Your arm," parang isang awitin ang sinabi niya na talaga namang nakapagpasayaw ng aking buong pagkatao. "Let go of my arm," muli niyang sabi na agad ko namang sinunod dahil hindi na maganda ang tono niya, pero still sobrang ganda pa rin sa pandinig ang boses niya. Shoota! Kilig ang deputa! "Saan ka pupunta —" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at sinundan ko na lang siya ng tingin. Siguro kailangan niya rin ng time para sa sarili niya. "Ay iniwan. Hindi pinili," pang-aasar ni Raine na ngising ngisi na nakatingin sa akin. "F*ck you!" singhal ko. Agad ko namang naitikom ang bibig ko nang mapatingin sa akin ang mga tao. Nakita ko pa ang pag sign of the cross ng kadarating lang na pari kaya mabilis din akong nag sign of the cross. Napabusangot na lang ako nang tawanan nila ako. Sayang-saya ang mga hangal dahil napahiya ako. Hindi na lang ako umimik at muling iginala ang mga mata ko sa paligid. Where's my Baby? "Who's the girl beside him?" tanong ni Dani. "Girlfriend niya." Tila nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Paulo. Girlfriend? What the freak? Bakit hindi ako alam? "Narinig mo 'yon, Girl? Girlfriend," nakangising pang-aasar ni Raine na inirapan ko lang. "So what? Mag-asawa nga naghihiwalay, sila pa kayang dalawa na hindi naman bagay sa isa't isa? Duh?" pagyayabang ko. Nanatili lang ang mata ko kay Bebe na kahit tipid lang ang pagkakangiti ay sobrang perfect pa rin, parang kami lang, perfect sa isa't isa. Parang gusto ko tuloy palitan ang bride bigla. Sarap ikasal kay Bebe. Matapos ang kasal ay nagkaroon muna ng picture taking shows. Syempre hindi papahuli ang kagandahan ko. Mabilis kong isiniksik kay Bebe ang sarili ko. "Miss, family picture muna," sabi ng pangit na photographer sa akin. "Mukha bang hindi kami family?" pagtataray ko. Agad naman akong hinila ni Raine palayo kay Bebe. Nakakainis. I'm part of the family naman eh! Daming kuda. Doon din naman bagsak namin ni Bebe, ayoko lang patagalin. Kita ko ang pagpalitan ng tingin ng photographer at ni Mommy Jen na binalingan ako ng tingin at ngumiti. "She'll be part of the family soon," ani Mommy Jen na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Shoota! Sarap sa ears. Taas kilay kong tinignan ang photographer na agad humingi ng tawad sa akin. Muli kong ikinawit ang braso ko kay Bebe at saka ko ini-lean ang ulo ko sa braso niya. I can't with my feels. Kilig ako shoota! Feeling ko tuloy kami ang ikinasal. Matapos ang picture taking shows ay agad kong hinagilap si Bebe dahil bigla siyang nawala sa paningin ko kanina. Kailangan ko pang magpapicture ng kami lang dalawa, sayang naman outfit ko. Ang mahal pa naman nito. "Heize, let's go to your place. I want to show you something big." Bahagya akong napahinto nang makarinig ako ng mashondeng tinig. Nagtago ako sa isang poste at tahimik na pinagmasdan si Bebe ko kasama ang sinasabi nilang girlfriend niya kanina. Nakakainis naman! Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa sunod na nangyari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sinasakal ako bigla. Wala sa sariling naglakad ako palayo sa lugar na iyon, pero napatigil ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Matamis siyang nakangiti sa akin na para bang sobrang saya niyang makita ako. "SKY!" --- HEIZE D*mn that woman! Kanina pa siya tabi nang tabi sa akin na para bang isa siyang glue. Kahit na gusto ko sana siyang itulak ay hindi ko magawa dahil panay ang tingin sa akin ni Mommy. Ito ang dahilan kaya ayokong umaattend sa mga ganitong okasyon dahil lagi akong nawawalan ng kontrol sa aking sarili. My mom obviously like Ashelle. I mean everyone in the family except me. Marahas akong napabuntong hininga nang sa wakas ay nakalayo na rin ako sa kanya. I also invited someone today so I could just get myself out to the situation with that d*mn stupid woman. "Honey, I'm shy. What if someone will see us?" Hinayaan ko ang sarili ko na angkinin ang labi ng babaeng nakilala ko lang kanina. Hindi naman siya umangal. I pin her against the wall while still kissing her — savoring her lips. "SKY!" Napahinto ako aking ginagawa nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. "Bakit ka tumigil?" takhang tanong ng babaeng kasama ko na hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan. Oh s*"it! Instead the woman I'm making out with right now, I turn my back at her. I heard her calling my name but I didn't waste my time to cast her a glance. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bahagya akong napahinto nang makita ko ang dalawang kinaiinisan kong tao na magkayakap. I sneer at the back of my head. Lalampasan ko na lang sana sila nang tawagin ako ni Ashelle, ngunit hindi ko siya binalingan ng tingin o binigyan ng atensyon. Akala ko susunod siya sa akin gaya ng madalas niyang gawin, ngunit nakalayo na ako ay wala pa rin siya. D*mn it! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD