Kabanata 14

1766 Words
Kabanata 14 ABALA si Tyler sa pagbabasa ng report na sinend ni Rodel sa kanya nang biglang huminto ang sinasakyan niyang kotse. Hangga’t maaari ay ayaw pa sana niyang pabalikin ang kaibigan sa trabaho. Pero mapilit ito. Napapikit siya at bahagyang minasahe ang mga mata bago ibinaba ang hawak na tablet at lumabas sa sasakyan. Agad na sinalubong ng malakas na alon ang kanyang pandinig mula sa tabing dagat na nasa kanyang harapan ngayon. Dahil tirik na tirik pa rin ang araw ay tinanggap niya ang inabot na shades ng assistant at kaibigan na si David. “Ayos rin ang napiling location ng ex mo, ah. Seaside restaurant lang ang peg.” David chuckled humorlessly. Tyler looked on his friend with blank expression. Kung anong tahimik ni Rodel kapag oras ng trabaho ay siya namang ingay at kulit nitong assistant niya. “Shut up. Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng babaeng mamahalin mo? Para hindi lovelife ko ang ginugulo at pinagdidiskitahan mo,” asik niya rito. Bigla naman itong napangiwi. “Man, sapat na ang nakita kong dinanas n’yo ni Rodel nang dahil sa pag-ibig na ‘yan. Kaya sa tingin mo ba ay may balak akong sundan ang yapak n’yong dalawa?” Mariin itong napailing. “Thanks. But no, thanks. Kuntento at masaya na ako sa buhay ko. No strings attached, no problem.” Tuluyan na siyang napaharap dito bago malakas na tinapik ito sa balikat. “My friend, wag kang magsasalita ng tapos. Baka mabilaukan ka niyan kapag nilunok mo ang mga salitang binitiwan mo at hindi umubra ang ilang baso ng tubig bago ka maka-recover,” paalala niya rito. Magmula pa lang noong kolehiyo sila ay wala na itong naging steady na relationship. Kaya naman ay maghahanda talaga siya ng party sa oras na tamaan ni kupido ang puso ng kaibigan niya. Magsasalita pa sana ito nang bigla itong mapatingin sa kanyang likod dahilan para biglang malukot ang mukha nito. “Speaking of the evil witch,” bulong nito. Tyler gave his friend a weird look. Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito. Mamaya ay minura na pala siya ng loko. “What is it?” Ngumuso naman ito sa bandang likuran niya dahilan para mapalingon siya roon. Nahagip ng paningin niya si Tanya na abala sa pagmamando sa mga trabahador nito. Bakas ang iritasyon sa mukha ng nito habang nakapameywang. Tila aligaga naman ang assistant nito na nagpapayong sa babae dahil panay ang lakad nito. Ngunit nang sa wakas ay mabaling sa direksyon niya ang atensyon nito ay awtomatiko itong napangiti at patakbong lumapit sa kanya. Sa isang iglap ay tila naging maamong tupa ito. “Hey! You didn’t tell me that you will come today!” salubong nito sa kanya. Bakas ang magkahalong gulat at excitement sa mukha nito. “Feeling important para sabihan yern?” muling bulong ni David sa tabi niya. Mahina naman niya itong siniko para tumigil na ito sa pang-aasar. Wala talagang preno ang bibig nito. “Pupuntahan ko rin kasi ang isa sa mga branch namin. Pero dahil madaraanan naman namin itong sa ‘yo ay naisipan ko na rin na sumilip.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “How’s the construction going so far?” Nagsimula na silang maglakad. David followed them and make faces behind their back while looking at Tanya. Napahinga na lang siya nang malalim nang mahuli niya ito. Kumpirmado nga na tumatanda ito ng paurong. “It’s actually good! Thankfully, wala namang naging problema. Sa mga susunod na buwan sana ay makapagsimula na rin kami ng operation,” magiliw na sagot ni Tanya. Napatango naman siya. Sa dinami-rami ng mga nag-franchise ng restaurant na itinaguyod pa ng kanyang lolo ay wala pa namang nakakarating na reklamo sa kanya. “That’s good to hear.” Nilingon niya ito at kinuha mula sa loob at suot na coat ang isang puting envelope. “May gaganapin pala na annual party ang kumpanya sa darating na Sabado. Imbitado ang lahat ng mga empleyado maging ang mga franchisee’s. You can come if you want to,” balewalang imporma niya rito sabay abot ng sobre. Tila bigla namang kuminang ang mga mata nito at mabilis na inabot ang sobre. “Of course! I would love to! What’s the theme?” Marahas siyang napabuga ng hangin nang maalala ang tema ng darating na party. “Fairytale ang theme for this year.” He shrugged. Sa totoo lang ay ayaw niya sana sa ideya na ‘yon. Pero dahil ayon ang nanalong tema sa naganap na survey sa buong kumpanya ay hinayaan na lang niya. “Alright. Excited na agad ako!” Akmang hahawak ito sa braso niya pero mabilis siyang nakalayo rito. Hindi naman nito ininda ang tahasan niyang pag-iwas. “I can also be your date if you want to.” She winked at him. Napakamot naman siya sa batok. “Sorry. But I don’t want to,” he bluntly said. “I invited you just like what I did to others. That’s just it.” Napatakip naman sa bibig si David para pigilan ang sarili na matawa. Sinamaan naman ito ng tingin ni Tanya. “I’ll go ahead now. I just checked how’s the construction going, and to pass on the invitation as well,” paalam niya rito. Mahirap na at baka bigla na lang magsabong ang dalawa sa harap niya. Tanya smiled sweetly as she looked back at him. “Okay. See you again on Saturday!” Tipid niya lang itong nginitian bago siya tuluyang bumalik sa sasakyan. Nang makasakay ay mabilis na pinasibad ni David ang kotse paalis. “Hindi naman sa nangingielam ako, Sir. Pero ayos lang ba talaga na imbitahan mo si Tanya sa party? Afterall, she’s your ex.” Bahagya siya nitong sinilip mula sa rear-view mirror. “Ang sa ‘kin lang mamaya ay bigyan ng kahulugan ng iba.” Inayos niya ang suot na coat bago tumingin sa labas. “What we have is just a business relationship,” pagkaklaro niya rito. “Kung iibahin ko ang trato ko sa kanya kumpara sa iba ay baka mas lalo lang mag-isip mga tao na apektado pa rin ako.” Napapalatak naman ito. “Alam naman namin na business relationship na lang ang mayroon kayong dalawa. Pero bukod sa ibang tsismosa sa paligid ay malamang na binabantayan rin kayo ng mga paparazzi ngayon. Lalo na ang mga taong gustong manira kay Sabrina. Dahil wala na siya sa limelight ay maraming may gustong umagaw sa trono niya.” Napatiim bagang naman si Tyler kasabay ng pagkuyom niya ng kamao. “That’s the thing that I will not allow happening. I’ll make sure of that.” DUMATING ang araw ng Sabado. Paalis na sana si Tyler nang bigla siyang pigilan ni Sabrina. “Wait. Just let me fix your golden belt.” Maingat nitong inabot ang suot niyang belt na para ba’ng tinatantiya nito kung aalma ba siya. But he just looked away and remained still. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa hanggang sa matapos. “There. Ang guwapo talaga ng asawa ko.” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “You really look like a prince charming.” Nakangiti sa kanya si Sabrina. Pero hindi nito magawang itago ang lungkot sa mga mata nito. “Thank you. Though I don’t have any other choice. This costume is one of the decent ones, I guess.” Tyler’s wearing a royal outfit— which have a white royal-like jacket, partnered with red pants that has a yellow stripe on the sides, golden belt, black boots, and white gloves. “It suits you,” puri pa ng asawa sa kanya. Hindi siya umimik at napatitig lang dito. Tila may gusto pa kasi itong sabihin. Pero pinanatili na lang nitong tikom ang bibig. “Alright. I’ll leave now,” paalam niya rito. Sinamahan naman siya nito hanggang sa makalabas siya ng pintuan ng mansyon bago mabilis na kinintalan ng halik ang kanyang mga labi. “Enjoy,” wika nito. Pinigilan naman niya ang sarili na ikulong ang asawa sa mga bisig niya dahil baka hindi na siya makaalis. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Hinintay niya lang na isarado nito ang pinto bago siya naglakad palapit kay David na nakaabang na sa tabi ng kanyang kotse. Pero sa halip ay binato niya rito ang susi ng isa pa niyang kotse. “You know what to do.” Maloko naman itong sumaludo sa kanya. “You can count on me.” Napatango lang siya bago sumakay sa kotse at dumiretso sa hotel kung saan gaganapin ang party. Pagkarating ay agad siyang sinalubong ni Rodel na nakasuot naman ng damit ni Peter Pan. “Marami na ba’ng tao?” tanong niya rito. “Opo. Kanina pa rin po kasi nag-umpisa ang party,” sagot nito. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang function hall. Agad na sumalubong sa kanya ang mga tao na nagkakasiyahan habang may kanya-kanyang hawak na kopita. Even Tanya is already there. She’s wearing a maleficent costume. Abala ito sa pakikipag-usap sa mga investors ng kumpanya nang mapadako ang atensyon nito sa kinatatayuan niya. She seems to excused herself from the investors, as she strides towards his direction. “Kanina pa kita hinihintay!” bati nito nang makalapit. She’s about to kiss on his cheeks, but he instantly moves backward. “Excuse me. I think I’m already needed on stage,” paalam niya rito. Hindi na niya ito nilingon pa hanggang sa makaakyat siya sa ibabaw ng stage. “Good evening, everyone. May I have your attention please.” Natahimik naman ang lahat at tumuon sa kanya ang atensyon. “First of all, I would like to thank each and every one of you for being here with us tonight. We are pleased to be able to welcome those of you that have been with us for years now, as well as those of you who are our new partners and colleagues.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. “Second, I hope that this event will serve as a way for us to have a stronger bond, work relationship and communication.” Kinuha naman niya ang inabot na wine ni Rodel sa kanya. “Third, let’s all have fun!” Itinaas niya ang kopita na naglalaman ng red wine bago ito ininom. Napuno ng hiyawan at masigabong palakpakan ang paligid. Napangiti naman siya bago tuluyang bumaba sa stage at tumingin sa suot niyang relo. His date should be there in a few hours. Because no matter what happened, his home will always be on his wife’s arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD