Kabanata 13

2012 Words
Kabanata 13 TULALA lang si Sabrina habang pilit na iniintindi ang mga sinabi ni Tyler. Magmula ng mawala ang anak nilang dalawa ay muli itong bumalik sa malamig na pakikitungo sa kanya. Pero naiintindihan naman niya ito. Ang hindi niya matanggap ay ang naging akusasyon nito sa kanya noong nakauwi na sila sa mansyon pagkalabas niya sa hospital. Na sinadya at ginusto niya raw ang nangyari dahil hindi pa talaga siya handa na magkaroon sila ng anak. Pakiramdam niya ay tinapakan at pinira-piraso ng asawa ang kanyang puso nang dahil sa talim ng mga salita na binitiwan nito. He didn't even think that it's also her child. Siya ang nagdala rito kahit sa loob lamang ng maikling panahon. Higit sa lahat ay nawalan din siya. Pero pakiramdam niya ay hindi siya nakapagluksa ng maayos nang dahil sa naging pakikitungo ni Tyler sa kanya. Dumaan pa ang ilang minuto bago siya tuluyang nakahuma mula sa pagkakabigla. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na hahantong sa ganoong klase ng desisyon ang asawa. Kaya naman ay isang plano ang biglang nabuo sa kanyang isipan. Marahan niyang pinisil ang kamay ni Tyler bago siya sunod-sunod na napailing. "No. There's no way that I'll sign these papers." Pinakatitigan niya ito. "Not until you give me one last chance," dagdag pa niya. Nagsalubong ang kilay nito. "What do you mean?" Napalunok siya bago marahas na napabuga ng hangin. "I can prove to you that I will be able to give you the complete family that you ever wanted." Binitiwan naman ni Tyler ang kanyang kamay bago ito napahawak sa batok. "Sab, you don't need to do this anymore. Please don't make it hard for me." "No! I'm not!" she shouted in frustration. "Just please..." pagsusumamo pa niya. Naninimbang ang paninitig nito sa kanya. "Alright. How?" "Made love to me," seryoso niyang sagot. Napamulagat naman ito. "What?" "Made love to me," ulit pa niya. "Kapag hindi tayo nakabuo sa loob ng isang buwan ay papayag ako na makipag-divorce na sa 'yo." Kinagat niya ang ibabang labi. "Pero kapag nabuntis ulit ako ay muli tayong magsisimula." Dumaan ang ilang minuto ng nakakailang na katahimikan. Walang may gusto magpatalo sa pagkakahinang ng kanilang mga mata. Hanggang sa mariing napapikit si Tyler bago muling dumilat at walang emosyon ang mga mata na tumuon sa kanya. "Fine," pagsuko nito. Sa pagkakataong 'yon ay nakahinga siya nang maluwag at walang pagdadalawang isip na pinunit ang divorced papers sa harap ni Tyler. Bago pa man ito makapagsalita ay agad na hinawakan niya ang dulo ng neck tie nito para hilahin ito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Tyler nang dahil sa ginawa niya. Ngunit inignora niya lamang 'yon at hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon para umalma. Magulo ang takbo ng isip niya ngayon. Sabayan pa ng samot saring emosyon na nararamdaman niya. But one thing's for sure. She won't let their marriage life to break apart just like that. Mabilis niyang sinalakay ang nakaawang nitong bibig. Hanggang sa hindi nagtagal ay pareho na silang walang saplot sa katawan at napuno na ng ungol ang bawat sulok ng hardin. ABALA si Sabrina sa pag-aasikaso ng damit na susuotin ng asawa nang mapansin niya ang isang puting envelope na bahagyang nakalabas at nakaipit sa attache case nito dahil hindi maayos ang naging pagkakapasok nito roon. Out of curiosity, she took the attache case and open it. Agad na kinuha niya ang envelope at binasa ang nilalaman nito. Ngunit napamaang siya nang mapagtanto na invitation letter ito para sa gaganapin na annual party ng kumpanya na pinamamahalaan ni Tyler. Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib nang mapansin kung kanino nakapangalan ang imbitasyon. Tanya Suarez Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo ay mabilis niyang ibinalik ang envelope sa naturang attache case at sinara ito. Saktong pagtayo niya ay ang pagbungad sa kanya ni Tyler. "Tapos ka na pala. Sakto at naayos ko na ang mga susuotin mo," nakangiti niyang wika rito. Napatingin naman ito sa mga nakalatag na damit sa ibabaw ng kama habang pinupunasan nito ang basa pa na buhok. "Thank you. Baka gabihin pala ako ng uwi mamaya dahil marami pa akong kailangan tapusin. Mauna ka ng kumain kapag wala pa ako," wika nito at nagsimula ng magbihis. Napaupo naman si Sabrina sa ibabaw ng kama habang sinusundan ng tingin ang asawa. "Malapit na nga pala ang annual party ng company, no?" paalala niya rito. "Yeah. It will be on next Saturday," sagot nito bago isinara ang butones ng suot na polo. Napatango-tango naman siya. Umaasa na may kasunod pa ang sasabihin ng asawa. Pero hindi na ito nagsalita pa. Ramdam niya ang kirot sa kanyang puso sa isipin na iimbitahan nito ang dating nobya sa nasabing pagtitipon. Samantalang siya ay hindi man lang nito magawang alukin na sumama rito. "I'll go ahead," paalam nito nang matapos. Napatayo naman siya at lumapit sa asawa upang hagkan ito sa mga labi. "You take care." Tipid lang itong ngumiti bago tuluyang umalis. Sa pagsara nito ng pinto ay dali-dali siyang nag-asikaso. Lihim niyang susundan ang asawa. NAPAKUNOT noo si Sabrina nang tumigil ang kotse ni Tyler sa harap ng isang boutique. Bumaba ito mula sa sasakyan at nagpalinga-linga sa paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng shop. Hindi pamilyar sa kanya ang naturang boutique at ngayon lamang siya napadpad sa lugar na 'yon. Itinabi niya ang sasakyan mula sa hindi kalayuan. Ngunit kahit ganoon ay nasisiguro niya na hindi siya mapapansin ng asawa dahil nakatago ito sa likod ng ilan pang nakahinto na kotse. Halos pigil ang hininga ni Sabrina habang naghihintay. Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa pinto ng shop. Ni hindi niya magawang kumurap. Hanggang sa wakas ay nakita na niya ang asawa na naglalakad palabas. Napaayos siya ng upo at pinaningkit niya ang mga mata upang mas maaninag ang bagay na hawak nito. Nagsalubong ang kanyang kilay nang mapansin na isa itong malaking kahon na mayroon pang nakadikit na maliit na card. Ang hindi niya lang sigurado ay kung ano ba ang nakalagay sa loob nito. Sa pag-alis ni Tyler ay saka lang niya pinaandar ang sasakyan. Tumigil naman siya sa mismong tapat ng boutique. Ngunit biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita na dress boutique ito. Pilit na pinipigilan niya ang panginginig ng mga kamay nang makababa na siya sa kotse. Hinamig muna niya ang sarili bago taas noo na naglakad papasok sa shop. "Good morning, Ma'am. Welcome to our store!" malawak ang ngiti na bati sa kanya ng isa sa mga sales lady roon. Tinanguan niya lang ito bago nagsimulang maglibot sa loob. Gusto sana niyang tanungin kung ano ang binili ng kanyang asawa roon at kung para kanino nito ibibigay ang bagay na 'yon. Pero nasisiguro niya na hindi naman magbibigay ng impormasyon ang mga tao roon. Hanggang sa matigilan siya nang may biglang tumili. "Oh my! Miss Sabrina Alonzo?" Napaatras siya nang biglang sumulpot ang isa pang sales lady sa kanyang harapan. "Yes," pagkumpirma niya rito. Napatakip naman ito sa bibig na tila pinipigilan ang sarili na muling tumili. "Pasensya na po dahil hindi ko napigilan ang sarili ko. I'm a fan po." Tila nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bago pa man siya makapagsalita ay nilapitan na sila ng isang may katangkaran na babae. Nakasuot ito ng makapal na salamin at mababakas sa mukha nito ang pagiging strikta. "Pasensya na po, Ma'am. Hindi na po mauulit." Akmang ilalayo nito sa kanya ang naturang sales lady nang pigilan niya ito. "No worries. Saka hindi n'yo naman po siya kailangan pagsabihan, ah. It's okay," she assured. Muli namang humarap sa kanya ang sales lady. May kaliitan ito at kapayatan naman ang pangangatawan. Ngunit tila alaga naman ang balat nito nang dahil sa taglay nitong kaputian at kakinisan. Sa tantiya niya ay nasa 20's pa lang ang babae. "Puwede rin po ba'ng magpa-picture sa inyo?" excited nitong tanong. Pinandilatan naman ito ng manager nila. "Stop it, Ast-" "Sure," pagpigil niya sa anumang sasabihin ng manager. Pilit naman itong ngumiti bago inayos ang suot na salamin at bahagyang umatras. "Thank you po!" Mabilis naman siyang tinabihan ng babae bago kinuha ang phone nito mula sa bulsa at binuksan ang camera app. Sabrina genuinely smiled in front of the camera. Sa pagkakataong 'yon ay hindi niya napigilan na maalala ang iniwan na trabaho. Kung nangungulila siya sa anak nilang dalawa ni Tyler na hindi man lang nila nasilayan ay ganoon din ang nararamdaman niya sa mundong kanyang tinalikuran. In a snap of a finger, she can't believe that she lost all of it. Her career, their child and her husband. "Maraming salamat po talaga!" masaya nitong turan nang sa wakas ay matapos na ito sa pagkuha ng litrato nilang dalawa. "Sayang at hindi n'yo po naabutan ang inyong asawa. Kagagaling lang din po niya rito," dire-diretso nitong imporma sa kanya. Napatikhim naman siya at naisipang sakyan ang sinabi nito upang makakuha pa ng ibang impormasyon. "Sinadya ko talaga na hindi kami magsabay sa pagpunta rito. Para hindi ko naman masira ang plano niyang sorpresa sa 'kin," pagsisinungaling niya. "Naku, Ma'am. Paniguradong magugustuhan n'yo po ang dress na binili ni Sir. Pero hindi ko na po sasabihin kung alin po rito ang kinuha niya para masorpresa ka pa rin po." Napahagikgik ito. Napatango naman siya. "It's alright. Pero naisipan ko na rin na tumuloy rito para makita ko ng personal ang disenyo ng mga dress na ibinebenta n'yo. I might consider buying here my preferred outfit for the upcoming events that I will attend to. Bukod roon ay puwede ko rin mairekomenda ang shop na ito sa mga kakilala ko." Biglang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng manager nang dahil sa sinabi niya. "Thank you, Ma'am. Malaking tulong po 'yon para sa 'min lalo pa at halos kasisimula pa lang po namin." Hindi siya umimik at ipinagpatuloy na niya ang paglilibot. Ramdam naman niyang sumunod ang sales lady at manager sa kanya. "Pero kung hindi n'yo masasabi sa 'kin ang style ng dress na binili ng asawa ko ay ayos lang ba na malaman kahit ang mensahe na ipinalagay na lang niya sa card?" tanong niya habang isa-isang tinitingnan ang kulay pula na cocktail dresses sa isang rack. "Naku. Ayos lang po. Sa totoo lang ay ako po ang nagsulat sa naturang card. Kaya tandang-tanda ko pa po ang mensahe na ipinalagay niya roon," sagot ng manager. "What is it, then?" tanong niya sa kalmadong boses. Kahit pa ang totoo ay atat na atat na siyang malaman ang bagay na 'yon. "See you at the annual party. Ayon po ang nakasaad sa card." HANGGANG sa makauwi ay tuliro pa rin si Sabrina. Hindi kasi matahimik ang kanyang kalooban. Magmula sa invitation letter na nakita niya hanggang sa kung bakit bumili ng dress ang kanyang asawa at patungkol kanino ang card na ipinalagay nito sa kahon ng naturang dress. Sa pagsapit ng gabi ay may parte pa rin niya na umaasa na sa kanya nga ibibigay ng asawa ang binili nitong dress nang makauwi na ito. Ngunit nakatulog na lang siya at lahat ay wala naman itong iniabot sa kanya. Lumipas pa ang mga araw na kaswal lang ang pakikitungo nila ni Tyler sa isa't isa. Ngunit kahit pa nag-uusap na sila ngayon kumpara noon ay madalas na tungkol sa negosyo lang ang napag-uusapan nila. Ni hindi na nito nabanggit ulit ang tungkol sa darating na party. As the time passed by, Sabrina then realizes that her worth as a wife isn't based on her conceiving a child. That the importance of her role is to act as a source of support and encouragement. That being honest and having an open communication to her husband is important, for them to have a better understanding of each other's feelings. Kaya magkaroon man sila o hindi ng anak ni Tyler ay sisiguraduhin niya na muling manunumbalik ang dati nilang samahan. Ipaglalaban niya ang relasyon nilang mag-asawa kahit na ano pa ang mangyari. Kahit pa ang mismong sarili niya ang maging kalaban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD