Kabanata 10
MAHINANG napamura si Tyler nang dahil sa ipinakita sa kanya ng assistant niyang si David mula sa cellphone nito. He never thought that there's a picture of him with Tanya lurking at the bar a month ago that will actually leak.
Marahas siyang tumayo at malakas na napahampas sa ibabaw ng mesa. "Alamin mo kung sino ang kumuha ng mga litrato na 'yan. Gawan mo rin ng paraan na hindi na tuluyan pa na kumalat ang mga 'yan." Nagtatagis ang bagang na napatingin siya sa kanyang assistant. "You already know what to do."
Napatungo naman sa kanya si David. "Yes, Sir." Nagpaalam na ito bago pa tuluyang lumabas sa kanyang opisina.
Mabilis namang inayos ni Tyler ang mga gamit niya. Kahit wala pa siyang natatanggap na tawag mula kay Sabrina kung tapos na ba ito sa photoshoot nito ay pupuntahan na niya ang asawa. Hindi niya hahayaan na makita pa nito ang mga larawan na 'yon. Baka makasama pa ito sa asawa at sa magiging anak nila.
Halos paliparin na niya ang minamanehong sasakyan patungo sa restaurant na pinag-iwanan niya kay Sabrina kanina. Nang makarating ay agad siyang pumasok sa loob at hinagilap ang asawa.
"Tyler!"
Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at agad siyang tumakbo patungo sa manager ni Sabrina.
"She knows already," imporma nito sa kanya na para ba'ng alam na nito ang dahilan ng agad niyang pagpunta roon.
"Where is she?" He catches his breath. Hindi naman malayo ang distansya na tinakbo niya pero pakiramdam niya ay hingal na hingal siya.
Itinuro naman nito ang nakasaradong pinto sa bandang dulo na agad naman niyang pinuntahan. Saktong paghinto niya sa tapat nito ay tumunog ang kanyang phone. Hindi na siya nag-abala pa na tingnan ito dahil paniguradong si Sabrina naman ang tumatawag.
He blew a loud breath as he knocked on the door. Abot-abot ang kaba na nararamdaman niya kahit pa alam naman niya sa sarili na wala siyang ginawang masama noong gabing 'yon.
"Come in."
Hinamig muna niya ang sarili bago pinihit pabukas ang seradura. Nadatnan naman niya ang asawa na tulala na nakatingin sa harap ng salamin at tila mayroong malalim na iniisip habang nananatiling nakadikit sa tainga nito ang hawak na phone.
Ngunit napakurap ito nang mapatingin sa direksyon niya at umalingawngaw sa bawat sulok ng kuwarto na 'yon ang nag-iingay niyang cellphone.
Dahan-dahan itong napatayo. Bakas ang gulat sa maamo nitong mukha. "Ty..."
He locked the door before he gracefully walk towards her. Pumihit naman ito paharap sa kanya habang nakaawang ang bibig.
Nang makalapit ay masuyo niyang pinahid ang luha na akmang tutulo mula sa mamasa-masa nitong mga mata. Napahinga siya nang malalim bago ikinulong ang mukha nito sa kanyang magkabilang palad.
"Listen. Walang kung anumang nangyari sa 'ming dalawa noong gabing 'yon. That's the day when I found out about you taking pills. Nagpunta ako sa bar kinagabihan at nagpakalunod sa alak para makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman ko noong mga panahon na 'yon. I didn't know that she's there too. After that, she just accompanied me on the way back to the mansion, thinking that I will not be able to drive anymore. But that's it," paliwanag niya bago pa ito makapagtanong.
Hinawakan naman nito ang palad niya bago masuyong ngumiti. "I believe you." Mataman siya nitong tiningnan sa mga mata. "That's all I need to hear, and I'll be okay."
Tila nabunutan naman siya ng tinik nang dahil sa narinig. Hindi na niya nagawa pa na pigilan ang sarili at tinawid ang distansya ng kanilang mga labi.
Now that they'll be coming a complete family soon, there's no way that he will allow any rumors to break them apart.
KINABUKASAN ay agad siyang sinalubong ng reporters mula sa labas ng kumpanya na kanyang pinamamahalaan. Wala sana siyang balak na harapin ang mga ito. But for his wife's sake, he decided to finish the issue once and for all.
"Mr. Fortalejo, totoo ba ang kumakalat na balita na hiwalay na kayo ng sikat na modelo na si Sabrina Alonzo? At ang dahilan diumano ng paghihiwalay n'yong dalawa ay ang babaeng kasama mo sa bar mula sa mga kumakalat na larawan?" tanong ng isa sa mga 'to.
Natigilan siya sa akmang pagpasok sa loob ng building at hinarap ang mga ito. Tahimik namang hinintay ng mga nag-aabang na reporters ang magiging sagot niya.
"This will be my first and last statement regarding this issue. To clear things out, my marriage life with my wife, Sabrina, is still stronger than ever. And as for those photos spreading like a wildfire on the internet, there's just a misunderstanding. I just happened to bumped with someone I know that night and that's just it. What we have is just a pure business relationship and my wife knows that. Thank you."
Akmang magtatanong pa ang ilan sa mga ito pero dali-dali na siyang tumalikod at pumasok sa loob. Ipagkakatiwala na niya kay David ang pagpapaalis sa mga 'to.
Napailing na lang siya at dumiretso na sa opisina niya. Maging ang kakaibang tingin ng bawat empleyado na nakasalubong niya ay hindi na niya binigyang pansin. Sa ngayon ay gusto lang niyang matapos agad ang mga trabaho niya para sa araw na 'yon dahil sasamahan pa niya si Sabrina mamaya para magpacheck-up.
Lumipas ang mga oras at abala pa rin siya sa pagpirma at pagbabasa ng mga nakapila na papeles sa ibabaw ng kanyang mesa nang biglang tumunog ang kanyang intercom.
"What is it?" tanong niya kay David. Kasalukuyan na kasing naka-leave ang secretary niya na si Rodel kaya ang assistant muna niya ang sumalo sa trabaho nito.
"Sir, nandito po si Miss Tanya."
Natigilan siya nang dahil sa narinig. Hindi na siya magugulat kung pagmulan na naman ng bagong issue ang pagpunta nito sa opisina niya.
"Alright. Papasukin mo."
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng opisina niya at mula roon ay malawak ang ngiti na pumasok si Tanya. Napakunot noo siya nang mapansin na may dala itong lunch box.
"What's with the sudden visit? Hindi ba ay maayos naman na ang naging usapan natin noong nakaraan?" tanong niya rito bago prenteng sumandal sa swivel chair na kinauupuan niya.
Dire-diretso naman itong naupo sa upuan na katapat ng mesa niya. "Well, yeah. May mga ilang concern lang ako na kailangan ilapit sa 'yo." Inilapag nito sa ibabaw ng mesa ang dala-dala na lunch box.
"Bukod roon ay pinagluto rin kita ng lunch. Sabihin na lang natin na peace offering ko ito nang dahil sa tsismis tungkol sa 'ting dalawa na bigla na lang kumalat. Somehow, I feel like I'm at fault too. Sana lang ay hindi ako ang maging dahilan ng tuluyang pagkakasira n'yong mag-asawa."
Napangisi naman siya. "Hindi ka na sana nag-abala pa. It's not your fault. Walang ibang puwedeng sisihin sa nangyari kung hindi ang tao na kumuha ng mga litrato at nagpakalat nito. You're also a victim here." He shrugged. "Saka wala ka namang dapat na alalahanin pagdating sa relasyon naming mag-asawa. Ni hindi naapektuhan ng tsismis na 'yon ang pagsasama namin kahit kaunti," he assured.
Pero natigilan siya at ganoon na lang ang gulat niya nang bigla na lang itong tumayo at inilapit ang mukha sa kanya.
"What are you doing?" kunot noo niyang tanong.
Tanya gave him a questioning look. "Nothing. It's just that you seems so happy these past few days despite everything that happened. What's with the sudden change of mood? Okay na ba talaga kayo ng asawa mo?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Nang dahil sa sinabi nito ay awtomatiko siyang napangiti. "Yeah. But aside from the fact that we're now okay, there's still one thing that made me the happiest man alive."
Napataas naman ito ng kilay. "Ano naman 'yon?"
"My wife is now finally pregnant," he proudly said.
Bumakas ang gulat sa mukha ni Tanya bago ito unti-unting bumalik sa pagkakaupo "Really? Well, that's actually a g-good news." Naging mailap ang mga mata nito.
Napatango-tango naman siya. "It really is. Kaya asahan mo na sa mga susunod na linggo o buwan ay baka si David muna ang makasama at makausap mo. Because I want to personally take care of my wife and our baby." Napahinga siya nang malalim. "Kung puwede ko nga lang sana hilahin ang panahon. Gustong-gusto ko na makita ang anak namin, eh," dagdag pa niya.
"Wow. I never thought that you could be a good husband and father." Napasandal naman ito sa kinauupuan nito na tila nakahuma na mula sa pagkakabigla. "So, what will happen to her career now?" usisa pa nito.
Wala sa loob na ibinaling niya ang atensyon sa labas ng bintana. "She promised to leave the limelight and prioritize our baby." Muli niya itong nilingon at naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha nang may maalala. "Anyway, shall we start the discussion about your concerns?"
May inabot itong papel sa kanya na agad naman niyang inabot at sinimulang basahin. Dahilan para hindi na niya mapansin pa ang pagtatagis ng bagang at matalim na tingin ng dating kasintahan.