Kabanata 9

1687 Words
Kabanata 9 INABOT ni Sabrina ang kamay ni Tyler at marahan itong pinisil. Nakasimangot kasi ang kanyang asawa at ayaw naman niyang umalis ng may tampo ito sa kanya. Lalo pa at kailan lang sila nagkaayos na dalawa. “Kailangan mo pa rin ba talagang pumasok? Puwede ko namang kausapin ang manager mo. Maging ang ibang kumpanya na nakakontrata sa ‘yo. For sure, they’ll understand once they found out that you’re pregnant.” May himig ng magkahalong iritasyon at pag-aalala ang boses nito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Kaya ko pa naman, eh. Isa pa ay balak ko na lang tapusin ang iba ko pang nakapila na commitments habang hindi pa gaanong halata ang tiyan ko. Once I’m done with all of it, I’ll finally take a break. Kakausapin ko na rin si Jose tungkol sa bagay na ‘yon mamaya,” she assured. Sa pagkakataong ‘yon ay nilingon siya nito. “Fine. But just be careful, okay?” Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay na tila ayaw na siyang paalisin pa. “I will.” Inilapit niya ang mukha rito at kinintalan ito ng masuyong halik sa mga labi bago siya tuluyang nagpaalam at bumaba sa sasakyan nito. “Call me once you’re done. Wag na wag kang aalis hangga’t wala pa ako,” pahabol nito nang silipin siya mula sa nakabukas na bintana. “Alright.” She waved goodbye to him before she turned her back and walked away. Sa pagpasok niya sa loob ng restaurant na pagdarausan ng photoshoot ay agad siyang sinalubong ng manager niya na hinalikan siya sa magkabilang pisngi. “Aba ang aga mo ngayon, hah! Pero dumiretso ka na sa dressing room para maayusan ka na rin,” masigla nitong bati sa kanya. Mabilis naman niya itong nahawakan sa braso upang pigilan ito sa akmang pag-alis. “Wait. I need to talk to you.” Matiim niya itong tinitigan sa mga mata. Napataas naman ito ng kilay at madramang inilapat ang kanang kamay sa kaliwang dibdib nito. “Parang kinakabahan ata ako sa tono ng boses mo, ah.” Pilit itong tumawa. “Saglit lang ‘to. Noong nakaraan ko pa gustong sabihin sa ‘yo ang tungkol sa bagay na ‘to. But I just can’t talk about it over the phone.” Natahimik ito na tila tinatantiya ang mga salitang binitiwan niya bago dahan-dahang napatango. “Okay. Just wait for me here.” Umalis ito saglit at kinausap ang isa sa mga staff na nandoon bago siya muling binalikan at hinila patungo sa garden ng restaurant kung saan ay walang ibang tao ang naroon bukod sa kanilang dalawa. “Spill the tea,” seryosong wika ng manager niya bago ipinagkrus ang dalawang braso. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang dahil sa bilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya akalain na nakakakaba rin pala ang magbuntis. Sa paglipas ng mga segundo ay marahas siyang napabuga ng hangin upang humugot ng lakas ng loob. “I’m pregnant,” pag-amin niya sa mababang boses. Nalaglag naman ang panga ng manager niya. “For real?” malakas nitong sigaw dahilan para takpan niya ang bibig nito. “Don’t be so exaggerated. May asawa akong tao kaya hindi na nakapagtataka ‘yon.” Napaayos siya ng tayo. “Gusto ko lang din ipaalam sa ‘yo habang maaga pa na tatapusin ko lang ang mga proyekto na tinanggap at napirmahan ko na nitong mga nagdaang linggo. That’s why I won’t be accepting new projects anymore. Bukod sa gusto na akong pagpahingahin ni Tyler mula sa pagtatrabaho ay gusto ko rin naman i-priority ang kaligtasan ng magiging anak namin. I don’t want to take a risk.” “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandiyan na ‘yan.” Napairap ito. “Wala namang kaso sa ‘kin ang magbuntis ka. Pero hindi ko lang kasi maintindihan ang asawa mo kung bakit G na G siya na magkaanak na kayo?” Malungkot siyang ngumiti. Nang dahil sa kanyang naging desisyon, pakiramdam niya ay mayroong isang parte ng pagkatao niya ang biglang nawala kapalit ng isang biyaya. “Can you arrange an interview for me? Gusto ko lang din ipaalam sa mga tao ang kondisyon ko ngayon. Para hindi na rin sila magulat sa oras na mawala na ako sa limelight. Besides, I also want to share with them the good news.” Napailing naman ang manager niya. “Wag muna, Sab. Saka na natin ianunsyo ang tungkol sa pagbubuntis mo kapag umbok na ang tiyan mo. Pero sa ngayon ay tahimik muna tayo.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “But you have nothing to worry about. Because from now on, I promise to always be by your side to ensure your safety.” That made her sigh in relief. “Fine. Thank you.” Pagkatapos nilang mag-usap ay pumasok na sila sa loob ng restaurant at dumiretso na siya sa dressing room para maayusan. Ngunit natigilan siya nang akmang susuotan na siya ng sandals. “Wait. Mayroon ba na flat lang?” pigil niya sa isang staff na akmang isusuot sa kanya ang isang four-inch heels. Napaangat naman ito ng tingin sa kanya. “Ay, wala po. Lahat ng sandals na nandito ay matataas.” She roamed her eyes around the room. Truth be told, all the sandals there were high heels. “May problema ba, Sab? Sanay ka namang magsuot ng ganyan, ah. Mas mataas pa nga riyan ang sinusuot mo,” singit ng hairdresser niya. Napangiwi siya. “Yeah. I just don’t feel like wearing one today,” pagdadahilan niya bago napatingin sa sinuot niyang doll shoes papunta roon. “Hindi ba puwede na ‘yong doll shoes na lang ang suotin ko?” turo niya rito. Mariin namang napailing ang stylist niya. “Negative, madam. Hindi bagay sa outfit mo,” maarte nitong sagot habang inaayos ang suot niyang spaghetti strap mini dress na kulay krema. “Isa pa sa pagkakaalam ko ay nakaupo ka naman sa halos lahat ng magiging shots mo. Kaya hindi mo naman siya ilalakad ng bongga,” dagdag pa nito. “Don’t worry. Kahit anong mangyari ay to the rescue ako,” her manager finally chimed in. Napanatag naman ang loob ni Sabrina at nginitian niya ang manager mula sa harap ng salamin. Hanggang sa hindi nagtagal ay nagsimula na ang photoshoot. MARIING napapikit sa Sabrina nang tikman niya ang steak na specialty ng restaurant na kasalukuyan niyang ini-endorso. Finally, they’re now down to the last part of the shoot. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya maiwasan na mahati ang kanyang atensyon. Kahit kasi pilit niyang pinopokus ang sarili sa pag-pose sa harap ng camera ay hindi pa rin nakaligtas sa kanyang paningin kanina ang mga staff sa paligid na tila hindi mapakali habang sumusulyap-sulyap sa direksyon niya. “Perfect! All right. We’re done!” masayang anunsyo ng photographer. Napadilat siya ng mga mata at sa isang iglap ay nakalapit na sa kanya ang manager niya para alalayan siya sa pagbaba mula sa mataas na stool. “Kumusta naman ang pakiramdam mo? Hindi ka naman ba nagsusuka o nahihilo?” tanong nito sa kanya. Napailing naman siya. “I’m not.” Pero biglang nagsalubong ang kilay niya nang mapansin na naman ang ilan sa mga staff na nagbubulungan sa isang tabi. Akmang tatanungin niya ang mga ito nang maingat siyang hinila ng manager niya palayo. “That’s good. Kung sabagay ay mukhang naging pabor pa nga ata sa ‘yo ang photoshoot ngayong araw, eh. Cravings satisfied ka roon for sure. Kahit pa paniguradong bitin din dahil patikim-tikim lang naman ang ginawa mo,” pang-aasar pa nito. Ngunit hindi na niya pinansin pa ang sinabi nito. Sa halip ay kinalabit niya ito at bahagyang inilapit ang mukha rito. “Anong mayroon? Bakit parang aligaga ang ibang staff tapos kanina pa sila pasulyap-sulyap sa ‘kin? May nagawa ba akong mali sa shoot kanina?” nagtataka niyang tanong. Napaiwas naman ng tingin ang manager niya. “Just don’t mind them. Dalian na lang natin makabalik sa dressing room dahil kailangan mo ng matawagan ang asawa mo para masundo ka na.” Nagdududa niya itong tiningnan. Nasisiguro niya na mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. Kabisado na kasi niya ang galawan ng manager niya sa tuwing nagsisinungaling ito sa kanya. “But—” hindi niya naituloy ang sasabihin nang may madaanan silang isang staff na nakaupo sa isang tabi habang nakatalikod sa direksyon nila at tutok na tutok sa phone nito. Out of curiosity, she peeked over. Habang natutop na lang ng manager niya ang noo nito dahil hindi na siya nagawa pang pigilan nito. Pinaningkit naman niya ang mga mata upang mas maaninag ang litrato na nasa screen ng phone ng naturang staff at patuloy nitong bina-browse. Pero natulos na lang siya sa kinatatayuan nang mapagtanto na ang kanyang asawa ang nasa naturang larawan kasama ang isang pamilyar na babae habang umiinom sa isang bar. Agad namang sinita ng manager niya ang nadaanan nilang staff dahilan para dali-dali itong umalis. “Sab, don’t jump to conclusions yet. Hangga’t maaari nga sana ay ayokong makita mo pa ang mga ‘yan, eh. Who knows. It might be edited or something,” paliwanag ng manager niya. Hindi niya nagawang umimik at wala sa loob na napahawak siya bigla sa kanyang tiyan. Pilit naman siyang pinaharap ng manager niya rito. “Sab, listen to me. Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Baka makasama kay baby,” pagpapaalala nito sa kanya. Tila doon lang siya natauhan at sunod-sunod na napakurap dito. “You need to talk to Tyler to clear things out first, okay? Then after that we can release a statement. Para mapabulaanan ang tsismis na hiwalay na raw kayong mag-asawa.” Kinagat niya ang ibabang labi at pilit na pinigilan ang nagbabantang pagtulo ng kanyang mga luha. That’s right. She needs to talk to Tyler first. Dahil kaya naman niyang tiisin ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Pero ikakabasag ng puso niya at baka tuluyan na siyang bumigay sa oras na lokohin siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD