Kabanata 11
NAKAPAMEYWANG si Sabrina habang seryosong nakatingin sa harap ng camera. Today will be her last photoshoot before she totally leaves the modelling world. Dahil ayaw niyang lumikha ng malaking issue ay gusto niyang tahimik na iwan ang nakasanayan niyang mundo.
Isang linggo na rin ang nakararaan magmula ng manggaling sila sa ob-gyne ni Tyler para magpacheck-up. Ayon sa doktor ay maselan ang kanyang pagbubuntis. Pero niresetahan naman siya nito ng vitamins at gamot na pampakapit.
“That’s it. Now, lay down slightly on the couch with your legs crossed and look in front of the camera with your parted lips. Give us your fierce look.”
Agad na sinunod naman niya ang sinabi ng photographer. She carefully made her way and laid down her body slightly on the couch. Nakasuot kasi siya ng mataas na heels. As much as she doesn’t want to, she doesn’t have any other choice. Isa pa ay huli na rin naman ito.
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita naman niya ang manager na mariing nagbabantay. Dahil ito pa lang naman ang nakakaalam ng tunay niyang sitwasyon ay nangako ito na magbabantay sa bawat proyektong gagawin niya.
“Nice! Next shot naman natin ay sa hagdan.”
Kinagat niya ang ibabang labi bago dahan-dahang tumayo. Mabilis naman siyang pinuntahan ng manager niya upang maalalayan.
“Keri mo pa ba? Mukhang pagod ka na, ah,” nag-aalala nitong tanong habang tinatahak nila ang daan patungo sa dressing room dahil kailangan niyang magpalit ulit ng damit.
Napahilot naman siya sa sentido niya nang bigla itong kumirot. “Yeah. Madali lang talaga akong mapagod ngayon kumpara rati. But I can manage. Isa pa ay huli naman na ito. And I want to give my best shot.”
“Sige. Pero sabihan mo ako agad sa oras na bigla ka na makaramdam ng kakaiba, hah.”
“Thank you, Josefa.” She genuinely smiled.
Nanlaki naman ang mga mata nito kasabay ng malakas na pagsinghap. “Finally! Tinawag mo rin ako sa pangalan ko!” eksaherada nitong sambit.
Napailing na lang siya sa itinuran nito pagkapasok niya sa dressing room. Agad naman siyang inasikaso ng mga stylist na nandoon. Habang abala ang mga tao sa paligid niya ay hindi niya maiwasan na pakatitigan ang sarili sa harap ng salamin.
Samot saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Nalulungkot siya dahil iiwan niya ang mundong nakasanayan at minahal niya. Pero masaya rin siya dahil nagawa na niyang punan ang pagkukulang sa asawa. Pagkatapos ng araw na ‘yon ay napagdesisyunan na niyang ibaling ang buong atensyon sa pamilya na bubuuin nila.
Pagkatapos siyang ayusan ay lumabas na ulit si Sabrina. Muli ay inalalayan siya ni Josefa hanggang sa makarating sila sa hagdan kung saan ay sunod siyang kukuhanan ng litrato. Ilang sandali pa ay muling nag-umpisa ang photoshoot.
“Medyo ibaba mo ang isang paa mo ng isang baitang kumpara sa isa. Pagkatapos ay ipatong mo ang siko mo sa kanang hita mo bago ka humalumbaba at ngumiti,” aniya ng photographer.
She did what she’s told to do so. Pagkatapos ng ilang shots sa wakas ay natapos din ang naturang photoshoot para sa isang kilala na clothing line.
Tumayo na siya para bumaba. Ngunit bago pa siya tuluyang malapitan ng manager niya ay ganoon na lang ang gulat niya nang may biglang natapon na tubig mula sa itaas dahilan para madulas at mahulog siya sa hagdan.
Napuno ng malakas na tilian ang buong paligid. Ngunit tila naging bingi siya at nanginig ang buong katawan niya nang makita ang dugo na umaagos mula sa kanyang hita.
“No! No!” She cried hysterically. Pilit naman siyang pinapakalma ng manager niya.
Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin.
NAGISING si Sabrina nang dahil sa pamilyar at hindi kaaya-aya na amoy na nanunuot sa kanyang ilong. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napakunot noo na lang siya nang mapagtanto na nasa loob ng isang hospital room siya.
Ngunit napangiwi siya nang biglang kumirot ang kanyang sentido. Wala sa loob na napahawak siya roon at ganoon na lang ang gimbal niya nang makapa ang benda na nakapalibot sa kanyang ulo. Hanggang sa isang iglap ay bigla na lang nanumbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kanina dahilan para mapabalikwas siya ng bangon.
Agad na inilibot niya ang tingin sa paligid upang hanapin ang manager niya at hindi na ininda pa ang naramdaman na pagkahilo. But to her surprise, she saw Tyler instead.
Nakasandal ito sa pader habang nakatayo at matiim na nakatingin sa kanya. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib at awtomatikong lumapat ang kamay niya sa kanyang tiyan.
“What happened? Kumusta si b-baby?” kinakabahan niyang tanong.
Hindi ito umimik. Sa halip ay naglakad ito palapit sa kanya at inalalayan siya para makahiga ulit.
“Magpahinga ka na muna. Hindi maganda ang naging pagtama ng ulo mo kaya hindi ka puwedeng gumalaw muna masyado,” sagot nito sa malamig na boses dahilan para mas lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Pinalis naman niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. “No. Tinatanong kita. Kumusta ang baby natin? Ayos lang siya, ‘di ba?” she hopefully asked. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ni Tyler ngunit masyado itong mailap.
“You need to have some rest first. We’ll talk about it once you’re calm and fine already,” wika nito na hindi pa rin sinasagot ang tanong niya.
Sa pagkakataong ‘yon ay hindi niya naiwasan na maitulak ito palayo. Pakiramdam kasi niya ay mababaliw na siya sa pag-iisip nang dahil sa patuloy nitong pag-iwas sa tanong niya.
“No! I’m asking you what happened? You want me to get some rest, and yet, you won’t let me know what happened to our baby!” Sunod-sunod na kumawala ang butil ng luha sa kanyang mga mata.
“Sa tingin mo ay paano ako makakapagpahinga ng maayos kung hindi ako mapapakali kaiisip sa kung ano ba ang nangyari sa anak natin?” Tuluyan na siyang napahagulgol habang mariin na nakahawak sa kanyang tiyan.
“Yes or no lang, Ty. Gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko?” pagmamakaawa niya sa halos paos na boses.
Nanatiling walang imik si Tyler. Sa halip ay may pinindot ito na kung ano sa bandang itaas ng kama na kinalalagyan niya.
“She’s awake. I need a doctor now,” aniya nito.
“Tyler!” kuha niya sa atensyon nito.
Pero hindi pa rin nito magawang tumingin sa kanya ng diretso. Pakiramdam niya ay pinira-piraso ang kanyang puso sa isipin na may nangyaring masama sa kanilang anak at siya ang sinisisi nito.
Marahil ay walang emosyon na mababanaag sa mukha ng kanyang asawa. Pero bakas naman sa mga mata nito ang panunumbat na hindi nito magawang sabihin sa kanya ng diretsahan.
Nanatili itong walang imik. Habang siya naman ay tuluyan ng naging histerikal at sunod-sunod na pinaghahampas ito sa braso. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi na siya nito pinigilan at balewalang tinanggap ang bawat paghampas niya rito.
“Magsalita ka! Nagmamakaawa ako sa ‘yo! I need to know!”
Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isang nurse at doktor. Mabilis itong nakalapit sa kanila at mayroon na kung anong itinurok sa kanya. Sa isang iglap ay bigla na lang niyang naramdaman ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata.
Hanggang sa muli siyang nilamon ng dilim.
HINDI alam ni Sabrina kung gaano siya katagal na muling nakatulog. Nagising na lang siya sa pakiramdam na nanunuyo na ang kanyang lalamunan.
“Thank God! You’re awake already! Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at muling bumuhos ang kanyang emosyon nang makita ang manager niya. Tinulungan naman siya nitong makaupo ng maayos bago inabot sa kanya ang isang baso ng tubig. Agad naman niyang kinuha at ininom ‘yon.
“Ang anak ko, Josefa, ayos lang ang anak ko, ‘di ba?” halos pabulong niyang tanong dito.
Hindi ito sumagot. Bagkus ay ginawaran siya nito ng nakakaawang tingin.
Mariin siyang napailing. “Don’t look at me like that as if you pitied me.” Mabilis niyang pinahid ang luha na kumawala sa kanyang mga mata.
No. It can’t be. Mali siya ng iniisip.
“I’m perfectly fine. As well as my baby. Right, anak?” Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at marahan itong hinaplos.
“Kung ayaw n’yong sagutin ang tanong ko ay bahala kayo. Pero wag na wag n’yo akong kaaawaan dahil walang dapat na ikaawa sa ‘kin,” dagdag pa niya.
“Ayon ba ang gusto mong marinig mula sa ‘min? That everything is fine?”
Natigilan siya at dahan-dahang napaangat ng tingin. Napaawang ang kanyang bibig nang salubungin siya ng malamig na titig ni Tyler.
“Tyler.” May pagbabanta sa boses ng manager niya na biglang napatayo.
He strides towards her direction with his hands shoved inside his pockets.
“No. It seems that she’s more calm now than two days ago. There’s no use of hiding the truth. We’re just prolonging her agony.”
“But—”
“What truth?” pigil niya sa anumang sasabihin ng manager niya. Kung ganoon ay dalawang araw na pala ang lumipas magmula noong una siyang nagising.
Tumigil sa tapat niya si Tyler. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi nito inalis ang pagkakahinang ng kanilang mga mata. Hindi tulad noong una na hindi niya ito magawang mahuli nang dahil sa pagiging mailap nito.
Ngunit kahit ganoon ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang bayolenteng pagtaas-baba ng adams apple nito.
Ilang segundo pa ang dumaan bago nito ibinagsak ang bomba na mas lalong nagpabingi sa kanya.
“Our baby is gone.”