Kabanata 8

1639 Words
Kabanata 8 NAPAHIKAB si Tyler habang pinagmamasdan ang natutulog niyang asawa. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakararaan magmula ng magkaayos sila at hanggang ngayon ay tila nasa alapaap pa rin siya nang dahil sa gaan ng kanyang pakiramdam. Hinalikan muna niya ang tuktok ng ulo nito bago siya nagpasya na tumayo. Alas-nuwebe na kasi ng umaga at magluluto pa siya ng almusal nilang dalawa. Mariin naman niyang ibinilin kay Manang Salome na siya na ang magluluto ng agahan nilang mag-asawa lalo na sa tuwing wala naman siyang pasok. Napailing na lang siya at hindi niya naiwasan ang mapangiti nang maalala kung bakit madaling araw na sila nakatulog kanina. Ang dahilan kung bakit sila napuyat at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng antok. Sa totoo lang ay hindi niya rin maintindihan ang sarili. He’s insatiable on bed these past few days. Marahil ay gusto lamang niyang siguruhin na magkakaroon na ng laman ang tiyan ni Sabrina. Sa pagbaba niya ay naabutan niya ang ilang katulong na abala sa paglilinis sa sala. Nakangiti naman siyang sinalubong ni Manang Salome. “Magandang umaga po, Sir Tyler,” bati sa kanya ng mayordoma. “Magandang umaga, Manang. Magluluto lang po ako ng almusal. Baka po kasi biglang magising si Sab at hanapin ako.” “Sige po. Naiayos ko na rin po sa kusina ang mga gagamitin n’yo. Tawagin n’yo na lamang po ako kung sakali man na may mga kakailanganin pa po kayo,” imporma naman nito sa kanya. Napatango siya at malawak ang ngiti na niyakap niya ito mula sa tagiliran. “Marami pong salamat sa lahat ng suporta.” Natawa naman ang mayordoma sa inasta niya. “Walang anuman. Masaya ako na nagkaayos na kayong mag-asawa. Sana ay magtuloy-tuloy na.” Mahina nitong tinapik ang kanyang likod. Lumayo siya rito at sumaludo pa sa matanda. “Roger!” Bakas ang sigla sa mukha ni Manang Salome na bumalik na sa ginagawa. Siya naman ay nagpaalam na bago dumiretso sa kusina. Naisipan niyang magluto ng tapsilog para sa araw na ‘yon. Ayaw kasi ni Sabrina ng masyadong maraming nakahanda na pagkain dahil hindi rin naman nila nauubos. Pagkatapos ay nagtimpla rin siya ng kape nilang dalawa. Nang matapos ay isinalin na niya ang mga niluto sa plato bago inilagay sa nakahandang tray sa countertop. Naglagay rin siya ng dalawang baso ng tubig. Masaya siya sa tuwing inaasikaso siya ni Sabrina. Pero mas gusto niya na pinagsisilbihan ito. Malalim siyang napahugot ng hininga nang simulan na niya itong dalhin. “Sir, tulungan ko na po kayo,” aniya ng isang katulong na nakasalubong niya. “No need. I can manage. Thank you.” Napahigpit ang hawak niya sa tray dahil muntikan na itong dumulas mula sa kanyang kamay. Maingat niyang tinahak ang daan patungo sa elevator. Gamit ang kanyang isang daliri ay pinindot niya ang button sa labas at agad namang bumukas ang pinto nito. Ilang saglit pa ay tumigil na ito at sa paglabas niya ay agad na bumungad sa kanyang paningin ang isang mahabang hallway. Sa paghinto niya sa harap ng kanilang kuwarto ay mariin muna niyang binalanse ang pagkakahawak sa tray bago niya dahan-dahan na pinihit pabukas ang seradura ng pinto. Ngunit lumalim ang gatla sa kanyang noo nang mapansin na wala na si Sabrina sa ibabaw ng kama. Dali-dali naman niyang ibinaba roon ang hawak na tray nang makarinig ng ingay na nagmumula sa banyo. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya agad siyang napatakbo papunta roon. Ngunit nahigit niya ang hininga nang madatnan ang lagay ng kanyang asawa. “Wifey, what happened? Are you alright?” Natataranta niya itong dinaluhan mula sa pagkakaluhod nito sa sahig habang nakatungo sa bowl at nakahawak sa tiyan nito. Napatingin naman ito sa kanya. Pero hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito nang dahil sa mga hibla ng buhok nito na tumatabing doon. Ngunit bago pa man ito makasagot ay muli itong humarap sa bowl at nagsuka. Naramdaman niya ang butil-butil ng pawis na nagsisimula ng mabuo sa kanyang noo nang dahil sa labis na nararamdamang pag-aalala. Habang patuloy ito sa pagduduwal ay marahan naman niyang hinahaplos ang likod nito. Nang matapos ay nanghihina itong napasandal sa pader. “Wait here. Ikukuha lang kita ng tubig.” Mabilis siyang tumayo para bumalik sa pinag-iwanan niya ng tray at dali-daling kinuha ang isang baso ng tubig doon bago muling bumalik kay Sabrina. Inalalayan naman niya ito sa pag-inom. Nang matapos ay sinubukan nitong tumayo pero agad ring nabuwal. Mabuti na lang at agad niya itong nasalo. “Nahihilo ako,” aniya nito sa nanghihinang boses. “Hindi kaya nasobrahan ka naman sa trabaho nitong mga nakaraang araw? Magpahinga ka muna kaya. Maiintindihan naman siguro ng manager mo ‘yon,” suhestiyon niya rito bago sila dahan-dahang lumabas sa banyo. “Pero sa ngayon ay kailangan mo munang magpa-check up. I’ll call a doctor friend of mine to come over.” Ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit sa kama ay bigla na lang nawalan ng malay si Sabrina. KANINA pa hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad si Tyler nang sa wakas ay dumating na ang ipinatawag niyang doktor. Agad naman niya itong pinapasok sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. “Magandang tanghali, Dra. Nuñez. Mabuti nakapunta ka.” “Ikaw pa ba? Malakas ka sa ‘kin, eh.” Napangiwi ito. “And stop being so formal. It made me cringe.” Inilinga nito ang tingin sa paligid. “Nasaan nga pala ang asawa mo?” Marahas siyang napabuga ng hangin. “Natutulog pa siya. I’ll just wake her up.” Naramdaman niyang sumunod sa kanya ang doktora. Sinubukan naman niyang gisingin si Sabrina pero hindi ito magising. “It’s alright. Kukuhaan ko na lang muna siya ng dugo sa ngayon. Dadalhin ko na lang ang resulta mamaya.” “That sounds good. Thank you, Jane.” Mataman lang na nakatingin si Tyler sa nahihimbing na asawa habang kinukuhaan ito ng dugo. Sa pag-alis ng doktora ay umupo siya sa tabi ni Sabrina. Dala ng puyat ay nakaidlip rin siya. NAGISING si Tyler nang maramdaman na mayroong yumuyugyog sa balikat niya. Tuluyang naglaho ang antok na nararamdaman niya nang makita na gising na rin si Sabrina. Pupungas-pungas na napaayos siya ng upo. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya nang alalayan paupo ang asawa. “I’m fine. Pero medyo nahihilo pa rin ako.” Nilingon siya nito. “Kung tama ang pagkakarinig ko kanina ay nabanggit mo na may tatawagan ka na doktor. Dumating na ba siya?” “Yeah. Kaya lang ay hindi ka magising kanina kaya kinuhaan ka na lang muna niya ng dugo. Dadalhin na lang daw niya ang resulta at saka ka niya susuriin pagkabalik niya.” As if on cue, they heard a knocked on the door. Sabay naman silang napatingin ni Sabrina roon. “Sir Tyler, nandito na po ulit si doktora.” “Papasukin n’yo na lang po, Manang.” Mabilis naman niyang inayos ang magulo pa na buhok ng asawa. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Dra. Nuñez. “Magandang hapon sa inyo,” magiliw nitong bati. “Magandang hapon,” sabay nilang sambit ng asawa. Iminuwestra niya na maupo ito sa sofa na nandoon na sinunod naman ng kanyang kaibigan. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tila nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang asawa. “Medyo nahihilo pa rin at parang hinahalukay ang sikmura ko, doc. Pero kaya pa naman,” sagot ni Sabrina sa mababang boses. “Well, that’s normal.” Nagkatinginan naman silang mag-asawa bago muling bumalik sa doktora ang atensyon nila. “What do you mean, Jane? Ano ba ang sakit ng asawa ko?” naguguluhan niyang tanong. Napailing naman ang doktora bago nito inabot sa kanila ang isang puting sobre. Marahil ay kalakip nito ang naging resulta ng blood test ng kanyang asawa. “Hindi ko na siya kailangan na suriin pa, o mag-conduct ng kung anu-anong klase ng test. Normal lang na magsuka at mahilo si Sabrina dahil mataas ang human chorionic gonadotropin niya o hCG kung tawagin.” Nagsalubong ang kilay niya. Maging si Sabrina ay bakas ang kaguluhan sa mukha. “Ano ang ibig sabihin no’n, doc?” tanong niya muli. Ang hilig talaga magpa-suspense ng kaibigan niya. Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago malawak na ngumiti. “I’m happy to deliver the good news that Mrs. Fortalejo is pregnant!” aniya nito na ang atensyon ay na kay Sabrina. Napaawang ang bibig ni Tyler habang ramdam naman niya na tila nanigas sa kinauupuan nito si Sabrina. Saglit na napuno ng nakabibinging katahimikan ang paligid bago tuluyang nakahuma si Tyler. “Maraming salamat, Jane. Indeed, that’s good news,” hindi pa rin niya makapaniwalang sambit. Pakiramdam niya ay nananaginip pa siya. Tumayo na ito at lumapit sa kanila. “Walang anuman. It’s my pleasure to deliver the good news to both of you.” The doctor shakes hands with them. “Congratulations!” Wala pa ring imik si Sabrina. Kaya naman ay si Tyler na ang naghatid sa doktora hanggang sa labas ng pintuan. Sa pagbalik niya ay naabutan niya si Sabrina na tulala lang sa kawalan. Ngunit hindi na niya ito masyadong pinag-ukulan pa ng pansin. Nasisiguro niya na maging ito ay nagulat din. “Hindi pa rin ako makapaniwala.” Dahan-dahan siyang napaupo at marahang hinaplos ang tiyan nito. “Sa pagkakataong ito ay may laman ka na talaga,” tuwang-tuwa na sambit niya kasabay ng pamamasa ng kanyang mga mata. Napakurap naman si Sabrin na tila natauhan na sa wakas bago tumingin sa kanya at ngumiti. “Kaya nga.” Napatingala naman si Tyler at agad na sinunggaban ng halik ang asawa. He’s beyond happy. At last, they’ll now become a complete happy family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD