Kabanata 1

1713 Words
Kabanata 1 NAGISING si Sabrina sa pakiramdam na mayroong mainit na hininga na tumatama sa kanyang leeg. Nakakaramdam kasi siya ng kiliti dahil doon. Kaya naman ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Bumaba ang tingin niya at hindi niya naiwasan ang mapangiti nang makita ang asawa na tila kay himbing pa rin ng tulog. Nakapulupot ang braso nito sa kanyang beywang, habang nakasiksik ang mukha sa kanyang leeg. Mahigit isang taon na silang kasal ni Tyler at hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang kasiyahan na nararamdaman niya sa piling nito. Kahit abala ito sa negosyo at siya naman ay sa kanyang karera bilang modelo ay sinisiguro nila na mayroon pa rin silang nakalaan na oras sa isa’t isa. “Guwapong-guwapo na naman sa ‘kin ang asawa ko. Baka matunaw na ako niyan, hah.” Napaawang ang bibig niya nang bigla itong nagsalita. Kung ganoon ay kanina pa pala ito gising. “Oo na! Hindi ko naman ikakaila pa ‘yon,” natatawang wika niya, bago napatingin sa wall clock ng kuwarto nila. Nanlaki ang kanyang mga mata at marahas siyang napabangon nang makita na pasado alas-otso na ng umaga, dahilan para mahulog sa kama mula sa pagkakahiga sa kanya ang asawa. “Oh, my gosh! Bakit hindi mo ako ginising?” Mayroon kasi siyang scheduled photo shoot mamayang alas-diyes ng umaga. Kaya naman ay natataranta siyang bumaba sa kama para mag-asikaso. Napakamot naman sa ulo si Tyler. “Mukhang ang himbing pa kasi ng tulog mo. Isa pa ay alam ko namang pagod ka.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Kauuwi lang kasi ni Tyler kagabi, dahil galing ito sa isang linggo na business trip sa Hong Kong. Kaya naman ay hindi siya tinantanan ng asawa, kung hindi pa siya tuluyang nilamon ng antok kaninang alas-kuwatro ng madaling araw. “Kahit na! Alam mo namang may photo shoot ako ngayong umaga. I don’t want to be late, and I can’t be late.” Ngayon pa lang ay nai-imagine na niya ang mukha ng baklita niyang manager kapag nagkataon. Akmang papasok na siya sa loob ng banyo upang maligo, nang bigla siyang hatakin ni Tyler at halikan ang kanyang tiyan. “Kailan ka kaya magkakaroon ng laman?” Tila naestatwa siya sa kinatatayuan nang dahil sa sinabi nito. Sa loob ng isang taon nilang pagsasama ay walang araw na hindi humangad si Tyler na sana ay mabuntis na siya. Ngunit dahil sa patuloy niyang pag-inom ng pills ay hindi ito mangyari-yari. Kinagat ni Sabrina ang ibabang labi at masuyong hinawakan ang asawa sa magkabila nitong pisngi. “Pasasaan ba at magkakaroon din ‘yan ng laman. Sa ngayon ay hindi ka ba masaya na ako muna ang kasama mo? Am I not enough?” Napanguso siya sa asawa. Tumayo naman ito at naglalambing na ipinulupot ang braso sa kanyang beywang. “Of course, you are. Sa loob ng isang taon nating pagiging mag-asawa ay sobra-sobra ang kasiyahan na naidudulot sa ‘kin ng katotohanan na gigising ako sa araw-araw na ikaw ang makikita ko.” Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong. “Pero siyempre ay iba pa rin kapag mayroon na tayong anak,” dagdag nito. Napalunok si Sabrina. Siyempre ay hindi mawawala ang pero. She gave him an assuring smile. “Our baby will surely come at the right time. Don’t worry so much about it.” Napatango naman si Tyler at tuluyan na siyang pinakawalan. Kaya naman ay dali-dali na siyang nag-asikaso. Nang matapos ay bumaba na siya at naabutan ang asawa na naghahain sa mesa. Papasok na rin kasi ito sa trabaho. Dahil ito naman daw ang boss ng kumpanya ay madalas na pumasok at umuuwi ito anumang oras na gustuhin lang nito. “Hindi ka na dapat nag-abala pa, hubby.” Bumaba ang tingin niya sa suot na relo. “I’ll be late already.” Napaangat ito ng tingin sa kanya at napailing. “No. Humigop ka kahit kaunti man lang ng mainit na kape. I toast bread as well. Eating it won’t consume much of your time.” Marahas siyang nagpakawala ng hininga at napagpasyahan na kumain na lang muna sandali, upang hindi na humaba pa ang usapan nilang mag-asawa. Hindi kasi talaga pumapayag si Tyler na umalis siya ng walang laman ang kanyang tiyan. Madalian lang ang naging pagkain nila. Kaya naman ilang sandali pa ay nasa biyahe na sila. Kahit gaano kasi kaabala si Tyler sa trabaho nito ay gusto pa rin nito na ihatid at sunduin siya mula sa photo shoots at iba pang commitments na pinupuntahan niya. Pero mayroon din naman siyang sariling sasakyan na kanyang nagagamit kapag wala ang asawa. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi traffic. Kaya naman ay nakarating agad sila sa lugar na pagdarausan ng photo shoot. “Call or text me once you’re done,” paalala ni Tyler sa kanya at mabilis siyang ginawaran ng halik sa mga labi, bago siya tuluyang bumaba sa sasakyan. “I will. You take care.” She waved a hand at him, before Tyler rolled down the window and maneuvered the car. Pagkarating niya sa mismong set ay agad siyang sinalubong ng kanyang manager na si Jose. Tila hindi ito mapakali at malalim na ang gatla sa noo. “Ang tagal mo naman, girl! Kanina ka pa hinihintay ng photographer!” Umakto ito na para ba’ng sasabunutan siya. Napangiwi naman si Sabrina. “Pasensya na, Jose. Late na kasi akong nagising.” Tiningnan naman siya nito nang may pagdududa. “Ang sabihin mo binomba ka ng asawa mo magdamag kaya late ka ng nagising.” Mahina nitong hinila ang dulo ng kanyang buhok. “And it’s Josefa! Wag mo akong tawagin sa hindi katanggap-tanggap na pangalan na ‘yan!” Tinampal naman niya ito sa braso, bago siya nagpalinga-linga sa paligid. “Lagyan mo naman ng preno ang bibig mo!” Tinaasan siya nito ng kilay. “Naku, wag ka na ngang pa-virgin diyan.” Tinawag na nito ang mga magiging stylists niya. “Pakiayusan na si Sab at ilang minuto na lang ay magsisimula na tayo.” Malakas pa itong napapalakpak. Napairap na lang si Sabrina at agad na sumunod sa mga stylists niya sa loob ng dressing room. Tahimik lang siyang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin, habang abala ang mga stylists niya sa pag-aasikaso sa kanya. Mayroong nag-aayos ng kanyang buhok, naglalagay ng make-up, at maging nagsusuot ng damit at sandals sa kanya. Nang matapos ay lumabas na siya sa dressing room at dumiretso sa puting platform na napapalibutan ng lighting umbrella. She will be the new cover on a women’s magazine for the upcoming month. And since the theme is all about an independent woman, she’s wearing a gown with a crown on the top of her head, indicating that every woman is a queen and have their own strength. Naupo siya sa royal couch na nandoon at sinunod lang ang mga pose na ipinagawa sa kanya ng photographer. Ilang oras din ang itinagal ng shoot at ilang beses din siyang nagpalit ng gown. Kaya naman ay halos maya’t maya rin na nire-retouch ang make-up niya. Hapon na ng matapos sila. Pagkabalik niya sa loob ng dressing room ay nagpalit muna siya, bago nagpadala ng mensahe sa kanyang asawa. Hindi nagtagal ay sumagot ito at nagsabi na papaalis na ito sa kumpanya. “Susunduin ka ba ni Fafa Tyler ngayon?” tanong ng manager niya pagkapasok nito sa dressing room. “Yeah. So, I’ll be staying here for a while and wait for him,” sagot niya rito, habang nagtitipa ng isasagot sa asawa. “Alright. Gusto kasi sana ng mga staff na makapagpa-picture sa ‘yo. Ayos lang ba?” Pagkatapos niyang maipadala ang mensahe ay itinago na niya sa loob ng bag ang cellphone, bago siya tumayo at humarap kay Josefa. “Sure.” Sa paglabas niya sa dressing room ay agad na sinalubong siya ng mga nag-aabang na production staff. She happily obliged to their requests of picture taking. Kung tutuusin ay nangawit na si Sabrina sa ilang beses niyang pagngiti kanina sa photo shoot. But she can still manage to smile on the picture taking wholeheartedly. Nang matapos ay isa-isa ng nagpaalam ang mga ito sa kanya. Muli naman siyang nilapitan ng kanyang manager. “Pasensya na, Sab. Pero may mga nag-aabang kasi na reporters sa labas. I know it’s too sudden. Pero magpapaunlak ka ba ng interview? Puwede ko namang sabihin sa kanila na abala ka pa kaya hindi mo sila mahaharap ngayon kung pagod ka na.” Napatango naman siya. “It’s fine.” “Sureness ka ba?” Nginitian niya ito. “Yeah. Besides, I know that you’ll be there in case anything happens.” Isa pa ay wala pa naman ang asawa niya. Bukod roon ay sanay na rin naman siyang humarap sa mga reporter. Pagkalabas niya sa set ay agad siyang sinalubong ng mga reporter. Kinumusta siya ng mga ito sa katatapos lang niya na photo shoot, kaya naging maganda naman ang daloy ng pakikipag-usap niya sa mga ito. Ang buong akala niya ay roon lang iikot ang interview. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang batuhin siya ng isa sa mga ito ng hindi inaasahan na tanong. “Totoo ba na mayroon kayong problema na mag-asawa ngayon dahil diumano ay nahihirapan kayong magkaroon ng anak? Ano ang masasabi mo hinggil sa issue na ito?” Malawak na napangiti si Sabrina, kahit pa sa kaloob-looban niya ay gusto niyang samaan ng tingin ang reporter na nagtanong. “Our baby might come at the most unexpected moment. For now, we’re just enjoying our time together, exploring and discovering new things. Our married life is totally fine and going smooth. What’s important is that we’re both happy and despite our busy schedules, we still always have time for each other. Thank you.” Sabrina then excused herself. Akmang tatanungin pa siya ng mga ito, pero mabilis ng naharang ng manager niya ang mga ito. Sa pagbalik niya sa loob ng set ay roon lang siya tuluyang nakahinga nang maluwag. Tahimik siyang nananalangin na sana ay hindi mapanood ng kanyang asawa ang nangyaring interview, dahil ayaw na niyang dumagdag pa ‘yon sa magiging alalahanin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD