Simula

1592 Words
Simula WALANG pagsidlan ang nararamdamang kasiyahan ni Sabrina, habang nagsasayaw sila sa gitna ng kanyang asawa na si Tyler. Katatapos lang ng kanilang kasal at kasalukuyan silang nasa reception area. Pribado ang nasabing pagtitipon, at nirespeto naman ito ng mga dumalo na media na nanatili lamang sa labas. Kaya naman ay hindi na nagawa pang idokumento ng mga ito ang mga pangyayari sa loob. Iilan lang din ang kanilang mga inimbitahan na bisita na pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan lang nila. Isa kasi si Sabrina sa kilala at sikat na modelo ng bansa. Kaya naman ay hindi maiwasan na palaging may nakasunod sa kanya na camera. Habang si Tyler naman ay kilala sa mundo ng negosyo. Sa murang edad kasi ay nagawa na nitong makapagpatayo ng sariling kumpanya. “Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa kita gustong-gusto na masolo, eh.” Ipinagdikit ni Tyler ang noo nilang dalawa. Mahina naman siyang natawa nang dahil sa sinabi ng asawa. Sa totoo lang ay kanina pa ito nagmamadali na umuwi sila. “Malapit naman ng matapos ang event. Bakit ba hindi ka makapaghintay riyan?” Napangisi ito. “Excited na kasi akong bumuo ng basketball team.” Itinaas baba pa nito ang kilay. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napayuko na lang siya at marahan na inihilig ang kanyang ulo sa balikat ni Tyler. Hindi niya gustong makita ng asawa ang naging reaksyon niya sa sinabi nito. Siyempre ay gusto rin niyang magkaroon sila ng anak. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa kasi siya handa, lalo pa at maganda rin ang takbo ng kanyang karera. Ilang saglit pa ay natapos na ang pagtitipon. Agad na nilapitan naman sila ng kanilang mga magulang. “Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin, Tyler. Ipinagkakatiwala na namin sa ‘yo ang aming anak,” mangiyak-ngiyak na wika ng ina ni Sabrina. Masuyo naman itong inalo ng asawa. “Wag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Sab,” paniniguro naman ng asawa sa kanyang mga magulang. Napangiti naman si Sabrina sa itinuran ni Tyler. Maging siya ay kampante sa magiging buhay niya sa piling ng asawa at sa magiging trato nito sa kanya. “Masaya kami para sa inyong dalawa. Pero pasensya na kung mas nasasabik kaming makita at mahawakan ang magiging apo namin balang araw,” umaasang sambit naman ng ina ni Tyler na sinang-ayunan ng ama nito. Pinigilan ni Sabrina na mauwi sa ngiwi ang kanyang pagngiti. Hindi na lang siya umimik pa, hanggang sa magpaalam na sila sa mga ito. Humilera naman sa labas ang iba pa nilang mga bisita upang muli silang batiin, bago sila tuluyang umalis. But the moment they stepped outside the five-star hotel where the reception takes place, they have been welcomed by flashes of camera. The two of them just smiled and waved their hands, before they went straight ahead on the limousine that’s waiting for them. “Sa wakas ay natahimik din ang paligid,” aniya ni Tyler pagkapasok nila sa loob ng sasakyan, na agad rin namang pinaandar paalis ng family driver ng mga Fortalejo. “I’m sorry. I know that you are not used to such things,” hinging paumanhin niya sa asawa at kumapit sa braso nito. Marahan naman nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “It’s alright. Magmula ng mahalin kita ay tinanggap at minahal ko na rin naman ang mundo na ginagalawan mo. It’s just that today is a special day. That’s why I want it to be just the two of us,” buong sinseridad nitong wika. Tila may kung ano namang kumiliti sa kanyang puso nang dahil sa sinabi ni Tyler. Pero napataas na lang siya ng kilay nang gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Tutal ay medyo malayo-layo pa naman ang magiging biyahe natin. Maybe we can do some exercise here in different position. Warm-up ba,” nang-aakit nitong bulong sa kanya. Napangiti siya bago niya ito kinurot sa pisngi. “Magtigil ka nga. Kanina ka pa sa simbahan, hah. Maghintay ka hanggang sa makauwi tayo.” Inirapan niya ito. Sa totoo lang ay hindi alam ni Sabrina kung matatawa ba siya o ano, dahil nakasimangot lang si Tyler sa buong biyahe nila. Napailing na lang siya at itinuon na lang ang atensyon sa labas. Para kasi itong bata kung minsan. Pagkarating nila sa mansyon na binili sa Tagaytay na magsisilbi rin nilang bahay-bakasyunan ay agad na binuhat siya ng asawa pagkababa nila ng sasakyan. Hindi naman napigilan ni Sabrina ang mapatili nang dahil sa gulat. “Ngayon ay wala ka na talagang kawala pa sa ‘kin,” sambit ni Tyler at kinindatan pa siya. Ngunit napamaang na lang siya nang magawa nitong buksan at isara ang pinto ng mansyon kahit buhat-buhat siya nito. Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na sinunggaban ng kanyang asawa ang mga labi niya na bahagyang nakaawang. Hindi na pumalag pa si Sabrina at buong pusong tinugon ito. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Tyler, habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Kaya naman ay ipinulupot niya ang braso sa batok nito, upang magsilbi ring suporta. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkakalapat ng kanyang likod sa malambot na sofa at ang kamay ni Tyler na pilit tinatanggal ang suot niyang gown. Sa pagkakataong ‘yon ay natatawang itinulak niya ito palayo. “Let me take a shower first,” dahilan niya sa asawa. Napakunot noo naman ito at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. “There’s no need for that. I can still even smell the lavender scent on your skin, wifey.” Akmang hahalikan muli siya ng asawa nang mabilis niya itong napigilan. “Nanlalagkit na ako. Gusto ko muna mag-shower,” paglalambing pa niya. Sa pagtataka niya ay biglang gumuhit ang nakaloloko nitong ngisi. “Fine! Pero sabay tayong maliligo.” Kinagat niya ang ibabang labi. “Oo na!” Though she doubts it if they will only take a bath. Habang tinatahak nila ang daan paakyat sa kanilang kuwarto ay biglang bumilis ang t***k ng puso ni Sabrina nang dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayon. Sa totoo lang ay nasasabik na rin naman siya sa kanyang asawa. Ang kaso lang ay may isang bagay siyang nakalimutan gawin kanina. Marahil ay dala na rin ng excitement niya sa kanilang kasal. “You go ahead first. Susunod ako,” wika niya sa asawa na halos ipagtulakan na niya papasok sa banyo pagkarating nila sa kuwarto. Pinameywangan siya nito. “I don’t want to be paranoid, but you’re acting really weird. May problema ba?” nag-aalala nitong tanong. Malalim siyang napabuntonghininga. Imbis na umimik ay pinaglandas niya ang dulo ng kanyang daliri sa pisngi ni Tyler, pababa sa leeg nito at nang-aakit itong tiningnan. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok nito. “I actually have a surprise to you, hubby, that I especially planned for our honeymoon. Hindi mo naman siguro gustong masira ‘yon, ‘di ba?” Sunod-sunod naman itong napatango na para ba’ng nahipnotismo. She chuckled. Sa pagtataka niya ay kinuha nito ang kanyang kamay, bago isinubo nito ang isa sa mga daliri niya, habang diretso pa ring nakatingin sa kanyang mga mata. Pinigilan naman niya ang mapaungol nang sipsipin nito ang dulo ng kanyang daliri. “Alright. I’ll wait you then. But don’t take too long. Lalo pa at mayroon ka ng ginalit.” Ramdam niya ang pamumula ng mukha. “I won’t,” she assured. Pinakawalan na nito ang kanyang daliri at agad na dumiretso na si Tyler patungo sa banyo. Doon lamang lubos na nakahinga nang maluwag si Sabrina. Nang tuluyan ng maisara ni Tyler ang pinto ng banyo ay dali-daling tinungo ni Sabrina ang maliit na cabinet na nasa tabi ng kama. Totoo naman na mayroon siyang plano para sa araw na ‘yon. After all, she would like their first night as husband and wife memorable. Pero bago ‘yon ay may kailangan muna siyang unahin na gawin. Mula sa pinakailalim na drawer ay inilabas niya ang isang box na mayroong lock. Bukod sa mga hikaw na nakalagay roon ay rito rin niya itinago ang ilang piraso ng pills na kanyang iniinom. Hindi naman pinapakielaman ni Tyler ang mga gamit niya at ganoon din naman siya sa mga gamit nito. Kaya naman ay nasisiguro niya na hindi ito makikita ng asawa. Mabuti na lang din at may naitabi na siya roon. Dali-dali niyang kinuha ang isang piraso at uminom. Tyler is insatiable when they’re making love. Kaya naman ay hindi siya puwedeng pumalya sa pag-inom. Nang matapos ay tinungo naman niya ang maleta na nasa isang tabi. Binuksan niya ito at mula roon ay inilabas niya ang kulay pula na lingerie na kanyang binili isang linggo na ang nakararaan. Mabilis na inalis niya ang suot na gown at nagpalit. Saktong napatingin naman siya sa harap ng full-length mirror na nandoon at hindi niya naiwasan ang mapangiti nang padaanan niya ng tingin ang kanyang kabuuan. Bilang isang modelo ay nakagawian na niyang panatilihin ang maganda at sexy na hubog ng kanyang katawan at maging ang kakinisan ng kanyang kutis. Pero napakurap siya nang marinig ang pagbukas ng pinto sa banyo. “Wifey! Aren’t you finished yet?” “I’m coming,” sigaw niya at nagsimula ng maglakad patungo rito. Basta ba hindi siya makalimot na uminom ng pills ay walang kaso sa kanya na paulit-ulit na paligayahin ang asawa. Para kahit sa ganoong paraan man lang ay magawa niyang makabawi sa ginagawang pag-iwas na mabuntis, taliwas sa gusto nitong mangyari at matagal ng hiling sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD