Kabanata 2

1682 Words
Kabanata 2 NANG dahil sa mga humabol na papeles na kailangang pag-aralan at pirmahan ni Tyler ay hindi niya agad nagawang makaalis sa opisina. Kaya naman ay napagpasyahan niyang gawin na lang muna ang mga importante at iwan ang iba pa na hindi naman urgent para maasikaso niya kinabukasan. Malalim siyang napahugot ng hininga, nang sa wakas ay natapos na niya ang pinakahuling dokumento na nakapila niyang gawin para sa araw na ‘yon. Kaya naman ay dali-dali siyang tumayo at kinuha ang coat na nakasabit sa inupuan na swivel chair, bago lumabas sa kanyang opisina. May mga iilang bagay lamang siya na inihabilin sa kanyang secretary na si Rodel, bago siya tuluyang tumungo at lumulan sa elevator. Ngunit natampal na lang niya ang noo nang maalala ang isa sa mga dokumento na inuwi niya sa mansyon nitong nakaraang araw. Wala siyang balak na aprubahan ang anuman na nakasaad roon. Pero mabuti na lang din at naisipan niya na itabi muna ito sa ibabaw ng kanyang mesa sa nagsisilbing opisina niya sa mansyon, bago ito tuluyang itapon. May iilang detalye pa kasi siya na kailangang makuha mula roon. Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng elevator sa parking lot. Pero biglang nalukot ang kanyang mukha, nang makita niya ang ex-girlfriend na si Tanya. Naglalakad ito patungo sa direksyon niya, habang kumekendeng pa ang beywang nito. Sa totoo lang ay ilang araw na itong nagpapabalik-balik sa opisina niya. Pero hindi niya lubos na maunawaan kung ano ba talaga ang pakay nito, at kung bakit ito biglang nagpakita sa kanya pagkalipas ng ilang taon magmula ng maghiwalay silang dalawa. “Hello, Ty—” Hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang siyang naglakad nang makalapit ito sa kanya. Pasakay na sana siya sa kotse niya nang bigla siya nitong hinigit sa braso at pinihit paharap dito. Agad na iwinaksi naman niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. “What are you doing here?” tanong niya sa iritadong boses. Napanguso naman ito. “I already told you. I’m here because I have a business proposal.” Walang emosyon ang kanyang mga mata na tumuon dito. “I already told you before as well. Just leave it to Rodel, so I can review it. Pero wala ka namang iniiwan sa kanya.” Well, Tyler doesn’t really mind working with Tanya if it’s about business matters. Ang kaso lang ay malakas ang kutob niya na mayroon pa itong ibang pakay sa muli nitong pakikipaglapit sa kanya. Akmang kakapit ito sa braso niya, pero mabilis siyang nakahakbang paatras. “But I want to discuss it with you personally. Saka, bakit ba sa tuwing pumupunta ako rito ay palagi ka na lang nagmamadaling umalis? Can’t we at least have a small chat over a cup of coffee? Para naman tayong walang pinagsamahan.” Pinamungay ni Tanya ang mga mata nito. “I have to pick up my wife.” Pinagdiinan pa ni Tyler ang huling salita. Bigla namang natawa si Tanya at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “Ang asawa mo na walang balak magkaanak sa ‘yo?” Natigilan siya nang dahil sa sinabi nito. Tila ba mayroon itong nasaling na kung ano sa kanyang damdamin. “What do you mean?” kaswal niyang tanong, kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niya itong hilahin paalis. She shrugged. “Just a hunch. After all, she’s a model who is still at the peak of her career. And it’s been over a year since you got married. But there is still no news about the two of you having a baby.” Napatiim bagang siya. Gustuhin man niya na pabulaanan ang paratang nito ay walang imik na tinalikuran na lang niya ito at dali-daling sumakay sa kotse niya. Ayaw na rin kasi niyang patagalin pa ang diskusyon nila. Hindi niya pinansin ang patuloy nitong pagtawag sa kanya at pagkatok sa bintana niya. Kaya naman ay mabilis na pinasibad na niya ang kotse palabas sa parking lot. Ngunit habang nasa daan ay hindi niya maiwasan ang mapaisip, kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis si Sabrina. Samantalang halos araw-araw naman silang sumusubok. Minsan nga ay sinasadya pa niya itong pagurin para hindi na ito makadalo pa ng photo shoot at mas makarami pa sila. Napahilot si Tyler sa kanyang sentido, bago niya napagpasyahan na buksan ang radyo. Akmang ililipat niya ang istasyon nang marinig niya ang pamilyar na boses ng asawa. Kung hindi siya nagkakamali ay kanina lang nangyari ang naturang interview. Napahigpit ang hawak niya sa manibela, kasabay ng pagbangon ng nararamdaman niyang inis. Maging ang media kasi ay nanghihimasok na sa personal nilang buhay na mag-asawa, na hangga’t maaari ay iniiwasan sana niya na mangyari. Kahit pa alam niyang imposible nang dahil na rin sa linya ng trabaho ng kanyang asawa. Pagkarating niya sa lokasyon na pinagdausan ng photo shoot ay dumiretso siya sa dressing room ng asawa, dahil doon na lang daw siya nito hihintayin. Naabutan naman niya itong nakikipagkuwentuhan sa manager nito, na agad natigilan pagkakita sa kanya. Mabilis na nilapitan at hinalikan naman niya ang asawa sa mga labi nito. “Pasensya na kung natagalan ako, wifey. May iilang trabaho pa kasi na humabol kanina kaya hindi agad ako nakaalis.” Masuyo naman nitong hinaplos ang pisngi niya. “It’s alright. Sinamahan naman muna ako ni Jose rito kaya halos hindi ko na rin namalayan ang oras.” “Josefa,” singit naman ng butihing manager ng kanyang asawa. “Sana all talaga hinahatid at sinusundo.” Napairap pa ito. Tinawanan lang nila ito ni Sabrina, bago sila tuluyang nagpaalam dito. Habang nasa biyahe pauwi ay tahimik lang si Tyler. Patuloy pa rin kasi siyang ginugulo ng mga binitiwang salita ni Tanya kanina. May kung anong hinala rin ang nabubuo sa kanyang isip na pilit niyang isinasantabi. “May problema ka ba, hubby? You look bothered,” basag ni Sabrina sa katahimikan na namamayani sa pagitan nila. Napailing naman siya. Alam niya na kahit ang asawa niya ay nakakaramdam na rin ng pressure dahil hindi pa rin sila nakakabuo hanggang ngayon. Kaya naman ay ayaw na niya itong dagdagan pa. “Wala naman. Medyo marami lang akong ginawa sa opisina kanina,” pagdadahilan na lang niya. “Maybe you should take a rest for a while. The company is doing well, right? Wala pa rin naman akong upcoming projects at tinanggihan ko rin ang iba pang offer para makapagpahinga muna. So, maybe we can go for a trip and have a short vacation. What do you think?” Saglit na nilingon niya ang asawa at inabot ang kamay nito, bago mahigpit na hinawakan. “That sounds good. I’ll fix my schedule, then.” Sa pagkakataong ‘yon ay gumuhit na ang ngiti sa kanyang mga labi. Pagkarating nila sa mansyon ay agad na dumiretso si Sabrina sa kuwarto nila, upang mag-shower at makapagpalit na rin ng damit. Habang si Tyler naman ay tumungo muna sa kanyang opisina, upang kuhain ang dokumento na itinabi niya roon. Pero napakunot noo na lang siya nang mapansin na wala na ang papel sa ibabaw ng mesa niya. Hinanap din niya ito sa mga cabinet na nandoon at nagbabakasakali na baka naipit naman niya ito roon. Pero halos nahalungkat na niya ang buong opisina ay hindi pa rin niya ito nakita. Dahil doon ay napagpasyahan niyang lumabas at bumaba. Sakto naman na nakasalubong niya ang mayordoma ng mansyon na si Manang Salome. “Magandang hapon, Sir. Ipaghahain ko na po ba kayo ni Ma’am Sabrina?” nakangiti nitong tanong. “Magandang hapon din po. Naglinis po ba kayo sa opisina ko kanina?” tanong niya pabalik dito. “Ay, opo, Sir. May problema po ba?” “May nakita po ba kayong gusot na papel doon?” Napatango naman ito. “Opo. Isinama ko na po sa itinapon kong basura, kasi nakita ko pong nakahulog sa sahig.” Napakamot naman si Tyler sa kanyang batok. “Itatapon ko na nga po sana talaga ‘yon. Pero may kailangan pa po kasi akong tingnan doon. Malamang ay nahulog po sa ibabaw ng mesa ko dahil doon ko lang naman po ‘yon inilagay.” Tila bigla namang nataranta ang mayordoma. “Ganoon po ba. Naku, pasensya na po, Sir. Hahanapin ko lang po sa basurahan sa likod, dahil kakatapon ko lang din naman po roon. Ang opisina n’yo po kasi ang huli kong nilinisan kanina.” Akmang lalabas na si Manang Selia, pero agad siyang napigilan ni Tyler. “Wag na po. Ako na lang po ang maghahanap. Pakihanda na lang po ang pagkain namin ni Sab.” Nginitian niya ito, upang hindi na mabahala pa ang matanda. “Sige po, Sir. Pasensya na po ulit.” Marahan namang tinapik ni Tyler ang balikat ni Manang Salome. “Ayos lang po. Wag n’yo na pong masyado pa na alalahanin ‘yon.” Pagkaalis ng mayordoma ay dumiretso na si Tyler sa likurang bahagi ng mansyon, kung saan ay nakalagay ang mga basura. Kung ang opisina niya ang huling nilinis ni Manang Salome ay nasisiguro niya na nasa bandang ibabaw lamang ang papel na kailangan niya. Naglagay muna siya ng gloves at nagsuot ng mask bago nagsimula na maghalungkat sa basurahan. Hindi nagtagal ay napangiti siya nang sa wakas ay makita niya ang hinahanap. Ngunit unti-unti itong nawala nang may makita siyang isang pamilyar na bagay. Biglang nanginig ang kanyang kamay kasabay ng pagtambol ng kaba sa kanyang dibdib, habang dahan-dahan itong inaabot. Pero tuluyan siyang nanghina at napaupo sa damuhan nang makumpirma niya ang hinala pagkakuha rito. “Hubby, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi ni Manang ay nandito ka raw dahil may kailangan ka kunin dito. Nakita mo na ba ang dokumento na hinahanap mo?” Umigting ang kanyang panga, bago siya dahan-dahang tumayo. Walang emosyon ang kanyang mukha nang humarap siya kay Sabrina. “Yes. But you know what? I found something more interesting.” Nagsalubong ang kilay ni Sabrina. “What is it?” Ipinakita niya rito ang hawak na pakete ng pills. “What is the meaning of this?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD