Kabanata 16

1766 Words
Kabanata 16 NATAWA na lang si Sabrina nang mapansin ang nakabusangot na mukha ng asawa. Today marks their second wedding anniversary. Pero tila pinagbagsakan ito ng langit at lupa. “Hey. You have nothing to worry about because we can still celebrate our anniversary tonight,” she cheered him up. Napahinga naman nang malalim si Tyler bago naglakad palapit sa kanya at ipinulupot ang magkabila nitong braso sa kanyang beywang. “I can’t help it. We are supposed to be celebrating already right at this moment. Pero bigla namang nagkaroon ng aberya sa kumpanya. Kung bakit naman kasi ngayong araw pa nagkaroon ng problema.” Marahan naman niyang hinaplos ang braso nito. “Hayaan mo na. Ang mahalaga ay maayos muna ang problema. Puwede naman tayong mag-celebrate anytime.” “Alright. I love you.” Napanguso ito. Naiiling na mabilis naman niya itong kinintalan ng halik sa mga labi. “I love you more.” Nang matapos na si Tyler sa pag-aasikaso ay tuluyan na itong umalis. Sa pagsara ni Sabrina sa pinto ng mansyon ay nakangiting inilibot niya ang tingin sa paligid. Silang dalawa lang ni Manang Salome ang naiwan ngayon sa loob ng mansyon at ang dalawang guwardiya nila na nagbabantay sa gate. Hinayaan muna kasi nila ang iba pang mga katulong na magbakasyon. Pero bago umalis ay siniguro naman ng mga ito na tapos na ang kanilang mga gawain. Dahil walang ibang magawa ay inabala na lang ni Sabrina ang sarili sa pagbabasa ng libro at panonood ng pelikula sa maghapon hanggang sa makaramdam siya ng antok at makatulog sa mahabang sofa sa sala. Ilang beses niyang naramdaman na may tumapik sa kanyang balikat pero hindi niya ito inintindi. Pakiramdam niya ay puyat na puyat siya. Hanggang sa bigla siyang naalimpungatan nang makaramdam ng lamig. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapansin na madilim na sa labas. Sakto naman na may narinig siyang makina ng humintong sasakyan. Kaya naman ay dali-dali ngunit maingat siyang tumayo. That must have been her husband already. Excited na tinungo niya ang pinto at binuksan ito. Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita kung sino ang nasa labas. Nakangisi ito at mayroong hawak na baril na nakatutok na sa kanya. Awtomatiko namang lumapat ang kamay niya sa kanyang tiyan. “A-anong ginagawa mo rito? I-ibaba mo ‘yan. Hindi magandang b-biro ‘yan,” aniya sa nanginginig na boses. Tanya smirked. “Sinong nagsabi na nagbibiro ako? Ikaw naman kasi. Kung bakit ba hindi ka na lang mawala sa landas namin ni Tyler? Akala ko pa naman ay tuluyan ka na niyang iiwan noong nakunan ka. Dapat ata hindi lang ganoon ang iniutos ko para natuluyan ka na.” Malakas siyang napasinghap nang dahil sa narinig. “I-ikaw ang may kagagawan ng pagkakahulog ko noon?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. She never thought that Tanya would actually go that far. “Yes. Pero dahil tanga kayo ay naniwala naman kayong aksidente lang ang nangyari.” Napailing-iling ito bago nagsimulang maglakad papasok. Napalunok naman si Sabrina at dahan-dahang napaatras. “No. I will not let you do the same thing and succeed again this time.” Napakunot noo ito bago bumaba ang tingin sa bahagya na niyang nakaumbok na tiyan. “Totoo pala ang chismis na nasagap ko. Buntis ka nga ulit.” Nagkibit balikat ito. “Pero sisiguraduhin ko na pareho na kayo ng anak mo na mawawala sa landas namin ni Tyler sa pagkakataong ito.” She laughed like a lunatic which echoed on all sides of the mansion. “Ang kaso lang ay gusto ko munang makipaglaro sa ‘yo. Sa pagbilang ko ng sampu dapat nakatago ka na.” Nang magsimulang magbilang si Tanya ay natataranta na tumalikod na si Sabrina bago nagmamadaling tumakbo. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay biglang umalingawngaw sa paligid ang isang putok ng baril. NAPAPUNAS sa kanyang noo si Tyler habang nakatingin sa nakaayos na mesa sa kanyang harap. It’s been a long time since she last surprised Sabrina, and he can’t help but feel excited and giddy at the same time right now. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman dahil hindi siya sinukuan ng kanyang asawa. Kaya naman ay gusto niyang makabawi rito paunti-unti. Magkaroon man sila ng anak o hindi ay ipinangako niya sa sarili noong gabi ng annual party na hindi na niya ulit ito sasaktan o tatangkain na iwan pa. Kahit malamig at medyo malakas ang simoy ng hangin ay hindi pa rin maiwasan na pagpawisan siya. Hands-on kasi siya sa naging pag-aasikaso ng sorpresa na inihanda niya para sa asawa na inayos niya pa sa mismong rooftop ng company building nila. With the help of his two friends, of course. Ang daming nangyari sa relasyon nila nitong nagdaang taon. Kaya naman ay balak niya na tuluyan na silang magsimula ulit ngayon. Nang masiguro na maayos na ang lahat ay naisipan na niyang umuwi sa mansyon. Inihabilin na lamang niya sa ibang crew na nandoon na panatilihing maayos ang lahat hangga’t hindi pa siya nakakabalik kasama ang asawa. He’s pretty sure that Sabrina will be surprised. Pinilit din niyang tapusin ngayong araw ang problema sa isa sa mga branch nila kaya ginabi na siya sa pag-aasikaso. Ayaw na kasi niyang magkaroon pa ng hadlang sa plano niyang paglalan ng oras at pag-aalaga sa kanyang asawa. Sinamahan naman siya nina David at Rodel. Habang nasa daan ay sinubukan niyang tawagan ang phone ni Sabrina. Ngunit wala pa ring nasagot. Marahil ay tulog pa ito ayon na rin kay Manang Salome kanina. Ilang beses daw sinubukan ng mayordoma na gisingin si Sabrina ngunit tila antok na antok daw talaga ito at ni hindi man lang dumilat kahit sandali. Kaya naman ay sinabihan niya si Manang na hayaan na muna ang asawa at siya na ang bahala rito pag-uwi. Ngunit naisipan din niyang tumawag sa mismong telepono sa mansyon upang makausap din ang mayordoma. Pero bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil maging dito ay wala ng sumasagot. Marahas siyang napaangat ng tingin kay David. “Pakibilisan mo naman ang pagmamaneho. Hindi maganda ang kutob ko,” sambit niya bago mahigpit na napahawak sa cellphone niya. Seryoso naman siya nitong sinilip mula sa rear-view mirror. “No problem.” Sa isang iglap ay tila hangin na pumapagaspas na ang kotse niya sa gitna ng highway. Mabuti na lang at wala silang gaanong kasabayan ng mga oras na ‘yon. Nang makarating sa kanilang destinasyon ay ganoon na lang ang gimbal ni Tyler nang makita ang mga nakabulagta nilang guwardiya sa lupa malapit sa nakabukas ng gate. Dahil sa nadatnan ay lalong napuno ng takot ang kanyang puso dahilan para humangos siya ng takbo patungo sa mansyon. Alerto namang sumunod ang dalawa sa kanya. Sa labas ng pinto ay agad niyang namataan ang dalawang lalaki na tila nagbabantay. Napabagal siya ng takbo bago tinanguan ang dalawa. Naintindihan naman ng mga ito ang nais niyang ipahiwatig. Nang sa wakas ay makita na sila ng mga kalaban ay agad na sinikmuraan ni David ang isang lalaki nang akmang bubunutin nito ang nakasukbit na baril sa beywang. Habang sa pagtalon naman ni Rodel sa ere ay malakas niyang sinipa ang isa pa sa mukha. Sinamantala naman ni Tyler ang pagiging abala ng mga ito sa pakikipaglaban sa bawat isa at pumasok na sa loob ng mansyon. Butil-butil ng pawis ang namuo sa kanyang noo nang makita si Manang Salome na nakahandusay sa sahig. Halos pigil niya ang hininga habang naglalakad palapit dito. “What happened, Manang?” Nanghihina siyang napaluhod nang makuha ang kanyang atensyon ng dumurugo nitong binti. “S-sino po ang may kagagawan nito sa inyo?” Napakuyom siya ng kamao. Dahan-dahan namang dumilat ang matanda na tila hinahabol na ang hininga. “S-Sabrina...” Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata nito. “I-iligtas mo ang a-asawa mo...” wika nito sa mababang boses. Bigla naman siyang naging alerto nang dahil sa sinabi nito. “Nasaan po si Sab?” Nanghihinang itinaas nito ang daliri at tumuro patungo sa kusina. “P-puntahan mo na siya...” Hindi mawari ni Tyler ang gagawin. Gusto niyang puntahan ang asawa. Pero hindi rin niya magawa na basta na lang iwan ang matanda. Tila napansin naman nito ang pag-aalinlangan niya. Kaya naman ay mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay. Ang mga mata nito ay nagmamakaawa. “W-wag mo na akong a-alalahanin pa. Hindi kita p-patatahimikin kapag may nangyari sa mag-ina mo,” banta pa nito. Sa pagkakataong ‘yon ay napatayo na siya. “Ililigtas ko lang po si Sabrina. Pero pangako babalikan ko po kayo.” Napatango naman ang matanda bago muling pumikit. Si Tyler naman ay mabilis ngunit walang ingay na tumakbo patungo sa kusina. Ngunit tila tatakasan siya ng ulirat nang makita ang mga nagkalat na dugo sa sahig. Sinundan niya kung saan ito patungo at nanlaki na lang ang mga mata niya pagkarating sa likod ng mansyon mula sa kusina nang makita si Tanya na mayroong hawak na baril at nakatutok sa kanyang asawa. Mayroon ng tama sa balikat si Sabrina at marahil ay rito galing ang dugo na nakita niya. “It’s game over already. Magpaalam ka na, Sabrina. Dahil hindi mo na muli pa na masisilayan ang asawa mo at maisisilang ang magiging anak n’yo.” Tahimik at lakas loob na nilapitan ito ni Tyler mula sa likuran. Alam niyang napansin na siya ng asawa ngunit diretso lang itong nakatingin kay Tanya habang nakatakip ang magkabila nitong kamay sa harap ng tiyan nito. Ngunit bago pa maiputok ni Tanya ang baril ay mabilis na pinuntirya niya ang batok nito dahilan para mawalan ito ng malay. Kinuha naman niya mula sa bulsa ang isang panyo. Gamit ito ay pinulot niya ang baril na nasa lupa at agad na inilayo ito sa dating kasintahan. Sakto naman na narinig na nila ang sunod-sunod na sirena ng ambulansya at sasakyan ng pulisya sa labas. Lihim siyang nagpapasalamat sa naging mabilis na aksyon ng mga kaibigan niya. Habol ang hininga na nilapitan naman niya si Sabrina. “Thank you for c-coming. I did everything I can to protect our b-baby because I know that you’ll eventually come to s-save us.” Nakangiti nitong hinaplos ang kanyang pisngi bago ito tuluyang nawalan ng malay. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang oras sa paligid kasabay ng dahan-dahang pagbagsak ng kamay nito. Walang pagdadalawang isip na malakas siyang sumigaw upang agad na makuha ang pansin ng mga bagong dating. There’s no way that he can afford to lose both of his wife and child.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD