Wakas

1626 Words
Wakas NAGISING si Tyler nang marinig ang malakas na sigaw ng asawa. Napabalikwas siya ng bangon at agad na hinanap ng kanyang mga mata si Sabrina. Nakita naman niya itong nakahandusay sa sahig habang sapo-sapo ang tiyan kaya dali-dali niya itong dinaluhan. “Wifey, anong nangyari? Anong masakit?” natataranta niyang tanong. Ngunit natigilan siya nang makita ang likido na dumadaloy pababa sa binti nito. “Pumutok na ang panubigan ko! Manganganak na ata ako, hubby!” Mahigpit itong napahawak sa kanyang braso. Napabaon pa ang kuko nito sa kanyang balat pero hindi na niya ito pinansin pa. Hindi mawari ni Tyler ang gagawin. Kukunin niya sana ang mga naihanda na nilang gamit pero panay pa rin ang sigaw ng kanyang asawa. Kaya naman ay maingat niya itong pinangko at agad na lumabas sa kuwarto. Kasalukuyan silang natutulog sa isang kuwarto na nasa ground floor. Para mas mabilis lang silang makalabas kung sakali man na bigla ng manganak ang asawa. Natataranta naman silang sinalubong ni Manang Salome na nagpupunas pa ng kamay. Mukhang kagagaling lang nito sa paghuhugas ng plato. “Anong nangyari? Narinig kong sumigaw nang malakas si Sabrina?” bumaba ang tingin nito kay Sabrina na tila naiiyak na sa sakit na nararamdaman nito. “Pakikuha at pakisunod na lang po sa ‘min sa hospital ang mga gamit, Manang. Nakahanda na po ‘yon sa loob ng cabinet,” imporma niya rito. “Papupuntahin ko na lang din po sina David para may kasama po kayo.” Tinapik nito ang kanyang balikat. “Sige, hijo. Ako na ang bahala.” Napatango naman siya bago tuluyang lumabas sa mansyon at agad na isinakay ang asawa sa loob ng kotse. Nang masiguro na maayos na ang posisyon nito ay dali-dali siyang umikot patungo sa driver’s seat at ipinasibad ang sasakyan paalis. “Ang sakit! Hubby, ang sakit ng tiyan ko!” sigaw ni Sabrina na pinapalo-palo pa ang kanyang braso. Habang ang kabila nitong kamay ay nakahawak sa kinauupuan nito. Napangiwi siya ngunit hinayaan na lang niya ang asawa na palo-paluin siya nito. Halos mawalan na ng kulay si Tyler nang dahil sa sobrang kaba habang nagmamaneho. Gustuhin man niyang mas bilisan pa ang pagpapatakbo ay hindi naman niya puwedeng isaalang-alang ang kaligtasan ng mag-ina niya. Habang nasa biyahe ay tinawagan na rin niya sina David at Rodel upang ipaalam ang sitwasyon. Buong akala talaga niya noon ay mawawala sa kanya ang mag-ina dahil halos naubusan na rin si Sabrina ng dugo noong nabaril ito ni Tanya. Mabuti na lang at agad itong naagapan maging si Manang Salome. Habang si Tanya naman ay naipakulong na nila. Kasama ang mga lalaking naging kasabwat nito. Sisiguraduhin niya na hindi na ito makakakalabas pa ng kulungan. Walang lugar ang kapatawaran sa kanyang puso para rito. Lalo na nang malaman niya na ito pala ang may kagagawan kung bakit nawala ang unang anghel nilang mag-asawa. Nang dahil din sa nangyari ay mas lalo pa niyang pinahigpitan ang seguridad sa mansyon. Nagbigay rin siya ng listahan ng pangalan sa guard house ng village na tinutuluyan nila ng mga taong pupuwedeng padiretsuhin ng mga ito sa mansyon. Kapag wala sa listahan ay kakailanganin muna itong itawag sa kanya. Nang makarating sa hospital ay mabilis siyang bumaba sa kotse pagkatabi niya rito at umikot sa passenger’s side para pagbuksan ang asawa na namimilipit na sa sakit ng tiyan nito. Pinangko naman niya ito at malakas siyang sumigaw pagkapasok pa lang ng hospital. Hinampas naman siya sa braso ng asawa. “Wag ka ngang mag-eskandalo rito!” sita nito sa kanya. “Stretcher! Kailangan ko ng stretcher!” aniya sa mga nurse na naabutan niya roon. Mabilis naman ang naging pagkilos ng mga ito. Nang makakuha ng stretcher ay agad na inihiga niya ang asawa roon. “Ang sakit!” muling tangis ni Sabrina na mayroon ng namumuong butil-butil ng pawis sa kanyang noo. Maging ang suot nitong damit ay basa na rin ng pawis. “Ano po ang nangyari?” tanong ng isa sa mga nurse. “Pumutok na po ang panubigan niya,” sagot niya rito. “Manganganak na po ata ako! Please, pakitawag na po ang doktor!” sambit naman ng asawa. “Pakidiretso na siya sa delivery room.” Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang ob-gyne ng kanyang asawa. Lumapit naman sa kanila si Dra. Villaluna at sinenyasan ang mga nurse na itulak na ang stretcher na kinahihigaan ng asawa niya patungo sa delivery room. Sumunod naman siya sa mga ito. Akmang sasama siya hanggang sa loob nang pigilan siya ng doktor. “Kami na ang bahala sa kanya. You can wait here outside, Mr. Fortalejo,” nakangiti nitong turan sa kanya. “But—” “Wag kang mag-alala. Kaya ko na ‘to, hubby,” paniniguro ni Sabrina sa kanya. Nilapitan naman niya ito at mahigpit na hinawakan sa kamay. “I know you can. I’m just here no matter what,” he assured. Wala na siyang nagawa pa nang tuluyan ng ipasok ang kanyang asawa sa loob ng delivery room. Tahimik na lang niya na idinalangin na maging maayos ang panganganak nito at hindi magkaroon ng anumang komplikasyon. KANINA pa pabalik-balik ng lakad si Tyler. Hindi kasi siya mapakali. Ilang oras na rin na nasa loob ng delivery room ang kanyang asawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doktor o kahit ang isa sa mga nurse. They don’t even have a single idea about the gender of their baby. Sinadya talaga nilang hindi alamin dahil maging sila ni Sabrina ay gusto rin na masorpresa. “Umupo ka nga, pre. Ako ang nahihilo sa ‘yo, eh,” sita ni David sa kanya na prente lang nakaupo habang kumakain ng sandwich. Sinamaan naman niya ito ng tingin. “Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa alam ang pakiramdam,” asik niya rito bago nilingon si Rodel na tahimik lang sa isang tabi. “Buti pa si Rodel ay naiintindihan ako.” Napangisi naman si David. “Ipapaubaya ko na lang sa inyo ang ganyang klase ng pakiramdam. Basta food is life ako.” “Mas masarap kainin ang salita, man,” pang-aasar ni Rodel dito. Itinaas lang ni David ang gitnang daliri sa kaibigan. Hindi na lang siya umimik pa. Hihintayin na lang niya na dumating ang araw na maranasan ng kaibigan ang naranasan nila ni Rodel dahil talagang tatawanan niya ito. Nawiwili naman si Manang Salome na pagmasdan silang magkakaibigan. “Wag ka ng mag-alala, hijo. Malakas at matapang ang asawa mo. Paniguradong kakayanin niya ‘yon,” pagpapalubag nito sa kanyang loob. Napatango na lang siya at tuluyan ng umupo. Nakaramdam na rin siya ng pangangalay. Bukod roon ay gutom na siya dahil hindi pa siya kumain. Ayaw niya kasing umalis sa lugar na ‘yon kahit sandali lang. Napahilamos naman siya sa kanyang mukha bago muling itinuon ang atensyon sa nakasarang pinto sa kanilang harapan. Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa wakas ay bumukas na ito at nakangiting lumabas ang doktor. “Kumusta, doc?” pigil hininga niyang tanong. “It’s a success normal delivery. Ililipat na si Mrs. Fortalejo sa private room.” “Ano pong gender ni baby?” muli niyang tanong. “It’s a baby boy.” Napasuntok sa ere si Tyler. Kahit ano pa ang kasarian ng kanilang anak ay ayos lang naman sa kanya. Though he really prefers a baby boy. “Maraming salamat, doc!” Kinamayan niya ito. “No worries.” Muli siyang napatingin sa delivery room nang makitang inilalabas na mula roon ang kanyang asawa. Wala itong malay at bakas sa mukha nito ang pagod. Pero kahit ganoon ay mayroon itong munting ngiti sa mga labi. Napasunod naman sila rito. Hanggang sa makapasok sa loob ng pribadong silid ay kasama niya ang mga kaibigan at si Manang Salome. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang kaibigan niyang si Dra. Nuñez. Mayroon itong inabot na papel sa kanya. “What’s this?” kunot noo niyang tanong. “Fill this up. Para sa pagkuha ng birth certificate ni baby.” Nginitian siya nito. “Congratulations. Alagaan mo ang mag-ina mo, hah.” “I will.” Ipang saglit pa ay umalis na sina David at Rodel. Ito muna ang pinaasikaso niya sa mga naiwang trabaho sa kumpanya. Si Manang Salome naman ay pinauwi at pinahatid muna niya sa dalawa upang makapagpahinga na rin. Dahan-dahan naman siyang umupo sa tabi ng asawa at pinagdaop ang kanilang palad. Tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang mga mata nang halikan niya ito sa noo. “It’s a great fight, my wife and I promise to fight with you along the way,” he whispered. HANGGANG sa magising si Sabrina ay hindi siya umalis sa tabi nito. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang nurse karga-karga ang kanilang anak. Agad na napabangon ang asawa kaya mabilis niya itong inalalayan. Bakas ang pananabik sa mukha nito pagkakita sa kanilang munting anghel. “Siya na ba ang anak natin, Hubby?” maluha-luha nitong tanong. “Yes.” Maging siya ay nasasabik din. Maingat namang iniabot kay Sabrina ng nurse ang baby nila bago ito lumabas. “Anong ipapangalan natin sa kanya?” tanong nito at nilaro-laro ang maliit na daliri ng anak. Natawa naman sila nang bigla itong humikab. “Tanner Slade Fortalejo,” diretso niyang sagot. Matagal na rin kasi niyang pinag-isipan ito. “Kung okay lang sa ‘yo,” dagdag pa niya. Napatango naman si Sabrina. “Tanner Slade it is,” pagsang-ayon nito. Ipinagdikit nilang mag-asawa ang kanilang ulo habang pinagmamasdan ang kanilang anak. He couldn’t ask for more. With his family by his side, he’s more than contented.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD