Chapter 10

1342 Words
Jia POV Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Nasaan na naman siya? "Hon?" tawag ko sa kanya bumangon ako at hinanap siya sa labas ng kwarto. "Manang Yolly!" tawag ko sa katulong namin napalingon ito at huminto sa pagpupunas. "Si Chie ba? Maaga siyang umalis, hija." wika ni manang Yolly sa akin kaagad akong lumapit sa kanya. "Saan siya nagpunta sinabi ba niya?" tanong ko. Umiling na lang siya at nagkibit-balikat. "Hindi naman niya na nakita ko siyang umalis ng maaga," wika ni manang Yolly sa akin. Saan naman siya nagpunta? Wala naman siyang kamag-anak dito dahil nasa America na ang lahat ng kamag-anak nila. Nasaan na kaya siya ngayon? Maaga siya pumasok sa school? Nagpa-luto ako ng breakfast sa katulong namin. Dumeretso na lang ako sa kwarto at pumasok ako sa loob ng banyo at mabilis na naligo para makapasok sa school. Nang makarating ako sa school dumeretso ako sa classroom hinanap ng paningin ko ang fiance ko. Pero, hindi ko siya nakita pumunta na lang ako sa pwesto ko at naupo. Napa-atras pa ako ng kaunti nang bumungad sa akin ang kaibigan ko. "Nagka-usap na ba kayo ng maayos?" tanong niya nang lingunin niya ako. "Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos dahil iniiwasan niya ako." aniya bigla sa akin. "Wag kang mag-sinungaling sa akin, kilala kita at alam mong hindi mo ma-itatago sa akin ang katamlayan mo," bulong niya sa akin nang may dumaang kaklase sa gilid ko. "Huh?" aniko. "Alam kong nag-away kayong dalawa, sana magkabati na kayong dalawa mahal nyo naman ang isa't-isa eh!" aniya nang balingan ko siya ng tingin. "Salamat sa concern mo," aniko. "Wala 'yon," mahinahong aniya sa akin parang walang problema sa buhay niya. "Oo na," aniko. "Bhabe, pwede ba kita kausapin?" bungad ng boyfriend ko sa aming dalawa. "Pwede ba na wag muna sa ngayon gusto kong mapag-isa," aniko sa kanya umiwas ako ng tingin. "Napaka-gulo ng relasyon n'yong tatlo, may fiance ka at may boyfriend ka pa pero, sino ba sa kanilang dalawa ang mas mahal mo?" sambit niya bigla mabuti at hininaan niya ang boses. "Heto ako nakapag-isip na kung ano ang tamang gawin mahirap din sa akin ang gagawin ko dahil, may masasaktan ako," aniko sa kanya. "Ano ang balak mo?" tanong niya sa akin. "Do you hate me?" tanong ng boyfriend ko sa akin naupo pa siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. "Saan ka nagpunta at maaga kang umalis ng bahay?" tanong ko sa fiance ko nang tumabi ito sa akin. Hindi siya sumagot sa akin nakatitig lang siya sa akin. "Bhabe," tawag ng boyfriend ko at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi namin namalayan na wala sa tabi ang boyfriend ko mas tinuon ko ang pansin sa fiance ko. Nang matapos ang klase namin nagpunta sa canteen sina Thea at Chie para mag-usap. Hinayaan ko muna sila magsama at sinamahan ko ang boyfriend ko na lumapit sa akin. "Kecha, nandito ka lang pala." aniko ng makita ko siya hindi ko namalayan nakabalik siya mula sa library. "Saan ka ba galing?" sabat niya sa kaibigan namin nang iwanan niya si Thea sa canteen. "Ha?" aniya sa aming palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Sa library nagpa-iwan siya kanina kinopya ang hindi niya natapos sa white board," sabat ko sa fiance ko. "Ah, ganun ba wala kasi ako sa kanina." sambit niya sa kaibigan namin. Umalis kaming tatlo sa classroom at naglakad papunta sa canteen napahinto kami ng may tumawag na 'ganda'. "Oh! Ganda?" tawag ng isang mestisong lalaki sinundan ko ang tingin niya at nakita ko nakatingin siya sa kaibigan ko. "Oh, Pangit!" masayang tawag ng kaibigan namin sa mestisong lalaki nang makitang palapit ito sa table kung saan kami pumuwesto. "Huh?!" sambit ko. "Huh?!" sambit ng fiance ko sa kanya. "Si Jonathan George, boyfriend ko." aniya tinuro ang mestisong lalaki. "Ikaw pala 'yong sinasabi niya," ngising sambit ng fiance ko tumingin siya sa dating kaibigan niya na si Jong nasa likod. Napangisi ako dahil kilalang-kilala ko ang kaibigan namin masyado niyang mahal ang ex niya para magmahal siya ng iba lalo't may anak pa sila nito. "Sino ka ulit?" tanong ni George. "Kenchie Swellden, heto si Jia my fiancee pero kami lang may alam." amin ni Chie. "Ganun ba, Jonathan George pala boyfriend ni Kecha." sambit ni George. "Mga gago!" sambit ng kaibigan ko sa fiance niya. Natawa kami pero hindi natawa ang nangangalang George nakita kong ngumiti lang ang kaibigan ko sa kanya. "Ano, tara?" aya ng kaibigan namin sa amin. Umupo kami sa bakanteng puwesto sa may gitna. "Uy! Order lang ako," aya ni George. "Okay, ano pala name mo?" tanong ng fiance ko sa kanya. "Jonathan George," sambit ni George sa fiance ko sa kanya. Minasdan ko ang mukha niya marunong ako makakita ng mga taong nagpapanggap at hindi nagpapanggap. Sinungaling! "Nice meeting you," sambit ko sa kanya at ngumisi. "Me too, wait lang ah!" sambit ni George sa kaibigan ko. "Tawagin kitang George, kung okay lang?" tanong ng fiance ko sa kanya. "Oo naman," sambit ni George. Nagka-tinginan na lang kaming tatlo. "Punta na ako sa counter," sambit ni George. "Sige," sambit ng kaibigan ko sa kanya. Napalingon ang kaibigan ko sa likod niya nang may magsalita at nakita namin ang dating boyfriend niya at kaibigan namin ng fiance ko. "Siya ba?" tanong niya nang lumapit siya sa amin nagulat pa ako sa unang pagkakataon ulit lumapit siya makalipas ng isang taon? "Oh, kayo pala." gulat nasambit ng kaibigan ko nang tumingin sa gilid nang makita niya ito. "Sino 'yon?" tanong niya sa kaibigan namin nagtaka naman ako dahil wala siyang karapatan para magtanong niyan. "Anong pakialam mo?" pilosopong sambit ng kaibigan ko sa kanya. "Kecha!" tawag niya. "Hon?" tawag ni Cris sa kanya. Umiwas ng tingin ang kaibigan ko nang lumapit na si George sa puwesto ni Cris. "Heto na pala ang inorder ko para sa atin," bungad ni George na dala ang tray na may pagkain. "Si Jong Yu pala, ex ni Kecha." sabat ko saka tinuro sa dating kaibigan na hindi nakasagot at napatingin lang. "Oh, pre!" sambit ni George nakipag-kamay pa siya kay Jong. "Sige, bye sa inyo may lakad kami ng hon ko." sabat niya at hinila niya ang girlfriend na si Cris. "Haha! Tuloy nyo 'yan kilala mo siya," sabat ko tumingin sa papalayong dating kaibigan hindi niya maitatagong may pagmamahal pa rin siya sa kaibigan ko. Hindi ko lang alam dahilan para iwanan niya ang babaeng unang minahal niya at pinag-palit sa babaeng linta. "Sorry, George ah!" sambit ng kaibigan ko kay George inirapan niya ako. "Okay lang," sambit nito at tumabi ng upo. "Haha! Epic 'yong face niya," natatawang sambit ng fiance ko sa amin. "Haha! Tama," ngiting sabat ko. "Kain na tayo," aya ni George. Umalis na kaming dalawa ng fiance ko nagpaalam siya may kukunin sa library kaya dumeretso ako sa classroom. "Okay ka lang?" bungad ng kaibigan ko sa tabi ko napalingon ako sa kanya. "Hindi ko alam kung okay pa ba ako," amin ko sa kanya. "Ikaw naman kasi ikakasal ka na lang gumanyan ka pa," sita niya sa akin. "Hindi ba nga sabi ko, bago man ako magpakasal at lumagay sa tahimik gusto ko makaranas ng ibang relasyon," sambit ko sa kanya. "Sa ibang lalaki at hindi kay Chie, masasaktan mo siya alam mo ba 'yon?" sita niya. "Alam naman niyang ikakasal ako sa kanya at—" putol kong sambit ng batukan niya ako napangiwi ako ang lakas ng ginawa niya sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit alam niyang sa kanya ka ikakasal mahuhulog pa rin ang loob mo sa iba katulad niyan ngayon," sita niya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Oo na, tama ka naman eh!" sambit ko at sinimangutan ko siya. Prangka kung magbigay ng payo at advice pero sa sarili niya. Hindi niya ito nagawa kaya nag-hiwalay silang dalawa ng dati niyang boyfriend. "Ayusin mo ang relasyon mo kay Vhenno, pengyou baka sa huli magsisi ka kung kailan wala na siya sa tabi mo," aniko sa kanya. (Friend.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD