Chie POV
Mahal niya ako pero, bakit ayaw niyang iwanan ang lalaking 'yon?
Bumangon ako sa kama at hinalikan ko siya sa labi bago ako umalis sa kama namin. Oo, may nangyayari sa aming dalawa mula ng magsama kami sa iisang bahay.
Kahit alam kong wala lang 'yon sa kanya nakakaselos pa rin kasi fiancee ko may kasamang ibang lalaki may tiwala ako sa kanya hindi sa lalaking 'yun.
Dumeretso ako sa banyo para maligo nang matapos ako sa loob na ako ng banyo nagbihis ng uniform. Pagkalabas ko sa banyo kinuha ko ang bag at lumakad na ako binuksan ko ang pintuan lumingon pa ako sa kanya bago ko sinara ang pintuan.
Natawa ako sa sarili ko ng marinig ko ang malakas na hilik ng kapatid niya. Nang makalabas ako ng bahay binuksan ko ang gate binati ko pa ang kapitbahay namin at bumalik ako para i-start ang sasakyan at ilabas ito sa garahe.
Bumaba muna ako at sinara ang gate ng bahay bago ako bumalik sa sasakyan at pinaharurot papunta sa cafe malapit sa school namin.
Nang matapos ako mag-almusal sa cafe pumasok na ako sa loob ng school namin. Naabutan ko pa si Thea sa upuan niya nilapag ko ang bag sa pwesto ko bago siya binalikan.
"Anong balita?" tanong ko.
"Ikaw pala, ang aga mo ah?" gulat niyang sambit ng makita niya ako.
"Maaga akong nagising eh.." kaila ko na lang sa kanya.
"Ah, payag na sila mama at papa favor naman samahan mo ako mag-lilipat?" sambit niya sa akin.
"Sige, kailan ba?" tanong ko kaagad sa kanya.
"This week, pupuntahan ko muna si manang Osa sa apartment para kausapin i-text kita kapag maglilipat na ako." aniya.
"Sige," aniko.
Narinig ko ang mga boses nila hindi ako lumingon napansin kong tumingin siya sa likod ko.
"Tulala ka na," puna ko at napansin kong nakatitig siya sa dalawa.
"Hmmm, okay lang ako." sambit niya kahit alam kong hindi katulad ko siya martyr kung magmahal sa isang tao.
"Babalik na ako sa upuan ko," sambit ko saka tumayo at bumalik sa tabi ng fiancee ko.
Nakita ko na kasama pa rin nila si Vhenno may naisip akong kalokohan. Dumaan ako sa harap nito at umupo ako sa tabi ng fiance ko.
"No, why?" tanong ng fiance ko sa kanya.
"E.." putol nitong sambit ng humarang ako sa harap niya.
"Bakit hindi mo ako ginising?" bulong ko nang tumabi siya ng upo.
"Mahimbing ang tulog mo sa kwarto hindi kita kayang istorbohin," sambit niya sa akin.
"Langgamin kayo nyan," bungad ng kaibigan ko sa amin.
Hindi namin napansin ang pag-alis niya. Nang matapos ang klase nagpunta kami sa canteen ni Thea. Natawa ako sa itsura niya habang tumatawa siya.
Ang babaeng sinayang ni Vhenno, kung pwede lang turuan ang puso na magmahal ng iba siya ang pipiliin kong mamahalin.
Kinabukasan, hindi ako sumabay sa pagpasok sa school maaga akong gumising para pumasok hindi ko siya kinalabit o ginising.
Sorry, hon mahal na mahal kita tandaan mo 'yan.
Hinalikan ko na lang siya sa labi niya bago ako lumabas ng kwarto namin. Lumakad ako pababa ng hagdanan namin at lumabas na ako ng bahay.
Nag-text sa akin si Thea kagabi at nagpapa-sama sa paglilinis ng titirhan niya.
"4am, ang aga pa pala." aniko humikab muna ako.
Habang nagmamaneho ako nakasabit sa may aircon ang cellphone ko.
Gumamit ako ng isang map apps para malaman ko ang tirahan ni Thea. Sinundan ko ang naka-indicate sa cellphone ko. Nang makarating ako bumusina ako sa tapat ng isang maliit na gate.
"Sino ka?" bungad ng isang matandang lalaki pagkalabas ng gate.
"Hm, si Althea po pinapunta niya ako schoolmates niya po ako." aniko ng buksan ko ang bintana ng sasakyan.
"Ikaw ba si Kenchie?" tanong niya napatango ako sa kanya.
"Ang aga mo magpunta—" putol niyang sambit ng marinig ang pagtunog ng tyan ko.
Napa-iwas ako ng tingin sa matandang lalaki. Natawa naman siya at inalok niya ako pumasok sa loob ng bahay nila.
Bumaba ako sa sasakyan at sinara ito ng maigi. Lumapit ako sa kanya at pumasok kaming dalawa nakita kong palabas ng isang kwarto si Thea.
"Good morning!" bati ko.
"Good morning, Kenchie ang aga mo magpunta." aniya.
"Sasamahan ko kayo sa apartment, 'nak para makapasok pa kayo sa klase at mag-almusal na tayo." aya ng papa niya sa aming dalawa.
Sumunod na lang ako sa kanila at naupo ako sa upuan. Kumain ako ng ilang pirasong tinapay at uminom ako ng kape habang sila kumakain ng kanin pati itlog.
Namiss ko tuloy ang pamilya ko sa America.
"Hijo, foreigner ka ba?" tanong ng papa niya sa akin.
"Opo," amin ko.
"Fil-Am?" tanong ng papa niya sa akin.
"Opo," aniko dahil totoo naman may chinese descent pa ako.
"Papa!" saway naman niya sa papa niya.
"Bakit?" tanong ng papa niya sa kanya.
"Kaibigan ko lang, pa mabait lang siya at may iba siyang gusto hindi ako 'yon." aniya sa papa niya.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at humingi ng paumanhin si Thea.
"Ikaw kasi ang pangalawang lalaking pinapunta niya dito sa bahay, hijo kaya may naitanong ako sayo." wika ng papa niya sa akin.
"Okay lang po, tito." aniko.
Pagkatapos namin kumain nilabas namin ang tatlong box mula sa kwarto ni Thea. Kasama na ang tatlong maleta at bagpack, isang shoulder bag.
Nilagay namin ito sa likod ng sasakyan ko. Nang mailagay na ang lahat naupo sa backseat si Thea nasa tabi ko naman ang papa niya. Hindi na ako gumamit ng map apps dahil alam ko kung nasaan ang apartment.
When we arrived at the apartment we found Manang Osa sweeping outside.
"Manang Osa!" tawag niya sa babae napalingon ito sa amin.
We got out of the car and she introduced his father to manang Osa. I down her belongings in the back of my car, as the three of them talked.
I yawned, I'm feeling drowsy. Her father helped me lift and accompanied us to Thea's apartment. We spent an hour cleaning the apartment. When she noticed that the time for our first subject was near she said goodbye to his father.
"Ako na ang bahala dito ibibilin ko kay Osa 'yung susi ng apartment sa kanya mo kunin mamayang pag-uwi mo," wika ng papa niya.
"Salamat, pa." sambit niya nagpaalam na din ako.
Nagpalit lang ako ng uniform sa banyo at umalis na kaming dalawa para pumasok sa school namin.