Vhenno POV
Hindi ako tanga para hindi ko mahalata ang kanilang ginagawa. Nang makita ko ang kamay ni Chie sa girlfriend ko at noong lumapit siya sa amin at halikan niya ito sa tabi ng labi.
"Bakit hindi mo sila sundan?" bungad ng kaibigan ko ng tabihan niya ako sinundan ko sila ng tingin.
Umupo muna ako at nangalumbaba ako.
"Lalaki ako tingin ko may gusto siya sa girlfriend mo, Vhenno naunahan mo lang siya." wika ng kaibigan ko sa akin.
Napatingin ako sa kanya at huminga ako.
"Mahina lang siya mag-tapat ng damdamin," sabat ng isa ko pang kaibigan.
"Naunahan mo siya, Vhenno halata sa kanya hindi posibleng magka-gusto siya sa kaibigan niya." anito sa akin tinapik niya ako sa balikat.
"Alam ko naman 'yun ang hindi ko lang nagustuhan ang ginawa niya kanina nagtimpi lang ako na sapakin siya sa harap ng girlfriend ko," aniko sa dalawang kaibigan ko.
"Dapat ginawa mo," tawang sambit ng kaibigan ko sa akin.
"Uy, ligawan ko si Thea ah! Single naman siya baka maunahan ako ni Kenchie." wika ng isang kaibigan ko sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Bahala ka, wala naman kami ni Althea." aniko sa kanya at kaagad akong tumayo sa upuan.
"Hintay!" tawag nilang dalawa sa akin nang makalabas ako ng classroom.
Hindi ko sila pinakinggan at naglakad lang ako papunta sa canteen kung nasaan ang girlfriend ko. Nakita ko na may kausap silang matangkad na lalaki kinilala ko pa sa palagay ko transferee ito sa school.
Naupo ako sa likod ng kaibigan nang girlfriend ko. Hindi man sadya pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Nice meeting you," sambit ng girlfriend ko sa lalaki dinig ko ang boses niya.
"Me too, wait lang ah!" sambit ng lalaki sa kanila.
"Tawagin kitang George, kung okay lang?" tanong ni Chie sa lalaki.
"Oo naman," sambit ng lalaki.
Biglang tumahimik sa likod ko napalingon pa ako sa taong tumapik sa balikat ko. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang kaibigan ko.
"Oh..bumili kayo ng makakain natin," mahina kong sambit sa kanilang dalawa kaagad ko sila pinag-tulakan palayo sa akin.
"Punta na ako sa counter," sambit ng lalaki sa kanila.
"Sige," sambit ng kaibigan ng girlfriend ko sa lalaki.
Gusto ko sila lingunin dahil bigla sila tumahimik ng may lumapit na lalaki. Nakilala ko ang lalaki ang palagi nilang kasama noon. Hindi ko lang matandaan ang pangalan nito.
"Siya ba?" tanong nito nang lumapit siya sa kanila.
"Oh, kayo pala." gulat nasambit ng kaibigan ng girlfriend ko nang tumingin sa gilid nang makita niya ito.
"Sino 'yon?" tanong nito sa kanila walang umiimik sa kanilang tatlo.
Nakita ko pabalik na ang dalawa kong kaibigan huminga na lang ako.
"Ito na ang pinabili nyo, hari!" sambit ng kaibigan ko sa akin nilapag niya ang tray sa mesa.
Naupo sila sa harap ko nagtataka sila nang may narinig na nagsalita. Sinilip nila ang likuran ko at natawa sila ng makita ang tatlong magkakaibigan na kaklase namin.
"Kaya pala," sabay nilang nasambit sa akin pinag-tawanan nila ako.
"Anong pakialam mo?" pilosopong sambit ng kaibigan nang girlfriend ko.
"Kecha!" tawag nito.
"Hon?" tawag ng isang babae sa lalaki.
"Heto na pala ang inorder ko para sa atin," bungad ng isa pang lalaki na dala ang tray na may pagkain.
"Si Jong Yu pala, ex ni Kecha." sabat ng girlfriend ko.
Sinamaan ko ang dalawang kaibigan ko at kumain na lang ako binalewala ko na lang sila pero ang tenga ko nakikinig sa likuran ko.
"Oh, pre!" sambit ng lalaki sa pangalawang lalaking lumapit.
"Sige, bye sa inyo may lakad kami ng hon ko." sabat nito at hinila niya ang girlfriend niya.
"Hindi ba, kaibigan 'yun? Bakit hindi na sila magkakasama? A—" putol niyang tanong nang umiling ako sa kanya.
"Girlfriend mo siya dapat alam mo," sabat ng isa ko pang kaibigan.
"Haha! Tuloy nyo 'yan kilala mo siya," sabat ng girlfriend ko hindi ko alam kung sino ang kausap niya.
"Ayain ka namin, Vhenno." wika ng kaibigan ko napatingin ako sa kanya.
"Sorry, George ah!" sambit ng kaibigan nang girlfriend ko sa lalaki.
"Okay lang," sambit nito at tumabi ng upo.
"Haha! Epic 'yong face niya," natatawang sambit ni Chie sa kanila hindi ko mapigilan kumunot ang noo sa naririnig ko.
"Haha! Tama," sambit ng girlfriend ko sa kanila.
"Kain na tayo," sabat ng lalaki.
"Transferee, siya ang nasalubong ko na nagtatanong sa council president." wika ng kaibigan ko sa akin.
"'Yung kausap nila? Kaya pala, bago sa akin ang itsura niya bagong salta sa school kaklase natin?" tanong ng kaibigan ko sa katabi niya.
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa hindi na nagsalita ang magkakaibigan sa likod ko.
"Oo," wika ng kaibigan ko.
"Hey, Heira!" tawag niya sa babaeng naglalakad napatingin ito sa pwesto namin.
Kumunot ang noo niya ng mapatingin siya sa akin. Nakipag-titigan ako sa kanya bago siya umiwas ng tingin sa akin.
"Bakit?" tanong niya sa kaibigan ko.
"Single pa rin ba ang kaibigan mo?" tanong ng kaibigan ko.
"Oo, pero may nagpapasaya na sa kanya." anito sa kaibigan ko hindi naman maka-imik sa sinabi niya.
Si Kenchie ba ang tinutukoy nito?
"Mabuti kung ganun, liligawan ko siya nagpaalam na ako sa kanya." wika ng kaibigan ko at tinuro niya ako tinignan pa ako ng kaibigan nang dati kong girlfriend.
Binatukan niya ang kaibigan bago siya magsalita.
"Hindi nyo na kailangan magpaalam sa mokong na 'yan wala na sila ni Thea," mahinang sambit nito bago tumalikod sa amin.
Bumaling ang tingin nila sa akin at kaagad akong tumayo sa inupuan ko.
"Bitter?" anito at tumayo na rin sumunod ang isa pa naming kaibigan sa kanya.
"Kaibigan niya kasi," sabat ng kaibigan namin.
Bumalik na kami sa classroom at nang pumasok na kaming tatlo hinanap ng paningin ko ang girlfriend ko. Napangiti ako ng masilayan ang kagandahan niya kaso napansin ko ang itsura niya.
Bakit malungkot ang itsura niya?
Nang lalapitan ko siya naunang lumapit ang kaibigan niya sa kanya.
"Okay ka lang?" bungad ng kaibigan niya sa tabi niya.
"Hindi ko alam kung okay pa ba ako," aniya napa-isip ako sa narinig ko mula sa kanya.
May problema ba siya, bakit hindi man lang niya binabanggit sa akin?
Nakita ko ang dati kong girlfriend na tahimik lang.
Humarap na ako sa harapan ng may yabag ng paa na papasok sa loob ng classroom nakita ko ang prof namin.
Pagkatapos ng ilang klase nakita ko na lumabas ang kaibigan ng girlfriend ko. Nakita ko na tahimik lang siya at malalim ang iniisip.