MAAGAP pa rin akong gumising kahit late na akong natulog. Pagkatapos kong maubos ang kape, nagpasya na akong pumasok sa aking kwarto ng makapag pahinga na dahil magsisimba kami, bilin ni Lola yon bago sya kagabi pagkatapos naning maghapunan.
Araw ng Linggo kaya kami ay magsisimba. Kaming lahat si Lola, Manang Gaying at si tito.
Naligo na ako at nag-ayos. Isang simpleng dress na bulaklakin ang napili kong isuot. Bili pa ito sa akin ni Lola noong December.
Habang naglalagay ako ng powder ay narinig kong tumatawag na si Manang Gaying.
"Alex, gising na!" wika habang patuloy na kumakatok.
"Bukas po yan Manang Gaying, opo gising na po ako. Nagreready na po ako. Heto na po lalabas na." Nagmamadali akong lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ng room, ready na rin pala sila. Sa labas na kami kakain, ganoon ginagawa dito tuwing Sunday. Bonding na rin ng family.
Sakay kami ng kotse ni Tito. Ako ang nakaupo sa unahan at si Lola at Manang sa likod.
Di naman kalayuan ang simbahan sa amin pero dahil lalabas kami after magsimba, nagdadala ng rin ng sasakyan para kami ay makagala.
Di naman nagdeday off si Manang kaya ganito ang kinagawian na.
Pagkatapos ng misa, nagpunta kami sa isang restaurant at nag breakfast. Light lang din kinain namin. Sakto lang para mabusog. Sabi kasi ni Tito ay kanila Hubert kami maglalunch. Birthday daw ng mommy nito.
Invited daw kaming lahat kaya after naming mag breakfast namasyal lang kami sa park na lagi sa aking pinagdadalhan ni Lola noong bata pa ako.
Maya-maya ay nag ring ang phone ni tito.
"Hello bro! Okay sige, pupunta kami. Nandito lang kami sa park nagpapahangin lang. Oo Maya ng kaunti punta na kami dyan. Sige sige salamat." pagtatapos nito ng usapan nila sa kabilang linya.
"In thirty minutes alis na tayo dito. Tumawag si Hubert punta na daw tayo sa bahay nila. Ine expect daw po tayo ni Tita." sabi ni tito na nakatingin kay Lola para hingiin ang pag sang-ayon nito.
"Okay anak sige. Dumaan muna tayo sa bakery para makabili ng madadala natin para kay Mare." sagot ni Lola. Close na rin sila dahil mag best friend angga anak nila.
Pamilya na talaga ang turingan nila kung kaya't di na nag-atubili si Lola sa paanyaya ng pamilya nila Hubert.
"Tara na at baka marami na ang namimili sa bakeshop. Baka doon pa tayo matagalan." yaya na ni Lola.
Sikat kasi itong bakeshop na ito. Tunay na masarap ang mga produkto nila. Balita ko nagkaroon na rin ng ilang branches ito sa ibang bayan.
Pagkarating namin sa harapan ng kabahayan nila Hubert, madami dami na ring sasakyan.
Sabi ni Tito mga kamag-anak lang ang naririto at malalapit sa pamilya nila. Isa ang pamilya ni Tito sa malalapit sa pamilya nila Hubert.
Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay naka abang na si Hubert sa gate.
Nakangiti nya kaming sinalubong. Nagmano sya kay Lola at kay Manang Gaying. Nag apir naman sila ni Tito at nginitian nya ako.
"Good morning po! Thank you po at nakarating po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Mommy. Tara na po sa loob." wikang paanyaya nya sa amin.
Tahimik lang akong sumunod sa kanila. Nagulat ako kasi may biglang nagsalita sa tagiliran ko, si Hubert.
"Mabuti at nakasama ka. Mabuti maaga ang bakasyon nyo." wika nya sa akin.
"Ah oo nga.!" maikli kong tugon sa kanya.
Pagkasagot ko may biglang tumawag sa akin. Hinanap ko kung sino yon. Ang lakas ng pagkakatawag kasi. Akala mo bang tagal na naming di nagkita. Si Hogan. Si Hogan na kaklase ko noong High School, pinsan sya ni Hubert sa nanay nila. In short first cousin sila.
"Hogan! Grabe ha napakalakas naman non, akala ko kung ano na nangyari." bungad ko dito ng makalapit sya sa amin .
"Hahahaha! I'm just happy to see you again. You look great. Mas lalo kang gumanda." sagot nya sa akin
"Ako rin, I'm glad to see you again. Pero bolero ka pa rin." Saad ko dito na natatawa na rin
"Classmates nga pala kayo ni Hogan. " mahinang bigkas ni Hubert para marinig namin ni Hogan.
Naiwan kami sa labas dahil sa pagkaharang sa amin ni Hogan. Natanaw ko sa pinto na masayang nagbabatian sila Lola at tita, ang Mommy ni Hubert
"Hogan pasok lang muna kami sa loob. Batiin ko lang si tita." paalam ko dito.
"Okay Alexis, lapitan na lang uli kita later para makapag-usap pa tayo." sagot nya.
"No problem, mahaba pa ang time. Sige pasok na muna kami." Nasa tabi ko pa rin kasi si Hubert.
Isang malapad na ngiti at nakabukas pa ang dalawang braso ni Tita ng lumapit ako sa kanya para sya ay batiin
"Happy birthday po tita!" sabay halik sa pisngi nya.
Di pa sya nakuntento dahil sa dalawang pisngi pa nya ako iginiya para magbeso beso. Niyakap din nya ako.
"Ang laki mo na Alexis! At napaka ganda, manang mana ka sa Lola mo." bati nya sa akin at tinapunan pa ng tingin si Lola
"May boyfriend ka na ba? Madami siguro ang manliligaw mo sa Manila?" sunud sunod na tanong nya sa akin.
"Wala po tita. Ayaw ko pa po. Hindi ko po priority yon." tugon ko kay Tita.
"That's good, study first. Napakaganda talaga ng pagpapalaki ni mare syo. Maganda na, may respeto, may pangarap at mapagmahal sa pamilya." sambit nito.
"Tara at kumain na muna kayo. Hubert anak dalhin mo sila sa buffet table. Paki assist sila anak." wika nito sa amin
Pagkakuha namin ng food sa buffet table pumwesto kami sa isang table. Maya maya nakita ko na patungo sa aming lugar si Hogan. May dala ring pinggan na may pagkain
"Pwede po ba akong maki-upo dito sa table po ninyo? magalang nyang paalam.
"Oo naman Hogan! Si Tito Andrei ang sumagot
Dahil round table napakalaki para sa aming apat. At parating din si Hubert, kumuha rin pala ng food nya
Kasalo namin sa lamesa ang mag pinsan Tahimik lang kaming nagsisikain pero di maawat si Hogan sa pagtitig sa akin kahit kumakain ito
Medyo naiilang ako, kaya halos di ko magalaw ang pagkain ko
Biglang nagsalita si Hubert na ikinatawag pansin ng mga kasama namin sa lamesa.
"Hogan di makakain si Alex dahil sa paninitig mo." walang dalawang isip na pagsita nya sa kanyang pinsan.
"I'm sorry po. Di ko po sinasadya, it's just that I can't take my eyes off her. Napaka ganda kasi nya." sagot nito na sa akin pa rin nakatingin
"Medyo busog pa po ako, kaya di ko po magalaw ang food. Pero uubusin ko po ito. Namiss lang siguro ako ni Hogan natagal na kaming di nagkikita po nito." nahihiyang sambit ko.
Siguro nahiya si Hogan kaya ng maubos na ang laman ng pinggan nya ay nagpa alam na ito in a nice way.
Sinimulan ko na uli kumain para wala ng masabi tong nasa gilid ko.
Pagkatapos naming kumain, nagpasya akong lumakad lakad muna. Puro kain tulog yata ginagawa ko simula umuwi dito. Magaganda ang halaman ni Tita kaya nag-eenjoy ako. Sila Lola at Manang Gaying may kausap na kaedaran nila. Si Tito Andrei at Hubert ay nag-uusap din, baka business naman.
Di ko namalayan ang paglapit muli ni Hogan.
"Hello again! Hahahaha! Nagulat ba kita? nakatawang tanong ni Hogan sa akin.
"Hi din, hindi naman masyado. Pero hilig mo ba talaga ang mang gulat?" sagot ko sa kanya.
Kakamot kamot pa ito ng ulo pero naka ngiti.
Gwapo si Hogan. Maputi, matangos ang ilong, manipis ang labi at mapupungay ang mga mata. Noong High School isa ito sa heartthrob. Balita ko madami itong naging girlfriends. Merong higher year at lower year. Meron din aa batch namina at sa classmate namin. Bigla ko tuloy naalala
"Kumusta na pala kayo ni Rebecca?" yon kasi ang huli kong alam tungkol sa kanya.
"Ah si Becca, wala na kami matagal na. Di namin kaya ang long distance relationship." sagot nya sa akin.
Si Becca ay school mate ni Christine sa university na pinapasukan nila at si Hogan tulad ko sa Manila nya napili na pumasok
"Ah ganoon ba?! but don't be sad baka in the end kayo pa rin." sabi ko sa kanya. Actually di ko alam isasagot ko. Baka ma offend ko sya kapag sinabi kong madami ka na sigurong girlfriend sa Manila.
Wala kasi yata kaming common interest kaya di nagwowork ang pag-uusap namin
Ito na si Tito nilapitan ako para sabihin na uuwi na kami. Medyo napapagod na daw si Lola.
"Hogan nice seeing you again. Uwi ba kami." paalam ko sa kanya.
"Okay Alexis. Hope to see you again. May gusto akong sabihin syo pero next time na lang. Ingat po kayo sa pag-uwi." sabi nya sa amin ni Tito.
Nagpa alam nar rin kami kay Tita. Si Hubert ang naghatid sa amin hanggang sa sasakyan. Ipinagbukas pa nya ako ng pinto kung kaya't napatingin ako sa kanya.
"Ingat kayo." maiksing wika nya habang naka ngiti na sinuklian ko rin.
"Thank you." tugon ko sa kanya na parang ako lang nakarinig.