3
TINANGHALI na ako ng gising. Wala naman kaming lakad kaya ninamnam ko talaga ang matulog.
Pero ang totoo kung anu-ano pa kasi ginawa ko kagabi.
Matagal din kaming nag-usap ni Daddy. Kinumusta ako at nangako sya na uuwi daw sya sa darating na Pasko.
Nagsabi na daw sya sa kapalitan nya. Dahil ito naman daw ang umuwi last year madali nya itong napakiusapan na sya nawan ang uuwi ngayong taon.
Matagal pa yon pero excited na ako.
Iba pa rin yung nakakasama mo in person kaysa kausap mo sa video call.
Nag video call din kaming apat si Weng, Flor at Liza.
Dahil lagi kaming magkakasama, namiss din namin agad ang isa't isa.
Tatawagan ko mamaya si Christine. Dahil nandito na ako nakalimutan ko na ang bff ko. Baka magtampo na. Pero sya nga di rin nya ako naalala eh.
Namimiss ko na rin sya. Mahilig kaming magluto tuwing magkasama kami.
Tawagan ko na kaya.
"Bestie good morning!". Masayang bati ko sa kanya.
"Good morning bff! Wow naalala mo rin ako. Ilang araw ka ng nakauwi pero ngayon mo lang ako naalala." May himig pagtatampo. Pero joke nya lang ito. Sanay na ako dyan.
"Ito naman, nagtatampo pa. Wala akong gagawin ngayon. Gusto mo bang pumunta dito? O puntahan kita dyan?" Sagot ko naman sa kanya.
"Aalis kami mamaya ni Mommy, pupunta kami sa mananahi. Magpapagawa ako ng gown. Isinali ako ni Becca sa listahan ng sasagala. Bukas na lang, ako ang pupunta dyan." Mahabang paliwanag nya.
"Talaga! WOW mabuti at napapayag ka nya. Maiba ako nakita ko si Hogan kahapon sa party ni Tita. Birthday ng mama ni Hubert. Natanong ko nga sya about sa status ng relationship nila ni Becca." Mas mahabang sagot ko dito.
"Oo, matagal na silang nag-break pero alam ko nagkikita pa rin sila kapag nauwi si Hogan. Actually si Hogan ang partner ni Becca sa sagala." Sagot naman nito sa akin.
"That's good for both of them! Balik na tayo sa original topic. So bukas, ikaw ang pupunta dito? Ano magluluto ba tayo? Para macheck ko kung may ingredients dito at kung wala magpapasama ako kay Manang Gaying sa bayan ng makabili ng ingredients." Tanong ko kay Christine.
"Sige magluto tayo ng maja blanca saka pasta." Tugon nya sa akin.
Naiisip ko pa lang natatakam na ako.
"Okay okay. I'll check kung kumpleto ang ingredients dito." Sabi ko sa kanya.
"Okay sige bestie, see you tomorrow. Expect me at 1pm. Bye." Paalam nq nito.
Naligo na ako at pumili ng comfortable clothes. Malapit na rin mag lunch.
Paglabas ko ng room, nakita ko si Lola sa sofa at nanonood ng noon time show.
"Hi La! Sorry late na po ako gumising." Wika ko dito sabay yakap.
"Sinilip nga kita kanina sa kwarto mo. Di na ako kumatok. Nakita ko na sobrang himbing pa ng tulog mo." Sabi ni Lola.
"Magpapahain na ako para makakain na tayo." Dugtong pa nito.
"Ako na lang po La, tulungan ko na rin po si Manang Gaying sa paghahain." Tugon ko kay Lola saka lumakad papuntang kusina.
Habang papasok ng kusina, naamoy ko na ang ulam namin. Pritong isda at Sinigang na hipon.
"Hmmm...amoy pa lang ulam na." bati ko kay Manang Gaying na pakanta kanta pa habang hinahango ang piniritong isda.
"Tulungan ko na po kayong maghain, kakain na daw po tayo sabi ni Lola." Sabi ko kay Manang Gaying
"Sige ikaw na lang maglagay ng kanin sa bandehado. Ako na bahala dito sa mga ulam." Tugon ni Manang Gaying sa akin.
Agad naman akong tumalima sa sinabi nya.
Ako na rin kumuha ng mga pinggan at kobyertos.
Nang maiayos na, ilang saglit pumasok na rin sa dining si Lola.
Habang kumakain nabanggit ko kay Lola na pupunta si Christine bukas dito. Sinabi ko na rin naagluluto kami which is expected na rin nya.
"Natingnan mo nava kung kumpleto ang ingredients na kakailanganin nyo?" Tanong ni lola sa akin.
"Wala na po tayong Corn starch La, di na po kakasya yung nasa cabinet. Kulang na rin po ang gatas." Pagpapaalam ko kay Lola.
" Busy pa si Tito mo sa project nya ngayon. Kay Gaying na lang kita pasasamahan at bilhin na rin lahat ng kulang para sa dalawang linggo." Nakatingin si Lola kay Manang Gaying habang sinasabi ang mga ito.
"Okay po La, kami po ni Manang Gaying ang mamimili. " Pag sang-ayon ko sa sinabi ni Lola.
Tumango naman si Manang Gaying bilang pag sang-ayon nya.
Tahimik na muli kaming kumain.
Ang dami ko na namang nakain. Di nakakapagtaka kung madagdagan ang timbang ko nito
Para naman mapababa ko talaga ang kinain ko, ako na uli nagprisinta na maghugas ng pinggan.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, nanood muna ako ng noon time show. Bata pa lang ako ito na pinapanood ng Lola ko. Pati ako lalo na pag Sabado. Weekdays kasi nasa school ako noon. Kaya tuwing bakasyon at walang pasok ako nakakapanood.
Nakakatawa ang mga hosts kaya sila sumikat kasi ang galing ng mga punch lines nila.
Nagreready na naman si Manang Gaying para sa aming pag-alis.
Isang sakay lang sa tricycle buhat dito sa bahay papunta sa supermarket.
Sasakay na lang kami ng tricycle at pag-uwi pwede naman tricycle din.
Umalis na kami ni Manang Gaying at nagtungo na sa supermarket.
Nakatapos na kaming makapamili. Nakapila na kami sa counter para magbayad. Ng biglang may nagsalita.
"It's a small world talaga! Nagkita na naman tayo." Wika nito habang nakangiti.
"HOY Hogan! Talagang ang hilig mong manggulat." Tugon ko dito.
"At saka di naman impossible na magkita tayo, napakaliit lang ng bayan natin at may mata tayo kaya talagang magkikita tayo." Dagdag ko pa rito
Kami na pala ang susunod na magbabayad.
"Sige Hogan, kami na susunod na magbabayad." Paalam ko dito.
"Baka pwedeng ipakisabay na ito, may pinabili lang si Mama kailangan daw nya para sa lulutuin nya mamaya. Mahaba kasi ang pila. Dalawang items lang to ." Nakikiusap na paliwanag nito na may kasama pang pagkamot sa ulo. Akala mo may dandruff kung makakamot eh. Hahahaha.
"O sya sige. Ipauna ko na muna." Sagot ko dito.
"May dala ba kayong sasakyan?" Tanong nya sa amin ni Manang Gaying.
"Wala busy si Tito pwede naman kami mag tricycle dyan sa labas ng supermarket." Sagot ko sa kanya.
"Ihatid ko na lang kayo para pambawi sa pagpapasingit sa akin." Nakangiti nyang pag-aalok.
"Naku wag na mapapalayo ka pa. Saka maliit na bagay lang ito." Tukoy ko sa pagbabayad ng ipinakisuyo nya.
"Sige na I insist! " Ma awtoridad nyang wika sa akin.
"Okay fine. Mapilit ka eh." Sumang ayon na ako para matapos na tong kulitan na to.
Sya na rin nagtulak ng cart hanggang sa tapat ng sasakyan nya.
May kaya rin pamilya nila kaya de kotse na ang.mokong.
Idinaan muna nya ang pinabili ng Mama nya saka nya kami inihatid sa bahay .
Pagkadating namin ng bahay past six na kaya si Manang Gaying nagmamadali ng bumaba dahil magluluto pa sya.
Bilang pasasalamat inanyayahan ko si Hogan na pumasok muna at makainon man lang.
Walang pagdadalawang isip na sumagot ito at kasabay ko ng pumasok.
Nagbigay galang sya kay Lola at naupo sa sofa. Kaya nagpa alam mun ako na ikukuha ko sya ng maiinom.
Habang nasa kusina pala ako inanyayahan na sya ni Lola na dito na mag dinner at ang Mokong umoo uli.
Sila ni Lola ang nagkwentuhan. Tumulong na ako kay Manang Gaying na magluto. Calderetang manok ang niluto namin. Namin talaga kahit nagbalat at nag gayat lang naman ang ambag ko.
Mag alas otso ng magsimula kaming kumain. Kakaumpisa pa lang namin ng dumating si Tito.
Dahil magkakilala naman sila ni Hogan wala naman ilangan sa hapag hanggang sa matapos kaming kumain.
Nagpahinga lang saglit si Hogan at saka nagpaalam na uuwi na sya.
"Lola salamat po sa masarap na dinner. Sana di po ito ang huli. Napakasarap mo pa lang magluto Alexis." Sabi nito na humihimas pa rin sa tyan nya.
"Welcome ka lagi dito." Sagot naman i Lola
"Di ako ang nagluto si Manang Gaying." Pagtatama ko sa sinabi nito.
"Sige po salamat po muli. Alexis wag kang magsasawa sa pagmumukha ko." Paalam nito.
Bakit naman ako magsasawa sa pagmumukha nya. Nagkataon lang naman ang mga pagkikita namin. Anong pinagsasabi ng mokong na ito.
Ng marinig ko na ang makina ng sasakyan nya at tuluyang lumayo, pumasok na ako para makapag pahinga.
Nandon naman si Tito para magsara ng gate at pintuan ng bahay.