1

1548 Words
Isang tapik ang nagpagising sa akin, si tito. "Alex gising dito na tayo! Hinihintay ka na ni Mama sa pintuan. Ayun oh! Tuwang tuwa makakasama na nya ang paborito nyang apo." Sabay mahinang tawa. Paano ba naman di ako magiging paborito nag-iisang apo lang ako. "Hay naku tito, di mo pa sinabi na paborito mo rin akong pamangkin, wag ka ng mahiya! Hahahahaha! ." Bawi ko sa kanya. Ganito lang naman kami ni tito ilang taon lang naman ang tanda nya sa akin kaya close din ako sa kanya. Seven years older sya akin. Ilag din mga kalalakihan dito sa may lugar namin siguro gawa ni tito. Lagi kasi ko syang kasama kapag lumalabas. Yon kasi bilin ni Daddy ang bantayan ako at wag hahayaang lokohin lang ng kung sinu-sino. Aba kahit ako di ako papayag na may manloko sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan buhat ang sling bag ko. Di ko naman inuwi ang mga damit ko dahil sinigurado ko na lahat ay malinis at maayos. Yung hinubad ko lang kanina pero dinala ko dito dahil matatagalan pa balik ko sa boarding house. Aba! Susulitin ko ang bakasyon kulang limang buwan din ako di nakauwi dahil kahit weekends may mga group studies kami lalo na nung malapit na ang finals. Bakasyon engrande. May mga lakad na kamk ni Christine, akala mo kung anong lakad sa bahay lang naman nila sleep over don at dito din sa amin. Nakababa na ako ng sasakyan at si Lola nga ay may malaking ngiti na nakahanda. "Alex apo ko, lalo kang gumanda! Ilang buwan lang tayong nagkita sa personal laki na ng pinagbago mo. Kumbaga ay nag bloom ka na."wika nito. "La namiss kita ng sobra. Ang bango naman ng lola ko at napakaganda. Parang hindi tumatanda. I love you La." Sabi ko dito. " La tumawag na po ba si Daddy? Sabi nya tawag daw sya ngayon, alam po nya na uuwi po ako ngayon. Nakausap ko po sya kagabi. Sabi ko kay Dad umuwi na sya, ilang taon na natin syang di nakakasama lalo na sa mga okasyon." Malungkot kong wika dito. " Hindi pa apo baka natutulog pa, alam mo naman magka iba ang oras natin sa kanila." Tugon ni lola. Mahirap din ang buhay na malayo si Daddy kahit nagkaka usap kami sa video call iba pa rin yung nandito sya tulad ng mga sa kaibigan ko. Wala na si Mommy si Daddy naman nasa ibang bansa pero para sa akin naman yon para sa future ko. "Halika na nga sa loob at magsikain na tayo. Pinalutuan kita ng paborito mong Kare-kare kay Gaying at pinagawa ko rin sya ng buko pandan na paborito mong panghimagas. Andrei, Hubert parine na at makakain na din muna kayo. Malamang gutom na kayo bukod sa pagod." Paanyaya ni Lola. Agad namang tumalima ang dalawa at sabay sabay na kaming nagtanghalian, mag 1 pm na mabuti heavy breakfast ang naiready ko kanina. Masaya kaming dumulog sa hapag kainan. Di na iba si Hubert halos anak na turing ni Lola sa kanya. At kasosyo sya ni tito Andrei sa maliit nilang negosyo. Nasa may bayan ang pinaka opisina nila. Gumagawa sila ng mga aluminum na sliding door, sliding window at iba pa. Pati yata mga salamin gumagawa na rin sila. Malakas daw ang business nila kasi pioneer sila dito sa lugar namin. Si Manang Gaying ang bumati sa dalawa. "Kayong dalawa kailan kayo lalagay sa tahimik? Aba, di na kayo bumabata, dapat kasama sa mga plano nyo yan." Wika ni Manang Gaying. Nagkatinginan si Tito Andrei at Hubert saka parehong napakamot ng ulo. "Manang Gaying , lalagay agad sa tahimik eh wala pa nga po kaming kasintahan." Sagot ni tito. " Di ba't pinopormahan nyo yung magpinsan dyan sa may kanto, yung mga apo ni Aling Eva?" Nabanggit sa akin nung katulong nila na nag-uusap yung.mag pinsan at kayong dalawa ang naririnig na pangalan." Patuloy ni Manang Gaying. "Sino po yon Manang?" Naagaw na rin ang atensyon ko. "Irene at Claire ang pangalan nung dalawang dalagita na apo ni Aling Eva." Tugon nya sa akin. "Ah okay. Yon naman pala tito meron palang may crush sa iyo bakit di mo kilalanin?" Pasimple kong tugon. "Bakit ako ang itinutulak mo bakit di itong si Hubert? Sya naman talaga ang kakilala noong dalawa." Bigla akong napatingin kay Hubert na nasalo ang titig ko. "Ipinakilala sila sa akin ni Aling Eva noong nagpa estimate sya para sa hanging cabinet. Naka usap ko lang naman ng saglit dahil nacucurious sila sa mga proyekto namin ni Andrei. Manang Gaying di naman po ako nagmamadali. May hinihintay lang po ako." Sabay tingin sa akin. "Oh sya Gaying hayaan mo muna sila Andrei at Hubert baka kailangan muna nilang mas palaguin ang negosyo nila. Nasa kalendaryo pa naman ang edad nila. Pakilabas na dito ang ginawa mong buko pandan at pagsaluhan na natin, tiyak magugustuhan ni Alexis yang gawa mo." Sabi ni Lola. Natapos ang tanghalian namin at nagpasya na muna akong magpahinga. Sila tito naman narinig kong nagpa alam kay Lola na tutuloy na sa shop ng maibaba nila ang mga materyales at masimulan nila ang proyekto nilang malaki. NAMISS ko ang aking kwarto sa halos limang buwan ng huli akong umuwi dito. Di ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang malaking bear na nasa higaan ko. Sa laki di ko na dinala sa boarding house. Isa ito sa regalo na natanggap ko noong 18th birthday ko, kaya napaka espesyal nito para sa akin. Sinple lang idinaos ang aking kaarawan. Ako na nagsabi kanila daddy na ayaw ko ng magarbo at ayaw ko ring may program. Makasama ko lang silang lahat sa araw na yon, masaya na ako. Di ako pinalaki sa luho kahit nag-iisang anak ako at apo dahil wala pang anak ang tita at tito ko. Nasa High School pa lang ako, tinuturuan na akong magluto pati paglalaba kaya naman di ako nahirapan ng mag board ako sa Manila. Nagpalit na ako ng damit at parang hinihila na ako ng antok. Napabalikwas ako ng makita kong madilim na sa labas ng bintana. "Anong oras na kaya?" Tanong ko sa sarili ko. Maya-maya narinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan ng aking kwarto. "Alex, labas na dyan. Kakain na tayo. Gabi na apo, baka di ka na makatulog uli. Tara na.!" Si Lola. Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Sige po La, sunod po ako. Napasarap po tulog ko, pasensya na po." Sabi ko kay Lola. "Kanina ipinatawag kita kay Gaying. Wala daw sumasagot kaya hinayaan na raw nya. Baka napagod ka daw sa byahe." Wika nya uli. "Siguro nga po La. Kakagising ko lang po ng kumatok po kayo. Sige po La, sunod na po ako." Sambit ko. "O sya sige, sumunod ka na sa hapag kainan. Oras na ng hapunan." Pahabol ni Lola Isinara ko ang pintuan at ako ay nag-ayos na. Nagmumog at nagsuklay lang. Di naman ako nagpalit ng damit. Pagdating ko sa dining table kaming tatlo lang nila Lola at Manang Gaying. "La, tayong tatlo lang po? Saan po si tito?" Tanong ko sa kanila. "Tumawag at nagpasabi na mauna na tayo. May tatapusin pa raw sa shop." Maikling sagot ni Lola. "Tumawag din pala Daddy mo kanina, sabi ko nasa kwarto ka at nagpapahinga. Di ka na pinagising." Pahabol pa nya "Okay po La, nakatulog nga po ako agad. Tawag naman po yon mamaya sa akin " wika ko. Madami na naman akong nakain. Ang sarap ng aming hapunan. Ginataang tambakol at may minatamis na saging. "Salamat sa masarap na hapunan po. The best po talaga mga luto mo Manang Gaying." Sabi ko. "Walang anumang Alex. Masaya ako na nagustuhan mo." Kinikilig na tugon nito. After naming kumain, nagpa alam na si Lola na magpapahinga na. Ako na nagpresintang maghugas ng mga pinag-kainan. Natapos na akong maghugas kaya nag decide akong manood ng TV. Namiss ko ring manood dahil wala kaming TV sa boarding house. Mutual decisions namin na wag maglagay ng TV para makapag focus kami sa pag-aaral. Sounds corny but effective. Past Eleven na ng gabi ng marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Dumating na siguro si Tito. Binuksan ko ang pinto at di lang si tito kasama na naman nya si Hubert. Malamang kasi partner nga pala sila "Bakit gising ka pa?" Bungad na tanong sa akin . "Di pa po kasi ako inaantok. Gabi na po ako nagising. To, kumain na po ba kayo? Ipaghahain ko po kayo, tulog na po si Manang Gaying at lola.' sagot ko kay Tito. " Okay sige salamat at di pa kami kumakain. Pinilit namin matapos yung project. Dahil minamadali nung nagpagawa at may okasyon bukas sa kanila, para maayos na ang lahat." Malambing na sagot nito. Isang tipid na ngiti lang ang nakita ko kay Hubert ng mapatingin ako dito Ipinaghain ko silang dalawa at nag desisyon na rin akong magtimpla ng kape. Isinali ko na rin ang sarili ko "Salamat." Halos sabay na wika ng dalawa " Pero dapat di ka nagkakape gatas lang dapat syo " Nagulat ako sa pahabol na sinabi ni Hubert. "Ngayon lang to di naman palagi. Parang masarap kasing magkape." Sagot ko dito. Nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa at babalik ako sa pinapanood ko. Di pa kasi ako inaantok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD