8

1366 Words
8 PASOK kayo, sabi ni Tito sa mga kasamahan nya. "Maupo muna kayo, ipapahanda ko lang ang pagkain." dugtong pa nya. Parang medyo nahiya naman ako. Nagtagal pa ang tingin ni Hubert sa amin "Hogan kanina ka pa dito?" tanong nya sa pinsan nya. "Higit isang oras na kuya." maiksing tugon ni Hogan . "Bro tara kain na muna tayo sa kusina, nakahain na." may kasamang tapik pa ng magsalita si Tito. Tumango naman ito bilang pag sang-ayon pero muli nya kaming tinapunan ng tingin kasama ang bulaklak . Hindi na nila kami niyaya dahil nasa harap pa namin ang pinag kainan namin ni Hogan. Nagsabi ako kay Hogan na liligpitin ko na muna ang mga pinggan sa harapan namin. Pagbalik ko, nagsabi ako kay lola na sa may halamanan muna kami. Naiilang ako sa mga kasamahan ni Tito kasi narinig ko nagkakantyawan sila. "Boss mukhang mauunahan ka pa ng pamangkin mo ah. Baka tumanda ka ng binata nyan." saka nagtawanan. Pumayag naman si Lola. Nasa looban pa rin naman namin yon. "Hogan tara sa may halamanan may mesa at upuan din don." yaya ko sa kanya. Nagsabi din sya kay Lola na lalabas lang kami. "Alexis nagulat ba kita? Bigla akong nagpunta dito at nagsabi na manliligaw ako?" "Ha? Ah eh oo." nauutal ko pang sagot. "Gusto kong mas makilala kita. Noon pa man humahanga na ako syo, pero nung makita kita sa birthday ni tita nag-iba ang naramdaman ko. Hindi na to basta paghanga, gusto na kita." mahaba habang litanya nito at wala akong makitang bakas na nahihiya sya . "Hindi ko alam ang isasagot ko syo Hogan, ikaw pa lang ang unang umakyat ng ligaw dito sa bahay. Kaya humihingi ako ng pasensya na sana maunawaan mo kung bakit di ako mapanatag." "Matagal na kitang kilala dahil magkaklase na tayo noong high school. Pero di naman tayo close. Hi and hello lang tayo." dagdag ko pa sa kanya . "Oo, naiintindihan naman kita. Di naman ako nagmamadali. Makakapag hintay ako Alexis." tugon nya sa akin.. Gusto kong magtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Rebecca pero napa isip ako baka awkward yon kasi wala naman dito yung tao at sabi nya tapos na sila non. Kung anuman ang meron sila ngayon ay pagkakaibigan na lang daw. Maganda siguro samahan nila para maging magkaibigan pa after ng break up. Madami pa kaming napag-usapan kahit papano nawala na rin ang ilangan o mas tamang sabihin na nagiging komportable na kami. Lumabas sila Tito doon daw sila sa likod pupwesto. Mag-iinuman daw sila. Inalok pa nga niya si Hogan na tinanggihan nitong isa . Gusto ko rin makilala si Hogan ng personal hindi base sa kwento ng iba. Ayaw ko naman maging unfair sa kanya. Di rin siguro fair kung sasabihin ko agad sa kanya na tigilan na nya ang pagpunta dito . Hindi ko alam pero ayaw kong magpadalos dalos. Madami pa akong hindi alam sa larangan ng pag-ibig . Gumagabi na. Mag seven o'clock na. Tumingin pa si Hogan sa relo nya. "Alexis, gumagabi na magpapaalam na ako." sabi nya. "Nakakahiya kung abutan pa ako dito ng dinner, baka sabihin ni Manang Gaying manliligaw ako para libre pagkain." dugtong pa nya. Wala naman nagsabi sa kanya ng ganoon. Tinutukso lang sya ni Manang pero hindi about sa pagkain. Sya na mismo siguro ang talagang nahihiya. "Sige baka hanapin ka na rin ng parents mo." sagot ko sa kanya. "Ingat ka." dagdag ko pa. "Magpapaalam lang ako kay Lola." sabi ni Hogan. Iginiya ko sya sa loob. Tinawag ko si Lola. "La, magpapaalam na po si Hogan. Uuwi na po sya." "Lola uuwi na po ako, thank you po sa pagtanggap po sa akin. Salamat din po sa masarap na meryenda." "Hapunan na hijo, dito ka na kumain!" sagot sa kanya ni Lola. "Di na po, busog pa po ako. Halos ako po umubos ng pansit sa bandehado kanina." ngayon pa parang nahiya kasi totoo sinabi nya halos sya talaga madaming nakain . "O sya sige mag-iingat ka sa pag-uwi." wika ni Lola. Inihatid ko sya sa may gate. Di na ako lumabas. Pinagmasdan ko na lang sya hanggang sa makaalis na ang sasakyan nya. Habang papasok ako sa loob nakasalubong ko si Hubert. May bitbit syang yelo. Siguro nakisuyo si Tito sa kanya.. Tipid akong ngumiti sa kanya. Sya naman parang ngingiti na hindi . "Alex." "Bakit Hubert?" nagulat ako sa pagtawag nya kasi magkaharap kami. "Nanliligaw ba si Hogan?" tanong nya sa akin. "Yon ang sabi nya kanina, nag paalam din sya kay Lola na aakyat sya ng ligaw." tugon ko sa kanya . Parang nag-iba ang expression ng mukha nya. Di ko maintindihan. "Ganoon ba? May pag-asa ba naman ang pinsan ko? Medyo nilakasan nya boses nya parang may bara na tinanggal sa lalamunan. "Hindi ko pa alam. Nasa getting to know stage pa lang kami. Ayaw ko rin magpadalos dalos." paliwanag ko sa kanya. "Pre matutunaw na ang yelo. Kaya pala di ka pa nakabalik eh nandyan ka at nag iimbestiga." buska ni Tito. Mukhang nahiya naman itong isa. "Pasensya na Alex dami kong tanong. Sige at baka wala na akong madalang yelo don sa mga kasamahan namin." nagmamadali na syang lumakad palabas . Nagkibit balikat na lang ako. Nasa kusina na sila Lola. Nakahain na kaya doon na ako dumiretso. Kaya niyayaya na kanina si Hogan dahil oras na ng hapunan. Sila Tito nauna ng kumain dahil yon nga plano nila ang mag-inom. Narinig ko minsan sabi ni Lola dapat may laman muna na pagkain ang tiyan bago mag-inom . Ulam namin ang natirang pininyahan. Si Manang Gaying ay pangiti ngiti pa sa akin. "Dalaga na ang bunso namin. May manliligaw na." saad nito na nakangiti sa akin. Si Lola naman ay tahimik lamang. Nginitian ko lang si Manang Gaying. Wala din naman akong alam na sasabihin o itutugon sa sinabi nya. Kaya tipid na ngiti rin lamang . Kaunti lang nag nakain ko, medyo busog pa rin kasi ako. Ako na naghugas ng pinggan, halos maghapon ng nagluto si Manang Gaying. Sinigurado kong malinis ang kusina bago ako pumasok ng aking silid. Nasa likod pa rin sila Tito. Nagkakantahan sila. Magaganda din ang boses ng mga ito. Medyo nakabukas ang bintana ko kaya rinig na rinig ko sila. "Boss Hubert ikaw naman ang kumanta. Nakakanta na kaming lahat, ikaw na lang po hindi " halos sabay sabay nilang wika. Di ko pa naririnig itong kumanta kaya naman na curious ako imbis na isara ko ang bintana lumapit pa ako dito. Di naman nila ako makikita dahil nakaharang ang kurtina. Narinig kong sumagot si Hubert. Nagpalakpakan sila dahil napakanta din nila. Di ko alam kung ano ang kakantahin kaya talagang na curious ako. Narinig ko na ang intro... naririnig ko to pero di ko alam ang title.. Nag-iisang pag-ibig Ang nais makamit, 'yun ay ikaw Hiyawan agad kaka umpisa pa lang. Ganito yata talaga sa inuman. May mga sumisipol pa Nag-iisang pangako Na 'di nagbabago para sa 'yo Sa'n ka man ay sana'y maalala mo Kailanman asahan, 'di magkalayo Tanging ikaw lamang Ang aking iibigin Walang ibang hiling Kundi ang yakap mo't halik Hindi malilimutan Mga araw nating kay sarap balikan At lagi mong isipin Wala nang ibang mahal kundi ikaw Malayo ka man ay sana'y maalala mo Kailanman, pangako 'di magkalayo Tanging ikaw lamang Ang aking iibigin Walang ibang hiling Kundi ang yakap mo't halik Sa'n ka man ay sana'y maalala mo Kailanman asahan, 'di magkalayo Tanging ikaw lamang Ang aking iibigin Walang ibang hiling Kundi ang yakap mo't halik Tanging ikaw lamang Ang aking iibigin Walang ibang hiling Kundi ang yakap mo't halik Tanging ikaw lamang Ang aking iibigin WOW! Ang galing nyang kumanta. Napakaganda ng boses nya. Muli nagpalakpakan na may kasamang hiyawan. More pa nga daw sabi nung mga kasamahan. Dahil madami rin akong nagawa sa maghapon, nakaramdam na ako ng pagod at antok. Isinara ko na ang bintana ko at nagpasya ng maglinis ng katawan para mas masarap ang tulog ko. Di na masyado marinig ang usapan sa labas wag lang yung maghihiyawan. Ang daming tumatakbo sa isipan ko pero dahil literal na napagod ang katawan ko ay nakatulog na ako.... #hiling by jay-r siaboc
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD