7

1523 Words
7 ARAW ng Sabado ngayon. Siguro alas otso na medyo mataas na ang araw. Paglabas ko ng aking kwarto, palabas din si Tito. May dalang bag, mukhang may lakad. "Good morning Tito! Parang may lakad ka po ah!?" "Good morning din Lex! Oo may swimming kami ngayon ng mga tauhan namin. Maghapon lang, gusto mong sumama?" yaya nya sa akin. "Biglaan talaga to? Dito na lang po ako sa bahay, tulungan ko si Manang Gaying maglaba. Kailangan ko rin magkikilos, panay kain at tulog na lang ginagawa ko rito sa araw-araw simula ng mag bakasyon po ako."mahaba kong pahayag kay Tito.. "Sya sige kung ganon. Saka baka ma out of place ka rin dahil puro lalaki kami." sagot nya sa akin. Pag dadahilan ko rin lang naman. Di ko naman sya madiretso kanina na talagang ayaw ko dahil wala naman akong gagawin don. Saka napaka late na rin ng invitation nya. Kung talagang gusto nya ako isama, sinabihan nya agad ako May tumatawag sa labas baka mga kasamahan na ni tito. Di daw sila magdadala ng sasakyan. Nag rent daw sila para makapag enjoy ang lahat. Pwedeng uminom dahil hindi sila magdadrive. Narinig ko nagpa alam na si Tito kay Lola. Sumilip ako sa labas ng bintana, sakto si Hubert agad ang nakita ko nasa harapan ng sasakyan at nakatingin din sya sa akin.. "Good morning Alex!" bati nya. "Good morning din!" ganti ko sa kanya. Madalas ngiti lang ang pagbati ko sa kanya. At madalas sya ang mauunang magsalita bago ako magsalita. Nahihiya ako na ako mauuna baka mamaya eh di naman ako pansinin. Kaya pag binati ako ibinabalik ko din yon Sumakay na si Tito katabi ni Hubert kaya umusog ang isa at si Tito na ang kita. Kumaway ito bilang paalam at ganoon din ang ginawa ko. "Ingat po kayo Tito!" pahabol kong mensahe sa kanila Pumunta ako ng kusina at tiningnan kung ano ang almusal. Tapos na silang kumain. Di na nila ako hinintay dahil alam nilang puyat ako dahil sa gimik namin kagabi Ang swerte ko napaka understanding ng Lola ko at Manang Gaying. Sarap ng almusal, Sinangag, itlog na maalat na may kamatis at pritong tinapa. Ang dami ko na namang nakain. Hinugasan ko na ang aking pinag kainan at pagkatapos ay lumabas. Naabutan ko si Lola nasa halamanan. Nag aalis sya ng mga tuyong dahon. Tag-init kaya medyo nagbabago ang mga dahon kahit diligan mo ng diligan. Sa sobrang init ng panahon talagang natutuyot. "La saan po si Manang Gaying?" tanong ko kay Lola "Umalis, nagpunta sa palengke. Mamimili ng stocks natin " sagot ni Lola. Oo nga pala pag araw ng Sabado ito namimili ng mga sariwang Karne, isda, gulay at mga prutas. "Sana isinama po ako para may taga buhat." saad ko kay Lola. "May kasama sya pag namimili sa araw ng Sabado. Sinasamahan sya ng pamangkin nya na namamasada.. Yon ang service nya." wika ni Lola. "Okay po La. Tutulong po sana ako sa paglalaba din po sa kanya." dagdag ko pa. "Maagap yon gumising kanina, ayun o nakasampay na ang mga damit." turo pa ni lola sa mga nakasampay. Tanghali na nga ang gising ko. Halos wala ng gagawin. Kaya nagpasya na lang akong mag walis sa palibot ng kabahayan. Bungalow style lang ang bahay namin. May limang rooms. Tag-iisa kami. Para kay Lola, kay Tito, Tita, kay Dad at kay Manang Gaying. Kung magkabisita man kami pinapagamit muna bilang guest rooms ang kay Dad at Tita dahil wala naman sila dito. May upuan sa harap ng bahay. Pang apatan ito, minsan dito kami nagkakape. Depende sa mood. Si Lola at Manang Gaying ang madalas dito. Tamabayan na nila dahil presko. Puro halaman ang bakuran namin. Sa likod ng bahay naman ay malawak din ang space. Doon minsan ginagawa ang mga gatherings ng mga kamag-anakan namin May mahabang lamesa at mga upuan din. Nagpalagay na rin ng tent para proteksyon sa init at mga nalalaglag na dahon ng sampalok. Siguro sapat ng exercise kapag natapos kong walisan ang palibot ng bahay... Nakadating na rin si Manang Gaying at nagluluto na ng pananghalian. Pero may mga gulay at karne na di pa nya ipinapasok sa ref. "Manang Gaying ipapasok ko na po ba ito sa refrigerator?" tanong ko sa kanya. Baka nalimutan lang kasi. "Hindi, magluluto kasi ako mamaya ng piniyahang manok at pansit. Nagpapaluto si Andrei. After ng swimming dito daw nila itutuloy ang bonding nila." paliwanag ni Manang Gaying. "Sige po, tulungan ko na lamg po kayo sa paggagayat ng mga gulay." presinta ko sa kanya.. "Sige kung wala kang gagawin. Pwede mo ng hiwain yung mga gulay para sa pansit." pakisuyo nya sa akin.. Agad akong tumalima sa sinabi ni Manang Gaying. Hinugasan ko muna ang mga gulay bago ko sinimulan na gayatin. Halos sabay kaming natapos. Si Manang Gaying natapos sa pagluluto ng pananghalian namin at ako natapos ng gayatin ang mga gulay para sa pansit. Kumain kaming tatlo ng lunch. At pagkatapos ako uli naghugas ng pinggan. Syempre kasama na mga pinag lutuan. Ipinasya ko na wag mag stay sa room baka antukin ako. Maging kain tulog na lang talaga. Kaya ginawa ko tumulong uli ako kay Manang Gaying. Gusto ko mapanood kung paano nya napapalasa ang pineapple sa manok. Parang may tao sa labas. May tumatawag yata at ako ang tinatawag. Lumabas ako ng kusina at sinilip kung sino ang tao sa may gate. Mag aalas kwatro na ng hapon. Si Hogan ang tumatawag sa may gate. "Good afternoon Alexis! Naistorbo ba kita?" medyo nahihiya nyang sabi. "Good afternoon din. Hindi naman. Naligaw ka?" sabi ko sa kanya. "Hindi ako naligaw. Sinadya talaga kita. Ah para pala syo." abot nya sa isang bouquet ng mga bulaklak ng mabuksan ko ang gate. "Para sa akin? Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Aakyat sana ako ng ligaw." medyo nahiya na naman sya at kumamot pa sa batok. Di ko alam ang magiging sagot ko. Narinig ko na lang si Lola na nagsalita mula sa likuran ko. "Alex papasukin mo si Hogan sa loob ng bahay " sabi ni Lola na di ko alam paanong nasa likuran ko na. Siguro dahil nawindang ako sa sinabi ni Hogan. Ng makabawi ako sa pagkabigla niyaya ko na ito sa loob. "Pasok ka Hogan." yaya ko na sa kanya.. "Tamang tama luto na ang pansit, mag meryenda muna kayo. Ipapahanda ko lang kay Gaying." wika ni Lola Maagap ko naman na sinabihan si Lola na ako na ang kukuha. Kailangan kong huminga. Nabigla ako, bago sa akin ang pakiramdam na ito. "La ako na lang po ang kukuha, may lulutuin pang iba si Manang Gaying." paalam ko kay Lola. At totoo naman na may lulutuin pa to. Kanin at yung piniyahan. Kanina kasi sinasangkutsa pa lang ito Nag inhale exhale ako pagpasok ko ng kusina. Nagtataka siguro si Manang Gaying sa reaction ko. "Manang maglalabas po ako ng pansit at juice. Nandyan po si Hogan." yon lang nasabi ko. Alangan naman sabihin ko papakainin ko po yung manliligaw ko. Nahihiya ako o naaasiwa kasi first time ito. Si Lola nag entertain kay Hogan habang ako ay kumuha ng pagkain. Bitbit ko na ang pansit at juice. Inalok na ni Lola si Hogan na kumain na. Kumain kami na di nag-uusap. Parehas yata kaming nagpapakiramdaman. Minsan nagtatama ang aming paningin. "Salamat po sa pansit ang sarap. Sakto talaga pag pumupunta po ako dito laging may pagkain. Baka mawili po ako." sabi nya na nakatingin kay Lola. Feeling close agad kay Lola ang mokong na ito. Kung sya ay panatag na ako di pa rin. Di ko alam ang nangyayari sa katawan ko. Daig ko pa kinakabahan kapag may recitation sa klase. Patuloy pa rin syang nakikipag-usap kay Lola. Tama ba ang narinig ko? Sinabi nya kay Lola kung bakit sya nandito. "Lola ako po ay manliligaw kay Alexis. Sana po ay mapatuloy nyo pa rin po ako dito." paalam nya kay Lola Di na ako nabigla sa sagot ni Lola sa kanya. "Wala akong tutol kung yan ang gusto mong gawin. Tama yang ginagawa mo, dito ka sa bahay umakyat ng ligaw at nagsabi ka pa sa akin." turan ni Lola. Nakangiti pa ang mokong at tumingin pa sa akin na parang sinasabi. Ayan Lola mo na nagsabi na pwede ako umakyat ng ligaw syo. Maya maya nagpaalam si Lola na may aayusin daw sya muna sa loob. Anytime baka dumating na daw ang grupo ni Tito Naku ano kayang sasabihin nila kapag nakita nila si Hogan dito at may bulaklak pa sa lamesa. Halatang sya may dala nito dahil ngayon lang to nangyari. Makalipas ang thirty minutes may sasakyan na tumigil sa labas. Rinig pa ang boses ni tito na niyayaya nya ang driver ng jeep. "Pre baba ka muna at ng makapag meryenda ka muna." yaya nya rito. May pupuntahan pa yata yung driver kaya di na ito bumaba. Tahimik lang kami ni Hogan ng pumasok sila Tito. Medyo nagulat sila dahil may bisita kami . Kahit si Hubert ay parang nabigla. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin ni Hogan at pati na rin sa bulaklak na nasa mesa ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD