9

989 Words
9 "Alex dalian mo! Mahirap tanghaliin tayo sa daan." pagmamadali ni Tito. "Okay Tito, heto na palabas na po." sagot ko dito. Mag out of town daw kami. Punta kami ng Pangasinan para makapaligo sa dagat. Dahil summer, in ngayon ang pagdadagat. Nasa labas na pala sila lola, kami ni Tito na lang nandito. Si tito ang maglolock at mag double check kung sarado na ang lahat. Nasa sasakyan na sila lola at Manang Gaying. Dahil pick-up ang dalang sasakyan kaming tatlo nila Lola sa likod dahil sa harap si Tito at kasama ang kaibigan nya si Hubert. Palitan daw silang magdadrive nito. Mukhang puyat pa si Hubert, anong oras kaya sila natapos kagabi. Maagap pa lang ng mahiga ako mga Nine o'clock pa lang non. Huling tanda ko ay kumanta pa ito. At yon ang hinahum nyang kanta ngayon. Di na ako nakatiis at binati ko ito. "Ang galing mo palang kumanta! Narinig kita kagabi." sabi ko dito Kung kaya napalingon ito sa pwesto ko. "Gising ka pa ba non?" tanong nya. "Oo pero patulog na ako. Tinapos ko lang yung kanta mo." sabi ko sa kanya. Bakit di ako naiilang na sabihin sa kanya ang mga bagay na yon. Ako pa ang naunang magbukas ng topic sa kanya. Balewala lang naman sa mga kasama namin. Tahimik lang sila Lola at Manang Gaying Nag stop over muna kami para makagamit ng rest room. Sabi ni tito malapit na daw mga 60 kilometers na lang daw nandon na kami .. Di nga nagtagal nakarating kami sa beach na aming sadya. Overnight daw ang pina reserved nila Tito. Nagpahinga muna si Lola sa silid namin. Magkakasama kaming tatlo sa room at sa kabila naman sila Tito at Hubert. May maliit na kusina, inayos namin ni Manang Gaying ang mga dala naming pagkain pati na rin ang mga sariwang gulay at isda. May nadaanan kaming talipapa kanina kung kaya't binili na ang mga gagamitin namin. May tasty at palaman kung gusto ng snacks. Kaya minabuti ko na maghanda ng aming mamemeryenda muna. Maganda tong lugar na pinuntahan namin. Napakalawak, may kakahuyan kung gugustuhin pwedeng mag camping. May dagat, may pool at merong mga amenities na pwede sa mga gustong mag team building. Wala naman akong plano na magdagat siguro kapag nagpasama na lang si Lola. Ako mas gusto ko yatang ikutin ang kakahuyan. Sa tingin pa lang pakiramdam ko mapresko. Pagkatapos mag meryenda nagtungo din ako sa room. Inaantok pa ako dahil maagap kami gumising. Paglabas ko hapon na, wala sila Lola sabi ni Tito nag-iikot daw kasama si Manang Gaying. "Tito sundan ko po sila baka nagpunta sa kakahuyan." paalam ko dito . "Di ako sigurado kung doon sila nagpunta, pero kapag wala dyan sa bungad pa lang bumalik ka kaagad." Tumango na lamg ako kay tito, bilang pag sang-ayon. Pumasok ako sa kakahuyan. Halos pare pareho ang laki ng puno. Mas lalo akong namangha sa ganda ng kakahuyan. Napasarap ako sa kakalakad. Hindi ko nadala ang phone ko kaya wala akong pangkuha ng picture. Kumakalat na ang dilim. Di ko nakita si Lola at Manang Gaying. Nag desisyon na akong bumalik pero di ko na matandaan paano ang pagbalik. Wala akong telepono para maipang tawag kung sakali. Madilim na walang ilaw dito. Tanging liwanag ng buwan na kahit papaano ay nakakapasok sa mga sanga ng puno. Liwanag ng buwan lang ang tanging tanglaw . Natatakot na ako, sumubok na rin akong sumigaw at tinatawag ko sila Lola at Tito. Naiiyak na ako, bakit ba ako pumasok pa sa kaloob looban nito, ngayon di ko alam kung paano lumabas. Lola, Tito, Manang Gaying, Hubert tulungan nyo ako. Mommy ituro mo po sa akin ang daan. Natatakot na po ako. Napagod na ako sa kakalakad, minsan napapatakbo ako kapag may naririnig akong mga kaluskos. Mahirap na baka may mga ahas dito at mga ligaw na hayop. Lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko. Iyak na ako ng iyak. Yakap yakap ko ang aking sarili. Nasa isang paanan ng isang malaking puno ako naupo. Mommy, Daddy tulungan nyo po ako please. Kahit wala na si Mommy at malayo si Daddy sila na naiisip ko. Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita pa nila ako. Hilam na hilam na ang mata ko sa luha. Bigla akong napa-angat ang aking ulo. May kumakaluskos kaya tumahimik ako. Papalapit ang kaluskos. Anong gagawin ko kapag ligaw na hayop yon? Tumayo ako ng walang ingay. Habang lumalayo ako don sa kaluskos bigla akong nabangga. Nagulat pa ako ng biglang tinakpan nito ang aking bibig. Di ako makasigaw, mas lalong hinigpitan nito ang pagkakatakip sa aking bibig. May dumamping hangin sa aking tainga. Wag kang maingay, ako to si Hubert. Ligtas ka na. May wild animals akong nakita kanina. Tumango lang ako at unti unti nyang tinanggal ang palad nya sa bibig ko. Dahil sa sobrang takot ko at nakaramdam ako ng kapanatagan bigla akong napayakap kay Hubert. Salamat at dumating ka. Akala ko ito na ang katapusan ko. Relax lang, huminahon ka na. Safe ka na. Di ko hahayaang may mangyari sa'yo Alex. Di ko makakaya na mawala ka. Mahal kita Alex . Napatingin ako sa kanya, tiningnan ko sya sa mata. Tama ba ang narinig ko? Hubert ano ang sinabi mo? Mahal mo ako? Oo Alex mahal na mahal kita. Gulat na gulat ako, pero bakit ano itong nararamdaman ko. Unti unti bumababa ang mukha ni Hubert papalapit sa mukha ko. Hahalikan nya ako. "Alex, Alex , hoy Alex gising!!!" sabay yugyog sa balikat ko . Alex gising, hoy binabangungot ka. Isang tampal sa pisngi ang ibinigay sa akin . Si Tito ginigising ako. Binabangungot daw ako. Mabuti pinapuntahan ako ni Lola sa kanya. Nang walang nagbubukas ng pinto nagpasya na syang pumasok. At yon naabutan nya, umiiyak ako at sumisigaw. Isang bangungot o panaginip ba iyon tunay na matatawag . Sabi ko na lang kay Tito na susunod na ako. Muntik na ang unang halik...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD