4
DUMATING nga si Christine sa oras na nabanggit nya kahapon. Exactly 1:00 o'clock in the afternoon nandito na sya sa bahay ni Lola.
Niready ko na rin kanina ang mga ingredients na gagamitin namin.
Ingredients ng pang carbonara ang binili namin ni Manang Gaying. Bumili din kami ng food color para sa maja.
"Ay bakit blooming ang bestie ko?" bati nya sa akin.
"Ano daw?" natatawa kong sagot sa kanya.
Pang ilan na syang nagsabi nito kasi. Siguro baka nagkalaman na ang pisngi ko. Nadagdagan na rin kasi timbang ko. O kaya dahil dalaga ba talaga akong matatawag.
Niyaya ko muna syang maupo. Kinumusta ko ang naging lakad ng Mommy nya kahapon para sa gown na susuotin nya. Next week na daw kasi gaganapin ang Sagala sa bayan.
Malaking event yon tuwing month of May di lang sa amin kundi sa buong Pilipinas.
Madalas kaming manood non. Sabi nga ni Lola noong bata pa ako nakasali ako bilang isang angel.
Matagal na yon kaya siguro limot ko na rin, di ko na matandaan.
Nagpunta na kami sa kusina upang masimulan ang cooking session naming magkaibigan.
Inuna naming lutuin ang maja dahil mas masarap itong kainin kapag malamig na.
Habang nagluluto kami ay patuloy ang kwentuhan namin
Ewan bakit nabanggit na naman si Hogan.
"Balita ng mga classmates natin ay may bago daw popormahan si Hogan. Tinatanong ng grupo kung sino ayaw naman pa magsabi." Balita nya sa akin
"Wala naman syang nabanggit sa akin sa dalawang beses naming pagkikita." sagot ko naman sa kanya habang patuloy kong hinahalo ang maja. Hindi kasi pwedeng tumigil dahil masusunog ang ilalim kaya need ng continuous mixing.
"Nakikibasa lang ako ayaw ko naman makisali sa pangungulit. Personal na buhay nya yon kaya bahala na sya." dagdag pa nya
"Oo naman, karapatan nya yon as long no one will get hurt sa gagawin nya." pag sang-ayon ko sa kanya
Malapit ng maluto ang maja. Si Christine naman ay pinakuluan na ang pasta Kapag naluto na ito saka naman gagawin ang carbonara sauce
Nakakatakam kahit kami ang nagluto. Kung ang iba parang nauumay dahil sila ang nagluto kaming dalawa talagang ina appreciate namin ang sariling gawa namin
Nailagay ko na ang maja sa mga microwavable containers upang palamigin at kapag malamig na saka namin ilalagay sa ref. Para mamaya malamig lamig na kapag iseserve na ito.
Ito na meryenda naming lahat.
"Alex, pinapasabi pala ni Tito mo ipaglaan mo daw sya ng meryenda na lulutuin nyo ni Christine.Dadanan daw nya mamaya.' banggit ni Manang Gaying.
"Okay po. Ipaglalaan ko po ai Tito once na maluto po ang carbonara. Sauce na lang po ang hinihintay." sagot ko kay Manang Gaying.
"Salamat Alex." wika nya at saka lumabas ng kusina.
"Bestie kumusta pala si? di na nya natuloy dahil tinakpan ko ang bibig nya.
Alam ko na kung saan papunta ang tanong nya. Bago pa nya maibulalas tinakpan ko na. Sikreto namin yon eh kaya di dapat pag-usapan dito, baka mamaya biglang sumulpot sila Lola eh mabuking pa kami.
"Ay sorry, wala namang tao. Grabe ang paghawak sa akin." nakangiti naman nyang sabi. Pero may kasama pang arte na akala mo nasaktan sya
"Hindi dito dapat pinag-uusapan yon, mamaya na lang sa kwarto. Baka bigla silang pumasok eh mabuking pa ako." sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko alam, medyo takot akong pag-usapan yon. Baka nag ooverthink lang ako na pagagalitan ako
Nakatapos na kaming magluto at naipaglaan ko na rin ng food si Tito. Syempre di lang pang isang tao yon dahil may kasama rin sya sa shop nila.
Basta binasta ko na para pagdating nya kukunin na lang nya, pwede ding ipaabot na lang para di na sya bumaba ng sasakyan.
At yon nga sinabi nga ni Tito na iabot na lang pag daan ng sasakyan. Si Hubert daw ang dadaan dahil nasa malapit lang pinuntahan nito dito sa bahay. Sya din may dala nung sasakyan kaya sya na lang ang dadaan dito sa amin.
Pagkaluto namin, nagpaalam si Manang Gaying at si Lola na magpapahinga daw muna sila. Siyesta time naman kasi kaya mga nagpahinga ito.
Dahil kami lang ni Christine ang nasa sala, hinintay na rin namin ang pagdaan ni Hubert.
May sasakyan kaming narinig na tumigil sa labas ng bahay, kaya agad akong lumabas bitbit na ang pinalaan ni Tito.
Pero di si Hubert ang dumating kundi ang pinsan nito na si Hogan.
"Good afternoon Alexis!" bati nito sa akin na nakababa na ng sasakyan nya.
"Good afternoon din Hogan! Napadaan ka?" tanong ko dito.
"Sumadya talaga ako dito. Di ba sabi ko wag kang magsasawa sa pagmumukha ko?" parang pinaalala nya ang mga sinabi nya noong nakaraang gabi.
Ah kaya pala kasi babalik sya dito. Nasa labas pa rin kami at magka-usap ng dumating na ang inakala ko kanina.
Ng sumilip ito para syang nagulat ng makita si Hogan. Alam mo yung ngingiti pero biglang di natuloy. Nakahang at sa huli isang napaka tipid na lang na ngiti
"Oh Hogan anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa kanyang pinsan.
"Dinadalaw si Alexis, nagsabi naman ako sa kanya kagabi." sagot naman ni Hogan.
"Kagabi? Bakit galing ka dito?" tanong na naman ni Hubert. Daig pa nito yata ang investigator ang daming tanong
Ako na ang sumagot. Oo Hubert galing sya dito kagabi. Nagkita kasi kami sa supermarket at inihatid nya kami dito ni Manang Gaying.
Inimbitahan na rin sya ni Lola na dito na maghapunan.
Ito na pala ang pinalaan ni Tito. Baka naiinip na yon. Di ko naman sya itinataboy pero way na rin para matigil ang pagtatanong nya.
Parang nagulat naman ito ng iabot ko sa kanya ang paper bag
"Ah okay, ito ba yung niluto nyong meryenda? Nasabi lang ni Andrei na magluluto daw kayo kaya ibinilin nya na daanan ko." sabi nito sa akin. Nawala na ang attention nya kay Hogan at sa akin na nakatingin
"Oo kami nga ng bestie ko ang nagluto. Sya sige baka magpawis na yan kanina mainit init pa ng inilaan ko ang pasta " pagtataboy ko na rin sa kanya
"Sige salamat." at ngumiti sya. Parang may iba sa mga ngiti nya parang kumikislap ang mga mata. Baka nasisinagan lang ng araw
"Ikaw Hogan umuwi na ka rin." baling naman nya sa pinsan nya. Mas matanda si Hubert sa edad at sa dugo kaya ganoon sya magsalita sa pinsan nya .
"Kuya kararating ko lang papaalisin mo na agad ako. Saka di naman ikaw ang pinuntahan ko dito si Alexis. Ikaw ang lumakad na at baka abutin ng sira yang pagkain." di mo maintindihan ang reactions ng Mokong na ito. Kakamot kamot ng ulo na pangiti ngiti.
Isang matalim na tingin ang ginawa ni Hubert, Siguro naiinis sa pinsan nya.
Tumingin sa akin si Hubert. Nagpaalam at nagpasalamat sa meryenda. For sure, share sila don ni Tito.
Isang tipid na ngiti at pagtango ang isinagot ko
Ng makalayo na si Hubert, niyaya ko na si Hogan na pumasok sa loob. Kabastusan naman kung sa labas lang kami mag-uusap at nandoon sa loob ang best friend ko. Baka naiinip na yon .
Ano ba yan Alexis? Sabi ng isipan ko sa sarili ko
Dahil magkakaklase kami noong High School di ko na kailangan pang ipakilala si Christine at Hogan sa isa't isa
Masaya naman kaming tatlo na nag-uusap usap. Mas madalas pa nga nakikinig lang ako sa dalawa.
Dahil marami sa kabarkada ni Hogan ang nag-aaral din sa Univery na pinapasukan ni Christine yon siguro dahilan at mukhang updated ito
Sabay kaming natawa ni Christine ng sabihin ni Hogan na kaya sya nagpunta dito ay alam nyang may masarap na meryenda.
Nabanggit ko daw kahapon yon kaya kanina wala naman syang pupuntahan ay naalala nya na magluluto kami.
"Ang galing mo na talagang magluto Alexis." sabi nito
"Dalawa kaming nagluto ni bestie. Di lang ako." pagtatama ko sa kanya.
"Pasta lang ang sa akin, ikaw ang gumawa nga sauce. Kung di dahil sa sauce di yan sasarap " sagot naman ng kaibigan ko.
"Basta dalawa tayong nagluto kaya tayong dalawa ang kukuna ng credit. Sabi din nila Lola masarap ang maja na ikaw ang nagtinpla naman. Kaya bestie tayong dalawa yon." nakangiti kong saad dito
Madami pa kaming napag-usapan. Nag picture picture pa kami. Isesend daw ni Hogan sa GC ng section namin noong High School.
Nasa bahay pa sila ang daming nag react sa photos naming tatlo.
Nabasa namin ang mga comments. May nagsabi pa nga na nandito pala sila bakit di tayo magset ng lakad.. Mag swimming tayo o kaya night out. Suggestions ng iba naming kaklase
May GC kami pero bihira lang ako mag comment. Kapag talagang may tanong na naka mention ako. Saka lang ako sasagot. Mas madalas nagbabasa lang ako.
Sumang ayon naman ang iba. Sumagot na lang si Christine na sige iset natin. Gagawa tayo ng poll para sa botohan at kung ano madaming boto yon ang gagawin namin. By the way, bestie ko pala ang president sa section namin noong High School.
Okay lang sa akin, wala naman din akong pagkaka abalahan dahil nandito nga ako para makapag bakasyon engrande. Saka papayagan na rin nila ako nasa hustong gulang na ako.
Nagpasya ng umuwi si Christine at dahil di pa rin umuuwi si Hogan pinakiusapan ko syang ihatid na ang bff ko sa bahay nito. Madadaanan naman ang bahay nila Christine bago pa makarating si Hogan sa bahay nila kaya di hassle yon.
"Hogan ikaw na bahala sa best friend ko. Ingatan mo yan ha." bilin ko dito.
"Masusunod po. Your wish is my command." pagbibiro pa nito
"Salamat bestie sa pabalot para kay Mommy. Magkikita pa tayo. Iaayos lang natin ang schedule para naman magkasama sama tayong buong section kung kakayanin." sabi nito sa akin. Habang binebeso beso ako
"Okay sige. Ingat kayong dalawa sa pag-uwi. Pakisabi kay Tita salamat at pinayagan ka nyang pumunta ka dito." nakangiti kong wika sa kanya.
"Ikaw pa ba? Kapag pangalan mo sinabi ko walang dalawang isip yon. Okay agad yon." pahabol pa nyang sagot
Tuluyan ng naka alis ang sasakyan ni Hogan. Ako pumasok na sa loob.
Nakita ko si Lola nagsabi na rin ako na di na ako magdidinner. Busog pa ako ang dami kong nakain kanina. Kaya heto inaantok na ako siguro sa pagod.