5

1320 Words
5 ILANG araw na ang nakalipas mula ng bumisita dito ang bestfriend ko. Noong isang gabi napagkasunduan na magkikita-kita kami sa isang Bar na kakabukas pa lang. Kamag-anakan ng isa sa mga kaklase namin ang may-ari ng bar. Nagpaalam na ako kanila Lola pero sinabihan nila ako na kay Daddy mag-paalam. Kagabi ay magka-usap kami ni Dad. Pinayagan naman nya ako. Sabi pa nya baka pwede daw ako samahan ni Tito Andrei, pero nagsabi naman ako na Malaki na kami at susunduin at ihahatid naman kami ng mga kaklase namin na may sasakyan. Sabi ni Christine dadaanan daw nila ako dito mamayang gabi. Seven o’clock nila ako pupuntahan dito. Maaga pa, Three o’clock pa lang ng hapon. Di lang malinaw kung sino ang kasama nya na may sasakyan. Nagpasya muna akong maidlip para fresh tayo mamaya. Di naman ako ganoon ka excited pero sa kagustuhan ko rin na makita sila mabilis akong napapayag nila Christine. Nagising ako ng 5’oclock. Tutulong muna ako sa kusina. Naka ready na naman ang susuotin ko para mamaya. Nasanay na ako na pag may lakad nireready ko agad ang susuotin ko. Pagpunta ko ng kusina okay na daw sabi ni Manang Gaying. Maagap pala sya nagluto para makakain daw muna ako bago lumakad sa pupuntahan. Pagkatapos naming maghapunan, nagpasya na akong magbihis. Simple lang naman ang pinili kong isuot. Jeans at shirt na tinernuhan ko ng sneakers. Ilang sandali pa ay may tumigil ng sasakyan sa may labas ng bakuran. Tumatawag na si Christine kaya agad nagpaalam na ako kay Lola. Sinabi ko naman kung saan lugar ang bar na pupuntahan namin. Kay Hogan na sasakyan ang gamit. Lima lang kaming sakay kasama na si Hogan Malapit lang ang bar, in thirty minutes narating na namin ito. Maganda ang lugar. May band na tumutugtog at tama lang ang sounds para magka rinigan pa rin ang mga tao sa loob ng establishment na ito. Isang mahabang lamesa ang pina reserve ng mga kaklase namin Naupo na kami at pumili na ng mga kakainin. Ambagan naman kami tulad ng napag-usapan sa GC Nag set sila ng out of town na swimming para maiba naman daw. Di naman agad ako sumagot kasi need ko pang magpaalam. Di naiwasan na umorder ng alak tong mga kaklase naming mga lalaki. Maya maya may inginunguso si Christine sa akin. Sa may likuran namin. Sinundan ko ang itinuro nya. Sila Tito Andrei at Hubert. May kasama din silang dalawang babae. Double date ba yon? Magaganda ang kasama nila. Mukhang bata ng dalawang taon sa kanila ang kasa-kasama nila Napansin ko may alak sila, pero yung mga babae ang umiinom. Tama ba ang nakikita ko? Pwede pala mag request ng kanta. Maaga pa naman 9 o'clock pa lang ng gabi. Nagulat kami ng may binasa ang vocalist ng Banda. "This song is dedicated to you Alexis. Pwede ba malaman kung nandito si Alexis." sabi ng vocalist na babae. Naghiyawan naman itong mga kagrupo ko. Nakatingin sa akin si Hogan pero di ko mabasa ang nasa isip. Natural Alexis di ka naman superhero. Di ako tumayo dahil nahihiya ako kaya itinuro na lang ako ng mga kaklase ko. "This song is for you. Mukhang patay na patay syo ang nag request ng song." At magsimula na ngang tumugtog ang Banda ??????????hmmm. Is this love Umpisa ng vocalist, grabe na ang hiyawan at kantyawan ng mga katabi ko. Sila yata kinikilig. Feeling restless inside Wanting you to always be my side I don't even want you out of my sight You are in my thoughts all day and night I can get you out of my mind I think I'm in love Umaatikabong kantyawan pa rin. Pero aaminin ko nakakakilig nga. I think I'm in love Think I'm in love with you Every single day Every single night Every single moment of my life I want to spend them all with you I think I'm in love I think I'm in love I think I'm in love with you Tell me that you care Tell me...please Tell me that you also feel The way that I do... Hindi ko na marinig ang kanta sa lakas ng hiyawan ng mga katabi ko hanggang sa natapos na itong kantahin. Iniisip ko sino nag request dahil wala namang pangalan na sinabi. "Best rest room tayo." yaya ni Christine. Actually kanina ko pa gustong mag pee kaya lang di pa tapos ang kanta. Alam kong nandon yung nag request non kaya bilang respeto kahit di ko alam kung sino hinintay ko rin matapos ang kanta. "Tara kanina ko pa nga gustong pumunta ng rest room. Mabuti nagyaya ka." sagot ko sa kanya Madadaan namin ang table nila Tito papuntang rest room. Kung kaya't dumaan na kami at binati sila. Habang papalapit kami nakita ko si Hubert na umayos ng pagkakaupo lumalapit na kasi yung babaeng katabi nya. "Hi Tito! Ang liit talaga ng bayan natin, dito rin kayo nagpunta. Sabagay maganda ang place." bati ko kay Tito "Oo nga, dito kasi nagyaya si Hubert. Nakita din namin sila. Sya nga pala Irene, Claire sya si Alexis ang pamangkin ko. At si Christine best friend nya " pakilala ni Tito. "Nice to meet you po." sabi ko. "Ay grabe naman maka po, erase the word po. Nakakatanda." sabi nung Claire na katabi ni Hubert. "Ah okay, pasensya na nasanay lang. Sige punta muna kami ng rest room." paalam ko sa kanila. Tumuloy na kami sa rest room. Maya maya may sinasabi tong katabi ko. Baka nililigawan nong dalawa yung mga chikababes ah. Sabi ni Christine. "Tingin ko hindi naman di ba si Tito na nagsabi nakita lang nila. Gentlemen lang mga yon." wika ko dito. "Teka maiba ako sino naman yung nagdedicate syo ng kanta? Mukhang inlove na inlove ah " may himig panunukso nitong turan. "Di ko nga alam. Wala akong ideya. Wala naman nanliligaw sa akin." tugon ko sa kanya. "Di kaya si Hogan? Baka ikaw yung tinutukoy nya na popormahan daw nya." patanong na wika nya. " Hmmm di ko alam. Mahirap mag assume baka mapahiya pa ako " kibit balikat na sagot ko sa kanya. Di nakapunta si Becca ang classmate namin na ex ni Hogan. May biglaang lakad kasi ang family nya. Nangako naman sya na babawi sa next na lakad. Inischedule nila ang outing pagkatapos ng Flores de Mayo. Karamihan sa kanila kasali kasi Ng pabalik na kami sa table, tinawag ako ni Tito. Sabi nya sa akin sa kanila na daw ako sumabay. Naka inom na daw kasi sila Hogan. Di daw sya mapapanatag kung di ako sasabay sa kanya pag-uwi. Sumagot naman ako ng okay. Tama naman yon kasi sa isang bahay lang kami uuwi at para di na rin mag alala si lola sa pag uwi ko. Mag eeleven na ng gabi kaya nagkaayayaan ng magsi uwi ang grupo . Nagsabi na rin ako kay Hogan na kay Tito na ako sasabay di na rin sya nagpumilit kasi alam naman nyang safe ako kay Tito. Si Hubert may dala ring sasakyan at don sumakay sila Claire at Irene. Sa harap umupo si Claire katabi ng sa driver. Di ko namalayan nakatitig ako sa harap ng sasakyan nya. Napukaw lang ang attention ko ng tinawag ako ni Hubert at nagpaalam. Nag wave lang ako sa kanya. Pinagbuksan na rin ako ni Tito ng pinto. Hinanap pa nya susi nya. Ng di makapa sa bulsa hinalungkat ang body bag. Nasa isang bulsa lang pala ng bag. Hinintay pa kami ni Hubert na makapasok at mabuksan ni Tito ang makina ng sasakyan at saka sumemyas na aalis na. Tulad ng nakita ko kanina di naman nag-inom ang dalawa si tito at Hubert. Yung dalawang babae lang ang naka inom. Mabuti na lang dalawa sila. Mahirap kung isa lang ang sakay ni Hubert. Teka ano ba iniisp ko. Ano naman kung sila lang ni Claire ang sakay. Aba Alexis ano ba yang mga iniisip mo....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD