ALENA:
"Kuya ano
to?" Naginginig ang boses ko at paos dahil sa pag hikbi. Amoy parin ang tapang ng alak dito. Napalitan ang pag ngisi nito. Kunot ang noo at masama akong tinitigan.
"Tsk pakipot ka pa. I know you love it when I kiss you. What more if I thrust deep inside you." Natakot ako sa sinabi nito.
Dala ba ito ng matinding tama ng alak? Nakakatakot siya. "Kuya alam kong galit ka sa'kin. Pero sana wag mo naman gawin sa'kin to." Naiiyak na sabi ko. Hindi naman siya nagsalita at tinalikuran na ako. Naglakad ito hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
Napayuko ako at ibinuhos ang iyak. Ano bang nangyayare sa Kuya Fabio? Wala naman ang Kuya Matias dahil kasama nito si Ate Monica at sa Manila na nag aral. Takot na takot ako nang mga oras na 'yon. Pakiramdam ko'y hindi ako kabilang sa pamilyang to.
Bakit? Bakit nagawa sa'kin ng Kuya Fabio 'yon? Paulit ulit nalang na tanong ko sa sarili. Dala ba ito ng alak? Dala ba ito ng kultura sa Amerika? Pinahid ko ang mga luha at tumayo. Yakap yakap ko parin ang sarili para takpan ang mga dibdib. He ripped off my clothes. Kulang nalang ay gahasain niya ako. Ayoko siyang kamuhian pero hindi ko maiwasan dahil sa ginawa niya.
Kaagad akong tumungo sa silid at ini-lock ang pinto. Patakbo ako sa'king kama tsaka dumapa. Humagulgol ako ng iyak. Inilalabas ang lahat ng sakit. Masama ang loob ko at hindi ko alam 'kung papaano pa siya haharapin.
Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag iyak. Nagising ako sa init ng araw na dumadampi saking balat. Hindi ko agad naidilat ang aking mga mata dahil sa hapdi nito dala ng magdamag na pag luha.
Nadinig ko naman ang katok mula sa labas. Tanda na bumalik na ang ilan sa mga kasambahay. Nilingon ko ang dulo ng pintuan na pinagmumulan ng pagkatok.
"Senyorita nakahanda na po ang umagahan." Sinipat agad ng mga mata ko ang orasan. Hindi maaari, mahuhuli na ako sa klase.
Mabilis akong pumunta sa banyo at naligo. Nag bihis ng uniporme kahit na basa pa ang buhok. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Namamaga ng kaunti ang mga mata ko. Kinuha ko naman ang lip balm at nag lagay ng kaunti. Tuyo kasi ang mga labi ko at may konting pamamalat.
Isang malalim na pag hinga pa ang ginawa ko hanggang sa bumalik ang isa sa mga kasambahay. Kumatok ulit ito para tawagin ako kaya pinag buksan ko na.
Laking gulat ko nang hindi pala ito isa sa mga kasambahay. Nanginig ang mga tuhod ko sa talas ng kanyang mga titig. Suot ang business suit at taas taas ng kaunti ang buhok. Nakapamulsa habang nakalabas nang kaunti ang mamahaling relo.
"K-Kuya..." Hindi ako makapag salita ng tuwid. Nasa harapan ko ang kuya Fabio. Wala itong sali-salitang lumapit papasok sa loob. Kaagad akong napaatras dahil sa pagkagulat.
"About last night." Umpisa nito. Napalunok ako at nanginig ang mga kalamnan. Hindi parin mawala sa isipan ang naganap kagabi sa pagitan naming dalawa.
"I'm drunk. Forget about it." Seryoso ang kanyang boses at hindi ako tinapunan ng tingin. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay lumingin ito sa'kin at laking gulat ko ng sunggaban niya ang mukha ko ng isang malaki nitong kamay.
"Nasasaktan ako." Daing ko nang humigpit ang pagkakapisil nito sa panga ko. Hindi pa siya nakontento, isinandal niya ako ng marahas sa pader kaya't napasigaw ako.
"Shut your mouth. Hindi pa ako tapos sayo Alena. I will make you suffer for a lifetime." Napalunok ako. Ano bang problema sa'kin ng kuya?
"Kuya—"
Naputol ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.
"Don't call me Kuya! I don't want you to be my sister!" Napaatras ang dila ko. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko hanggang sa tuluyan nanamang tumulo ang mga luha ko.
"Tsk. Bakit ba kasi naging kapatid pa kita." At marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak. Napayuko naman ako at napatakip ng mukha habang umiiyak. Bakit ba ayaw niya sa'kin? Anong kasalanan ba ang nagawa ko para parusahan niya ng ganito?
Nadinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga at saka umalis sa harapan ko. Napasandal ako sa pader at mas lalong naiyak. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa'kin kapag nag sumbong ako sa mama at papa.
Ibang iba, malayong malayo ang ugali ng Kuya Fabio sa Kuya Matias. Sana nandito ang kuya Matias para may magtanggol sa'kin.
Ilang araw ang lumipas...
Nasa labas ako ng hacienda at abalang namimitas ng mga gulay.
Nang biglang may gumulat sa'kin.
"Kaloy? Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka ng kuya alam mo naman." Pag aalala ko. Nakangiti lang ito sa'kin na para bang hindi nakikinig at walang problema.
"Gusto ko lang sanang makapagpaalam sayo Alena. Aalis na kasi ako. Sasama ako sa tatay para makipagsapalaran sa Manila. Tsaka wala naman ang kuya mo eh sandali lang naman ito." Ani niya sa'kin.
Hindi naman ako kaagad na nakapag salita. Si Kaloy ang matalik kong kaibigan at nag iisang maaasahan. Paniguradong malulungkot ako kapag umalis siya.
"Kaloy pano ang pag aaral mo? Scholar ka pa naman. Mas matutulungan mo ang tatay mo kapag nagtapos ka." Ani ko.
"Wag ka mag alala para dun Alena. Mag aaral ako ulit kapag nakaipon ng maayos. Gusto ko lang rin kasing makatulong sa lola ko at sa tatay. Alam mo naman siguro ang buhay na mayroon kami hindi ba?" Nalungkot ako sa sinabi niya. Paano na lang 'kung makalimot si Kaloy at hindi na kami mag kita?
"Kaloy mamimiss kita. Sorry ha hindi kita napagtatanggol sa kuya. Sorry kasi wala akong kwentang best friend." Pumatak ang mga luha ko. Umiling iling naman ito at nakangiti. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko tsaka nagsalita.
"Ano ka ba naiintindihan ko. Alam kong mainit ang dugo sa'kin ng kuya mo at ayos lang 'yon. Ganon talaga ka alaga ang ibang mga nakatatandang kapatid. Lalo na at nag iisa ka nilang prinsesa." Napanguso ako. Mamimiss ko talaga ang kabaliwan ng isang to.
"Ay teka." Napatingin ako sakanya. May dinukot siya sa bulsa.
"Ano 'yon?" Tanong ko at inaantay siyang matapos sa ginagawa niya. Nagulat ako nang maglabas siya ng bracelet na gawa sa tela.
"Eto ginawa ko talaga yan para kahit na wala ako ay nasa tabi mo parin ako. Sana ingatan mo at sana pag kita natin nasayo parin yan." Napangiti naman ako at binulsa ito. Niyakap ko siya na siyang kinagulat niya. Maya maya'y naramdaman ko rin ang pagyakap nito sa'kin.
"Mamimiss kita wala ng amoy suka kong best friend." Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Mamimiss din kita. Wala na butete kong best friend." Napakunot noo ako. Hinagpas ko siya ng malakas sa balikat.
"Hoy anong butete? Noon 'yon noh nang mga bata pa tayo. Tsk dalaga na kaya ako." Natawa siya ng malakas at nahawa na rin ako dito.
"Alena!" Tumigil ang mundo ko nang marinig ang boses na 'yon. Napalingon agad ako sa likuran nang makita ang Kuya na nakatayo sa harapan ng sasakyan nito at masamang nakatingin kay Kaloy.
"Kuya nagpapaalam lang si Kaloy." Paliwanag ko.
"Hindi kita kinakausap!" Dinuro niya ako at naglakad papalapit kay Kaloy.
"I'm warning you now. Just leave." Mababa ngunit nakakatakot na sabi nito. Napahawak naman ako sa'king dibdib labis na kaba. Ayokong mag pang abot silang dalawa.
"Nag papaalam lang ako sa kapatid mo."
"I don't f*****g care!" Sigaw ni kuya at hinawakan ang magkabilang kwelyo ni Kaloy.
"Kuya stop please! Wala siyang ginagawang masama. Nagpaalam lang siya sa—" Naputol ang sasabihin ko ng mag mura ito ng malutong.
"Tinatarandado mo ba ako! Shut the f**k up!" Napaurong ang dila ko. Kulang nalang ay mapatay na niya si Kaloy sa sobrang sama ng tingin na pinupukol niya dito. Lumabas naman si Manang at ang ilan pang kasambahay. Ni isa sa kanila ay ayaw ng makialam at minabuting umalis at mag bulagbulagan.
"Kuya please let me explain."
"Get inside." Malalim ang boses nito. Si Kaloy ay nakikipaglabanan pa ng titigan sa kuya.
"Kaloy please no." Bulong ko. Hindi niya kilala ang Kuya Fabio. Minsan na itong may mapatay na tao nang makitang kasama ko noon sa school. Minsan na rin itong may malumpo sa sobrang galit.
"Get inside!" Sigaw ng kuya.
"Ano bang problema mo samin ni Alena?" Hindi na nakatiis si Kaloy at sinagot na ang kuya. Mas mabuti pang manahimik. Hindi niya kilala 'kung paano nga ba magalit ang isang Fabio Montague.
"No Kaloy." Bulong ko at pilit na hinihinto ito ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng kuya na nakakapit mismo sa kwelyohan nito at pabalang na tinanggal.
Napahawak naman ako sa'king bibig. Gulat na gulat dahil sa unang beses ay pinatulan siya ni Kaloy.
"Tsk tarantado ka!" Sigaw nang kuya tsaka sinuntok ng malakas si Kaloy sa mukha. Hindi naman nakalaban si Kaloy at nahiga sa lupa. Dumugo ang ilong at mas lalo akong natakot ng maglabas ng baril ang Kuya Fabio.
"Kuya tama na please mapapatay mo siya!"
"Tumabi ka diyan!" Sigaw nito sa'kin dahil humarang ako.
"No kuya tama na. Sobra kana!" Hindi ko napigilang masigawan ito.
"Wag mo akong gagalitin! Umalis ka diyan!" At marahas niya akong hinila. Masakit ang braso ko at napadaing dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
"Umalis kana at wag ka ng babalik. I swear I can kill you anytime I want." Sabi ng kuya. Masama ang titigan nilang dalawa hanggang sa tumayo na si Kaloy at umalis.
Umiiyak ako ng kaladkarin sa loob ng hacienda.
"I warned you but you didn't listen to me!" Sigaw nito. Itinulak ako sa sofa. Masama niya akong tinitigan at gigil na gigil sa galit.
"Kuya wala kaming ginagawang masama." Dispensa ko sa sarili.
"Shut up!" Sinutok suntok nito ang matigas na pader hanggang sa magdugo ang kamao.
"Don't you know what I'm capable of?" Napalunok ako. Hindi ko alam 'kung sasagot ako sa tanong nito.
"Don't you know what I'm capable of!" Sigaw nito sa'kin. Natatakot ako sakanya. Galit na galit siya nang mga oras na 'yon habang tumutulo na ang malapot na dugo sa sahig.
"No kuya." Umiiyak na sagot ko.
Ngumisi ito. May pinang huhugutan ito ng galit. Pero hindi ko alam 'kung ano 'yon. Hindi ko alam 'kung bakit palagi siyang galit sa'kin.
"I can kill." Tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang pananakot. Kayang kaya niyang patayin si Kaloy anumang oras niyang gustuhin.
"Do you understand?" Tanong nito muli sa'kin.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa takot. Para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa tindi ng galit niya.
"Do you understand!" Sigaw nito muli at napatango ako sa labis na takot.
Nanahimik na ito tsaka padabog na umalis ng hacienda. Saan siya pupunta? Sa tagal ng pamamalagi niya dito sa Pilipinas ay hindi niya ugaling matulog dito araw araw sa hacienda. Mabibilang lang sa mga daliri mo ang mga gabi na dito siya nagpalipas.
Ano ba talaga ang problema niya? Natatakot ako dahil kahit hindi siya madalas dito at hindi niya ako gustong makita ay nalalaman niya ang mga nangyayare. Lahat ng lalaking naglakas ng loob na maging parte ng buhay ko ay nakaranas sakanya ng pagpapahirap.
Hindi na ako makahinga sa tensiyon. Gusto kong ilabas ang sakit hanggang sa madinig ko ang ugong ng sasakyan na akala ko'y sasakyan ni Kuya Fabio.
Natigilan ako ng marinig ang masayang boses ng Kuya Matias.
"Alena? Princess I'm home." Kumabog ang puso ko sa labis na tuwa. Sawakas ay dumating na ang tagapag tanggol ko.
Tumayo ako at lumabas ng hacienda.
"Kuya Matias!" Hindi ko napigilang salubungin ito ng mahigpit na yakap at mapahagulgol sakanya.
"Hey what happened?" Gulat na gulat siya sa inasal ko. Dahil kapag umuuwi ito ay nag aasaran lang kaming dalawa pero iba ngayon. Iba ngayong gabi dahil ibinuhos ko dito ang sama ng loob ko.
"Kuya Matias." Iyak lang ako ng iyak. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko at pinatatahan ako.
"Shhh don't cry. Let's talk about it okay? Sinong gagong nagpaiyak sayo?"
Napakagat ako sa'king labi.