Chapter 3

1549 Words
“WHOA! Look at that!” Natutuwang itinuro ni Zander kay Caden ang dalawang babaeng nasa gitna ng dance floor na siyang umagaw ng atensyon ng lahat na nasa club. Dalawang babaeng nagsasayaw nang napakainit, napakaerotika at napakagandang tingnan sa mga mata. Dahil dito ay parang uminit ang kaniyang katawan at parang nababaliw ang kaniyang libido habang nanonood. Wala siyang kurap na nakatitig sa babaeng nakasuot ng mini-skirt at see-through long-sleeved blouse. Maganda ang porma ng mga hita nito at bawat kurba ng katawan. May hanggang balikat na buhok itong pinakulayan ng light brown. She swayed and rolled her hips and her body looked so graceful, dancing to the Latin song. With her every appealing movement of her limbs and rear, it drew his eyes to her every curve and edge. Fucking stunning! he thought. Ang kasama nito ay hindi rin masamang tingnan. Maitim at mahaba naman ang buhok at halos magkasing-tangkad ang mga ito. Mukhang nag-e-enjoy talaga ang dalawang ito habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. “Binabayaran mo ba ang mga ‘yan, Jasmine?” tanong niya sa pinsan na lumapit sa mesa nila ni Zander. Ininguso niya ang direksyon ng dalawang kumuha ng atensyon ng mga kalalakihan. Nakasuot ng maikling shorts at sleeveless blouse ang pinsan, litaw na litaw ang mestisang balat at napakagandang kutis. Napatingin din ito sa kanilang tinitingnan ni Zander. “No,” mabilis nitong tugon saka ngumisi pa itong nagkuros ng mga braso. “But isn’t it great? Nag-e-enjoy sila sa music sa club ko.” Mababanaag ang pagmamalaki sa magandang mukha nitong pinaganda lalo ng short pixie hair. May highlights itong blond at manipis lang ang gamit nitong makeup. Nakita naman nilang dumarami ang mga kalalakihang nais makipagsayaw sa dalawang babaeng nasa dance floor. Itinulak ng dalawa palayo ang mga ito nang pasimple at ang mga ito lang ang nagsasayaw na magkapares. Napailing pa siya nang nakangisi. He didn’t want to think it but it did occur to him that these women may be lesbians. But heck! That stunner who took his attention alone was stirring his manhood that no other woman had done before. “Ayaw mo bang subukang sumayaw, buds?” tanong ni Zander sa kaniya at lumingon. Mukhang hindi pa nito pinansin ang tingin ng pinsan niya rito. Napatawa pa siya nang malakas. “What? Ipapahiya mo ba ako riyan? Gustuhin ko man sana ngayon pero alam mo namang puro kaliwa ang paa ko,” ang tugon niya sa kaibigan. “Bakit hindi na lang tayo ang sumayaw, Zander?” panghahamon naman ni Jasmine na may matamis na ngiti. Napangisi si Zander kay Jasmine. Akala pa niya ay aayaw ang kaibigan sa pinsan niya pero tumayo ito at inilahad ang kamay sa magandang dalaga. Napaikot na lang siya ng mga mata nang lumingon sa kaniya ang pinsang nakangisi at kumindat sa kaniya. Napamasid na lang siya sa mga nagsasayaw sa dance floor. Ang mga mata niya ay hindi nakahiwalay sa babaeng naka-mini-skirt na napaka-hot sa dance floor. Hindi ito huminto sa pagsasayaw nang salsa music ang pumalit. Nakangiti itong nakipagsayaw pa rin sa kasama nito at umikot-ikot sabay indayog sa magandang balakang, pakaliwa at pakanan. Naghawakan ng kamay ang dalawa at saka umikot na naman. Hindi humiwalay ang paningin niya sa katawan ng babae na patuloy na nagbibigay-aliw sa mga mata niya. Para na ngang bigla na lang naglaho ang ibang mga tao sa dance floor at ito na lang ang nakikita niyang sumasayaw roon. Ang ganda pa ng ngiti nito nang nakakagat ng ibabang labi. Pinalantik nito ang mga kamay saka iniikot ang balakang habang umiikot ang katawan. Naroroong nagdi-dip ito at nagga-grind. It was definitely blowing his mind! Tumawag siya ng isang waitress. Sinabi niya ang kaniyang order at inginuso ang seksi at magandang babaeng naka-mini-skirt na nagsasayaw sa dance floor. Napangiti ang waitress at saka umalis na. Sinundan niya ng tingin ang babaeng tapos na sa pagsasayaw at bumalik na sa mesa nito kasama ang kasayaw. Ilang saglit lang ay ibinigay na ng waitress ang drinks na in-order niya para rito. *** “HELLO, ladies. That was quite a show. So… hot!” ang bungad ng isang lalaking may hawak na kopita sa isang kamay at ang isa naman ay nasa bulsa ng suot nitong gray slacks. Ang suot nitong white dress shirt ay nagpapakita sa magandang build ng katawan nito. Napatunghay si Nikki sa lalaking malakas ang dating. Sa totoo lang ay wala pa siyang nakikitang kasing-lakas ng dating nito para sa kaniya maliban dito. Medyo nalilito siya sa kaniyang nadarama. Tuloy ay napakapa siya sa sarili kung bakit, gayong sa babae naman siya nagkaroon ng relasyon dati. Napatitig ito sa kaniya. Kahit sa kumikislap na mga ilaw sa loob ng club ay malinaw na mestiso ito. Maikli ang buhok, clean-shaven, matangos ang ilong, medyo deep-set eyes na nangungusap sa kaniya ngayon, magandang mga labi at bahagyang pangahan. Awtokratiko at may confidence itong tingnan. Mukha rin namang disente itong tingnan pero hindi niya gusto ang pag-approach nito sa kaniya. “Sure and we thank you for the drinks,” sagot naman niya pero hindi nakangiti. Sinuklay ng kaniyang isang kamay ang hanggang balikat na buhok. Ininom niya ang bigay nitong Mojito nang isang tunggaan lang. Sinaid niya ito. Napuna niya ang bahagyang pagngisi ng kaniyang kaibigan sa lalaki. Eden even checked him out shamelessly. “Si Caden at ako si Zander,” singit naman ng isang lalaking tall, dark and handsome. Naglahad pa ito ng kamay. Tinanggap iyon kaagad ni Eden na ngumiti hanggang tainga. Siya naman ay walang choice at para huwag maging bastos ay nakipagkamay na rin siya rito. His hand was quite firm. “Ako si Eden at siya si Nikki,” ang sabi ng kaibigan niya. “Puwede ka bang maisayaw, Eden?” ang imbita ni Zander sa kaibigan niya. Lumuwag ang ngisi ni Eden na bumaling sa kaniya. Kahit pinandilatan niya ito ay sumama ito kay Zander at naiwan siyang mag-isang kasama si Caden. At hayun, nakipagsayaw na si Eden sa lalaki. Umupo si Caden sa tapat niya. Parang may amused smile pa itong nakatingin sa kaniya. At nasamyo niya ang pabango nitong nakakaengganyo. Parang magkahalong suede at citrus. “Bakit ganyan ka kung makatingin?” sita niya sa lalaki na bahagyang itinikwas ang kilay. “Hindi ka ba sanay na tinitingnan ng may crush sa ‘yo?” tapat na pakli nito. Napatawa pa siya dahil sa diretsahang salita nito. “Ganito ka ba kaprangka?” “I’m a businessman. Sinasabi ko kung ano ang gusto ko para maging malinaw at walang oras na masasayang. It’s both for me and the client.” “Ah, I see,” aniya. Kinuha niya ang drinks ng kaibigan at iyon ay ininom. Sinaid niya rin iyon. “I wasn’t asking what you do though,” dagdag niya na binigyan ito ng malamig na tingin. Kumibit lang ito sa sinabi niya. “Gusto mo bang sumama sa ‘kin? Iyong hindi masyadong matao. Alam mo na.” He gazed at her suggestively. His dark sexy eyes slowly raked her beautiful face. Napatawa naman siya rito. “You mean… my place or your place? That kind of thing?” Napakunot-noo siya pagkatapos. He chuckled softly. “You catch up fast. Gusto ko ‘yan sa isang babae.” Ang lagkit naman ng mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Nagpasikdo iyon sa puso niya nang hindi niya mawari. “Hindi ako basta-bastang babae, Caden. Hindi ako katulad ng iba,” makahulugang turan niya sa lalaki. “I can see that. That’s why I like you,” ang mabilis nitong tugon. Nakatitig pa rin ito sa kaniya habang inuubos nito ang sariling cocktail drink. Sa tingin niya ay Bloody Mary iyon. Medyo napamaang naman siya nang saglit sa sagot nito. Tinungga niya ang beer ng kaibigan na ngayon ay malapit nang maubos. Bakit bigla na lang sumipa ang puso niya sa dibdib? Parang nanginginig din ang kaniyang kalamnan nang dahil sa pananabik nang hindi niya mawari. Totoo ba talagang may paru-paro na residente sa tiyan ng isang tao? Pakiramdam niya kasi ay nagsiliparan ang mga iyon doon sa loob. Napatingin siyang muli sa mga labi nito patungo sa maskulado at malapad na mga balikat at dibdib nitong bumakat sa suot na dress shirt. He was a well-built man. Ngayon lang siya napapahanga sa isang lalaki. Again, it was a curious thing for her. “So?” Pangungulit nito nang hindi siya sumagot. “I don’t sleep around with strangers,” turan pa niyang tinapos na ang beer ni Eden. Napatawa pa ang lalaki. “Kilala mo na ako. Alam mo na ang pangalan ko kaya hindi na ako estranghero para sa ‘yo,” pilosopong turan nito. Tinitigan niya ito sa mukha. “Ang sagot ko ay hindi. Hindi ka ba marunong tumanggap ng hindi?” “Sa totoo lang, hindi. At sa pagkakataong ganito, ikaw ang unang babaeng tumanggi sa ‘kin.” Napatawa pa siya rito nang tila mapang-alipusta. “I don’t like men, especially the demanding, exasperating and egotistical men. That’s all you, by the way.” Pabagsak pa niyang ipinatong ang bote sa mesa para igiit ang punto niya. Medyo napamangha ito sa narinig mula sa kaniya. Napakurap ito ng mga mata at saka napatawa na parang nagsabi siya ng isang biro. Nagkasalubong pa ang mga perpektong kilay niyang nakatingin dito. “I really, really like you, Nikki,” ang seryosong pahayag nito. Tumayo na ito. Inubos na ng lalaki ang inumin bago ibinagsak din ang kopita sa mesa. Itinukod pa nito ang mga kamay sa mesa at inilapit ang mukha sa kaniya kaya naman ay nasamyo na naman niyang lalo ang bango nito. “And I won’t stop until you’re mine!” May hinugot ito sa bulsa, isang smartphone. Kinunan pa siya nito ng picture saka ngumisi ito dahil sa kalituhan niya. “A keepsake for our first meeting. We’ll definitely see each other again, stunner!” Pagkatapos ay tumalikod na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD