NAPANGITI si Caden sa sarili niya habang nagmamaneho pabalik sa sariling bahay. Nabasa niya ang nararamdaman ng dalaga pero pinilit niya talagang pigilan ang sariling huwag itong pagbigyan. Nais niyang may pag-iisipan ito habang wala siya. Nais niyang pananabikan siya nito. Sa gayon, baka sa pagbalik niya ay magkaroon na ng pagbabago sa dalaga. Sa kabilang banda naman, nanghihinayang talaga siyang hindi man lang niya ito hinalikan. Eh, ‘di sana ay may nabaon na siyang saya at inspirasyon para sa ilang araw na business trip. “Hay! Ano ba, Caden? Naging malambot ka na talaga dahil sa kaniya, eh.” Pinagalitan pa niya ang sarili habang nakatingin sa rear-view mirror. Kinabukasan ay maaga silang bumiyahe ni Sam na siyang nagmamaneho ng kotse para sa kaniya. May kasama pa siyang isang bodyguar