NAGHIHINTAY lang si Nikki sa kaniyang sasakyan habang kinukuha ni Eden si Lovey. She drummed her fingers on the steering wheel while waiting for her. Nakita niya mula roon na nag-uusap nang saglit sina Eden at Zander, pati na si Caden. Karga na ng kaibigan ang aso. Umiwas siya ng paningin nang napatingin si Caden sa gawi niya. Kunwari tsinek na lang niya ang hazard lights kung naka-on kasi nag-double parking siya sa harap ng pet shop. Haiyst! Kailan ba ‘to babalik si Eden? Kainis talaga ang babaeng ‘to! Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bumukas ang passenger seat at paglingon niya ay si Caden pala. Nagulat siya pero pinilit niyang maging kalma lang at neutral ang kaniyang mukha. “Can we talk for a bit?” tanong nito. “For what?” malditang tanong niya. “Nikki, I know that you like me, t