GUSTO man sanang mag-walk out ni Nikki pero hindi naman siya bastos na tao. Matapang din siya pero… Bigla siyang natigilan sa kaniyang sarili. Matapang ba talaga siya? She hadn’t been able to get out of her closet. Tanging si Eden lang ang may alam sa gender na preference niya. And that was since high school. Pero bakit kaya nito sinuportahan si Caden gayong alam nitong babae iyong gusto niya sa simula pa lang? Nahalata kaya ng kaibigan na hindi siya tunay na tibo? Kasi kahit sa sarili niya ay nagdududa at naguguluhan na siya. Kasi nga may nararamdaman siyang kakaiba para sa lalaki na ayaw niyang aminin kahit sa sarili. Baka mali lang naman kasi siya ng nararamdaman. Ang kulit at ang gulo ng puso niya. Pati utak niya naapektuhan na rin. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin, basta na