CADEN had a strong urge to kiss her while Nikki was in his arms. But he thought it wasn’t right. It wasn’t the right time to push it like this. Tinulungan na lang niyang tumayo nang maayos si Nikki pagkatapos nitong muntik nang matumba sa matigas na sahig. Ayaw niyang isipin man lang na masaktan ang babae. Parang saglit na tumigil ang puso niya nang muntik na itong madisgrasya. At lalong tumigil ang pagpintig niyon nang magkalapat ang kanilang katawan at nagtama ang kanilang paningin. This corny scene was absolutely cliché in books, dramas and movies, but personally, it did feel exciting and exhilarating for him. Cliché be damned! Hindi naman kasi sa lahat ng panahon magkakiskis ang balat nila ng dalaga. At parang nananabik ang kaniyang katawan at damdamin na mangyari ito sa pagitan nila