HINANAP ng mga mata niya kung saan si Caden. “Caden!” Hayun na naman ang isang babaeng nasa mga dalawang mesa ang layo mula kay Eden. “Marie!” “Huh?” sa isip ng dalaga. “Kumusta ka na, Cadenza!” Maang ang dalaga sa narinig. Pero kumakabog pa rin nang malakas ang puso niya. Peste talaga! Bakit Caden itinawag niya, eh Cadenza pala ang pangalan? Parang gusto kong pektusan ang babaeng ‘to! inis siyang napatingin sa babaeng tumawag sa kaibigan nito na halatang noon lang muling nagkita. “O, ba’t ganyan hitsura mo?” Humahagikhik si Eden na sinilip-silip ang nakabusangot niyang mukha. “Wala! Tara na nga!” “Saan tayo mag-lu-lunch?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Gutom ka pa?” “Gusto kong kumain ng lechong kawali. May restoran diyan at nakita ko ‘yong menu. Taralets?” Tumayo ito at saka uma