“HELP!” bungad ni Eden pagkasagot ni Nikki sa kaniyang cell phone. Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Nikki sa salas ng bahay niya habang ang dalawang bouquet na pinadala ni Caden sa araw na iyon ay nasa plorera. Green roses pa rin ang mga iyon. Doon kasi inilagay ni Mena sa center table kaya ‘di niya mapigilang ma-distract. Bilib din naman siya at nakahagilap ito ng green roses kada araw. At kahit ang kuwintas na diamante ay hindi niya ginalaw. Si Mena lang naman ang kasama niya sa bahay at hindi ito nanggagalaw ng gamit niya. Bilib din naman siya dahil kumikinang na nga ang diamante pero hindi talaga natibag ang pagiging tapat ng kasambahay niya. Sinulyapan ni Nikki ang kaniyang wristwatch at napakunot ng noo dahil alas onse pa ng umaga. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” tanong niyang napa