“ATE Nikki, may naghahanap sa inyo sa labas ng gate. Kahit guwapo ‘di ko pa po pinapasok kasi ‘di ko kilala.” Narinig ni Nikki na sabi ni Mena. Ang inosenteng mga mata nito ay kumurap-kurap habang hinintay ang sagot niya. Nagtataka siya kung sino iyon pero bigla siyang napatda sa sarili. Si Caden kaya ‘yon? “’Di mo ba tinanong kung sino, Mena?” Nakabihis na siya para magpunta sa punerarya suot ang flare dress pants na itim at pinaresan ng beige-black stripe sleeveless baby-collared blouse samantalang nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Sinulyapan niya ang kaniyang wristwatch, mga alas sais na iyon ng gabi. “Caden daw ho. May dala pa siyang bulaklak at regalo, Ate Nikki! Mukhang aakyat ng ligaw… sa inyo malamang!” May panunudyo na ngayon ang mga mata nito, pati ngiti. Parang kinik