Chapter 2

2112 Words
MAINGAT na inayos ni Jude ang dark blue colored necktie niya habang nakaharap sa whole body na salamin. Nang ma-satisfy sa kanyang itsura ay saka niya isinuot ang dark blue coat niya. Pagkatapos ay binuksan niya ang isang drawer para pumili ng relo mula sa dalawampung mamahaling relong naroon. He picked his favorite Rolex.             Few seconds more, he rushed down the stairs and headed his way out.             “Jude, sumaglit ka muna rito,” tawag sa kanya ng mama niya bago pa siya makalabas ng mansion.             Wala siyang nagawa kung 'di ang lumapit dito. Kasalukuyan itong nag-aagahan sa lanai kasama ng amiga nito na ninang niya sa binyag.             “What is it, ’Ma? Male-late na ako,” bungad niya rito sabay halik sa pisngi.             “May sasabihin sa ’yo ang ninang mo.”             Binalingan niya ang ninang niya. Nagmano siya at humalik din sa pisngi nito. “What is it, my gorgeous sexy ninang?”             Napatawa ito bago siya nito binigyan ng makahulugang ngiti. “Today is the day, Jude.”             “Of what?”             “Of meeting your destined one. She’s the first woman who will catch your attention today. Dalawang beses kayong magkikita ngayong araw. At magkikita uli kayo few weeks from now. And then, love will come your way.”             Nangingiting umiling lang si Jude. Love was a not a thing for him. Women? They were just his past time. “I don’t have any plans of meeting someone today, Ninang.”             “It’s not you but faith,” his ninang said.             “You mean makikilala na ng anak kong ito ang mamanugangin ko?” singit ng kanyang mama.             “’Ma, I don’t have plans about that,” sansala niya sa ina.             Wala pa sa isip niya ang mag-asawa. Being thirty-two for him was still a young age to settle down.             “Anak, baka oras na para planuhin mo iyan. I want a grandchild,” his mom said.             Iyon na naman ang usapan na iyon. Mula nang mag-thirty siya, palagi na lang siyang inuudyukan ng ina niya na magseryoso na sa babae. Ang siste, hindi siya naniniwala sa love na iyan. He witnessed his mom got crazy with love ever since he was young. Nang mamatay ang kanyang daddy noong bata pa siya, nagpapalit-palit ng love partner ang kanyang ina. Walang tumatagal. Hanggang sa magsawa na ito sa paghahanap.             “I have to go, ’Ma.” Nilayasan na niya ang ina bago pa lumala ang usapan about sa pag-settle down niya.             Agad siyang sumakay sa kanyang BMW 540 and drove going to his office. Jude Sebastian Celerio was the CEO of Celerio Transit Corporation.  The company provided public and private bus transport, coastal buses, van transport, and taxis all over Luzon.             Just in few minutes, nakarating na siya sa opisina. Pagkapasok pa lang niya sa lobby ay isa-isa siyang binati ng mga empleyado niya. Walang-sawa rin siyang tumutugon sa bawat isa.  Hanggang sa maabutan niya ang kanyang secretary sa may elevator.             “Good morning, Boss Jude,” ani Nova.             “Good morning. May schedules ba ako ngayong umaga?” tanong niya nang makapasok sila ng elevator. Sila lamang dalawa ang lulan noon.             “Your morning until 2 p.m. is vacant, sir. You have a meeting with Mr. Ricardo Milosa at two,” sambit nito.             “Ah, that’s boring,” he commented pagkalabas nila ng elevator. Nilingon niya ito. “Lalabas na lang ako. Coordinate with our Cubao terminal and get my uniform,” utos niya rito.             “Copy, sir.”             Pumasok na si Jude sa Office of the CEO. He took time signing papers na nasa mesa niya habang hinihintay niyang maayos ng secretary niya ang kanyang inutos. It wasn’t the first time na lumalabas siya to do some sort of adventure. Office was boring for him. Life on field work was much better. And when he spoke of field work, he meant taking the job of a driver or bus attendant.             Just in time na matapos niyang pirmahan ang payroll report ay pumasok ng office ang secretary niya. Bitbit nito ang employee’s uniform niya na naka-hanger. Kinuha niya ang mga iyon. “Deliver the signed documents on my table to respective departments.”             Nagpalit siya ng damit sa banyo. Pagkatapos ay kinuha niya sa drawer niya ang isa pa niyang I.D. na may fake na pangalan at fake job position. For that day, konduktor muna siya. He’s good to go nang mapansin niya ang face towel na inihanda ng secretary niya. “Nova, fuchsia pink towel talaga?”             “Sorry, sir. ’Yan lang po ang available.”             “This isn’t mine.”             “Yes, sir. It’s mine. Don’t worry, bago po iyan. Unused.”             “Whatever! I’ll go ahead. Call me only if needed.”             Tumango ang secretary niya. Nagpahatid lang siya sa company service sa terminal ng Cubao. And just in few minutes, he’s more than ready for deployment.               Biyaheng Cubao–Batangas ang ruta ng sinamahan niya. In just two hours and thirty minutes, nakarating ang bus sa Grand Terminal sa Batangas. Unang bumaba ng bus si Jude para i-assist ang mga pasaherong may bagahe sa compartment ng bus. Ilang mga may-edad na ring pasahero ang inalalayan niyang bumaba at magbitbit ng gamit.  Nang matapos ay ibinigay na niya na ang records sa inspector.             “Iba ka talaga, Boss Jude. Kahit napakayaman mo, nakikihalubilo kayo sa aming mga simpleng empleyado n’yo lang,” anang inspector na pinag-abutan niya ng records.             “Manong Chris, hindi po kami yayaman kung hindi kayo masisipag dito sa field. At hindi kayo empleyado lang ng kompanya. You are part of this company,” sabi niya sabay kuha ng pandesal sa supot na nasa mesa.             Si Manong Jun, isa rin sa mga inspector, ang nag-abot sa kanya ng isang plastic cup ng barakong kape. “Boss, iyon, o. Chicks!”             Nilingon niya ang itinuro nito. Isang magandang babaeng may balingkinitang katawan na nakasuot ng old rose na bestida at three inches na wedge shoes ang umakyat sa bus kung saan siya naka-assign.             “Heto, boss, ibigay mo kay Miss Byutipol!” Isang stemmed red rose ang ibinigay nito sa kanya.             Tumawa lang siya. “Bakit may ganito kayo?”             “Ibigay daw po sa babaeng pasahero, boss, sabi ng HR.”             Oh, so that’s where that budget for National Women’s Day thing went. He indeed remembered that the HR requested for certain amount for that activity. In celebration of National Women’s Day, isang araw na mamimigay ng red roses ang mga konduktor ng bus sa chosen pasahero.             “Ikaw talaga, Jun. Baka may girlfriend na si Boss,” sabi ni Manong Chris.             Ngumiti lang siya. “’Di uso sa atin iyan, Manong Chris.”             Inubos niya ang kape at tinapay bago niya kinuha ang rosas kay Manong Jun.             “Naku, boss, sayang naman ang kaguwapuhan n’yo ’pag ganyan. Masarap ang may asawa, boss.”             Why do people get so rivetted with the concept of marriage?             “Maghahanap pa po ako, Manong. Masaya pa akong single. Sige po.”             “Ingat po, boss!” korong sambit ng mga ito.             Sumampa na siya sa bus at tiningnan niya ang kabuuan nito. Iilang seats na lang ang bakante. Ipinatong niya muna sa may dashboard ng driver ang rosas na hawak. Nakita niya ang babaeng naka-old rose na bestida na nakaupo sa reserve seat for PWD, Senior, and pregnant. Nakahalumbaba ito sa hamba ng bintana, nakapikit, at pangiti-ngiti.             Napangiti na rin tuloy si Jude. Maganda siya. But, why is she like that? Is she day dreaming?             Biglang nagmulat ng mata ang babae at dumiretso ng tingin sa kanya. He was caught staring at her with his sinfully enchanting smile but he didn’t mind. Seducing women was his expertise. Naglakad siya papunta sa dulong bahagi ng bus para i-check kung ilan na ang pasahero at kung may bakante pa. May umakyat na ginang na may akay na tatlong bata. Tinulungan niya ito na maiayos ang mga dala at mai-secure ng upo ang mga ito.             His instinct was telling him that someone was watching him kaya napalingon siya sa bandang unahan ng sasakyan. That gorgeous lady in old rose dress was staring at him in poker face. Mukha itong namatanda at kulang na lang ay mapanganga sa pagkatulala. I know I’m handsome but I never thought na nakatutulala pala ang itsura ko. What is that? Is she possessed or something?  Nginitian niya ito. Pinigilan niyang matawa nang iyon na nga, napanganga na ito sabay iwas at ayos ng upo.             Sanay na si Jude sa gano’ng klase ng reaction ng mga babae at binabae. Wala naman siyang magagawa kung talagang makalaglag lahat ang kaguwapuhan niya. All he could do was entertain those who showed admiration to him . . . just like that cute short-haired woman.             Nang magsimula na ang biyahe ay nagsimula na rin siyang mamigay ng bus ticket. And since he’s a left-handed person, he’s handling a bus ticketing machine on his right and used his left in encoding habang isa-isang tinatanong ang mga pasahero kung saan sila bababa. Hanggang sa finally, turn na para tanungin ang babaeng naka-old rose na dress na alam niyang na-hook na sa charm niya kanina.             “Ma’am, saan ang baba mo?” nakangiting tanong niya.             Napatanga na naman ang magandang babae sa kanya at hindi sumagot.             “Ma’am?”              No reaction pa rin ang babae at maang na nakatingin lang sa kanya. “Ma’am? You don’t understand Tagalog?” He thought that maybe she’s a foreigner. Tumingin ito sa kanang kamay niya at sa kanyang kaliwa bago muling tumingin sa kanya, still not answering his question. Naisip niyang baka hindi ito nakakapagsalita. “Hindi ka nakapagsasalita, ma’am?” Kumurap-kurap lang ito. He just took it as yes while thinking of ways to know where her destination would be.              Napansin niya ang bitbit nitong envelope. May tatak iyon ng isang kilalang hospital sa Quezon City— Tolentino–Ferrer Medical Center. Dahil doon ay nakita niya rin ang pangalang nakasulat sa envelope. Jibelle Arella, a lovely name indeed. “Pupunta ka ng hospital?” tanong niya. Tumango ito at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Pinundot na niya ang code sa bus ticketing machine at hinintay lumabas ang thermal paper. Agad niyang ibinigay ang discounted ticket sa babae. “Sa terminal ka na bumaba. Doon pinakamalapit ang hospital,” nakangiting paliwanag niya. She just smiled back.             Inasikaso na ni Jude ang ang ilan sa mga natitirang pasahero.  Muli siyang bumalik sa dulong bahagi ng bus para mangolekta naman ng bayad. Nang muli silang magharap ng babae, ibinigay nito ang eksaktong bayad. Bigla niyang naalala ang rose na ibinigay ni Manong Jun. Kinuha niya iyon at bumalik siya sa puwesto ng babae. Muli niya itong nginitian. “Happy National Women’s Day, ma’am,” sabay abot ng stemmed rose dito.             Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. Para itong naestatwa kaya kinuha na lang niya ang kamay nito at isinilid doon ang rose. “Enjoy this trip, ma’am.”  Then iniwan na niya ito at pumunta na siya sa post niya sa harap ng bus sa tabi ng driver.             Mula sa malaking rear view mirror ay nasisilip niya ang babae. Matamis ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang rosas na ibinigay niya.  How lovely!  Sa ’di mawaring dahilan, dama ni Jude ang kasiyahan na may napasaya siyang babae sa araw na iyon.             Tatlong oras ang inabot ng biyahe mula Batangas hanggang Cubao dahil sa traffic. At sa buong biyahe, naging abala lang si Jude na pagmasdan ang dalaga mula sa rearview mirror. Throughout ng biyahe, hindi man lang nawala ang nakapaskil na ngiti nito sa labi habang pinagmamasdan ang rose na hawak.             Paghinto ng bus sa terminal ay bumaba agad si Jude para i-assist ang mga pasahero na may bagahe sa compartment. Nang matapos ay isinara na niya ang compartment. Pagbaling niya sa kaliwa ay nakita niyang nakatayo ang babae na hawak pa rin ang rose na ibinigay niya. Nakatingin ito sa kanya. Agad niya itong nilapitan dahil naisip niyang kailangan nito ng tulong para makarating sa hospital.             “Ma’am, halika. Ipapara kita ng taxi.”             Agad tumalima ang babae. Pumara siya ng taxi na pagmamay-ari din ng Celerio Transit.              “Good morning, Boss Jude!” bati ng driver sa kanya.             “Manong Paul, kayo pala iyan. Makikihatid iyong pasahero natin,” sambit niya sabay turo kay Jibelle na nakatayo two meters away sa kanya. “Sa Tolentino–Ferrer Medical Center po, ah.”             “Areglado, boss!”             “Salamat po.”             Binalikan niya ang babae. “Iyon na ang taxi, ma’am. Ingat.”             Tumango lang ang babae sa kanya sabay sakay ng taxi. Pinagmasdan niya ang papalayong taxi nang may ngiti sa labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD