Chapter 3

2305 Words
NAKAPASKIL pa rin ang ngiti sa labi ni Jibelle habang pinagmamasdan ang stemmed rose na hawak habang naghihintay sa waiting area ng clinic ng kanyang doctor. Hindi pa rin siya makapaniwalang nag-exist na ang non-existent jowa niya. The experience seeing her destined one alive was surreal. Sa sobrang overwhelming ng pakiramdam, ni hindi nga siya nakaimik nang magkaharap sila. Bigla siyang napangiwi nang maalala kung paano siya nagmukhang shunga sa harap nito. Kaloka ka, Jibelle! Mukhang tanga ka talaga kanina!             Ngunit bigla niyang naalala kung paano siya nito nginitian. She was captivated by his seductive smiles and handsome face. Oo, ’di naman talaga importante ang looks sa usapin ng pag-ibig pero masisisi ba niya ang sarili kung ang inilaan ng tadhana sa kanya ay isang saksakan ng guwapong lalaki? Sa tingin nga niya, mas bagay itong maging model at hindi konduktor sa sobrang good-looking nito. Muli niyang naalala ang binata at kung gaano kalambot ang mga kamay nito nang isilid nito ang rosas sa kamay niya. Mas may kalyo pa nga ata ang kamay niya kaysa rito. Madali niyang namemorya ang mukha nito. Finally, hindi ka na faceless, Love! Muli siyang napangiti.             Hanggang sa tawagin na ang apelyido niya ng secretary nurse ng kanyang doctor.  Pansamantala niyang inisang-tabi ang tungkol sa kanyang destined one at nag-focus sa medical consultation niya. Pumasok na siya sa clinic at umupo sa patient’s seat.             As she thought na okay na siya at natapos na ang problema niya sa matris nang matanggal ang ovarian cyst niya, she got it all wrong. Muli siyang namroblema sa mga sinabi ng doctor.             “Jibelle, the operation we’d done on you went well. Natanggal na natin ang lumalaking ovarian cyst sa left ovary mo and for now, your ovary is safe for Endometriosis. However, all of these affects your fertility. Your left ovary is now less productive of egg cell. Nasa 30% na lang ang kayang i-produce nito,” litanya ng doctor.             “What do you mean, doc?” tanong niya sa babaeng doctor na kaharap.             “If you plan to have a baby and to be a mother, now is the right time kasi malinis ang matris mo. It is much easier to conceive now up to the next six months. You already know that as your monthly period arrives, the risk of Endometriosis comes with it. In three years, puwede tayong bumalik sa simula. Puwedeng bumalik ang sakit mo. I can’t promise you, by that time, that your ovary would still function as how it does today. So, kung gusto mong magkaanak, panahon na. I can give you and your partner a help on how you can conceive. Puwede nating i-work out ang fertility mo along with your partner para mas matulungan ka na makabuo.”             Napangiwi siya. “Eh, doc, single ako, eh.”             “Oh, maybe you should consider finding a partner.” Napakibit-balikat ito. “Well, it’s already outside my course kasi personal na buhay mo iyan. I’m just telling you na kung gusto mo lang magkaanak, ito ang concerns ko bilang doctor mo.”             “Well, doc. May options po ba tayo in case the natural way will not work?”             “Yes, we do have.  We can do In-Vitro Fertilization or IVF. In this process, iyong egg cell at sperm cell iko-combine na siya outside and iyong fertilized egg na iyon ang ilalagay sa ’yo. Another is Artificial Insemination or AI, wherein the sperm cell will be inserted in you. This is done to help the sperm cell travels faster inside your uterus. All you need is a donor. Puwedeng kakilala mo ang donor or puwede namang ang clinic na ang maghanap ng donor para sa ’yo. Though, identity of the donor may be unknown to you.”             “Still, those options do not guarantee that I’ll get what I need, right?”             The doctor nodded. “Yes, it will cost you a lot also. If you choose AI, walang kasiguraduhan na mabubuntis ka. May mga babaeng kahit fertile, hindi nakabubuo. It can be a repeat process until you get what you need. Even IVF is not 100% guaranteed. Puwedeng mabuhay ang fertilized egg sa ’yo or maybe not, depende kung paano tatanggapin ng katawan mo ang procedure at pagbubuntis.”             “Sige po, doc. I’ll think about it,” malungkot na sambit niya.                Binigyan siya ng doctor ng mga fertility medication in case daw na mag-work ang natural way and set a schedule again to check the condition of her ovary.             Malungkot siyang lumabas ng Tolentino–Ferrer Medical Center. She felt a bit hopeless. Hindi niya mawari kung bakit gano’n ang tadhana sa kanya. Tulad ng karamihan, pangarap niyang maging isang ina at magkaroon ng sariling pamilya. Paano na ngayong nalaman niyang tiktak na pala ang matris niya?             Ano ba iyan? Hindi man lang ba ako bibigyan ng tadhana ng chance mag-contribute sa population ng Pilipinas?             Napabuntonghininga siya. Pinagkaitan na nga siya ng makulay na love life, tapos ngayon, alanganin pa ang purpose niya sa population growth.             Wala sa mood na pumara siya ng taxi. Pagkasakay ay sinabi niyang ihatid siya sa Cubao terminal ng Celerio Bus. Kailangan na niyang bumalik sa Batangas at marami pa siyang trabahong kailangang asikasuhin.             Nang makababa siya sa terminal ng bus, muli niyang naalala ang kanyang destined one.  Huminto siya sa paglalakad at kagya’t na pumikit. Lord, kung siya na talaga ang nakalaan sa akin, makikita ko uli siya ngayon.  Pagmulat ng kanyang mga mata ay nahagip niyang muli ang binata na naglalakad palapit sa kanya.             ito. Kasabay noon ay tila pagkabog ng puso niya. Siyet, Lord! Okay na po ako sa pandesal pero thank you po sa loaf bread!   Muntik na siyang matawa sa kung ano-anong kalokohang pumasok sa isip niya.                 “Hi! Ikaw uli, Miss!” bati nito sa kanya. “Babalik ka na sa Batangas?” tanong pa nito.             Tulad nang una nilang pagtatagpo ilang oras pa lang ang nakakaraan, natulala na naman siya. Umimik ka, girl!  Pero wala, nang mapagmasdan niyang muli ang guwapo nitong mukha ay tila tinakasan na naman siya ng kanyang kadaldalan.  Chance mo na, Belle! Kausapin mo siya, utang na loob! Kailangan mo siya!             Tinapunan nito ng tingin ang stemmed rose na hawak niya. Lalong lumapad ang ngiti nito sa labi. “Hawak mo pa rin ang rose, ma’am.” He offered his hand to her. “Tara, hatid na kita sa bus.”             Wala pa rin sa sariling tinanggap niya ang kamay nito. Hindi alam ni Jibelle kung bakit pero tila may something sa lalaking nagpapasunod sa kanya. Mambubudol ka ba, Love? If yes, nabudol mo na ang puso ko!             Hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila papasok ng bus terminal. Biglang naalala ni Jibelle ang kanyang problema sa tiktak niyang matris. He—her destined one—could be an answer to her problem. She knew she needed to initiate a talk at baguhin ang first impression nito sa kanya. Kailangan nitong malaman na capable naman talaga siyang magsalita. Kailangan niya itong makilala. Kailangan niyang malaman na ako ang nakatadhanang maging sexy alluring girlfriend niya! Pasimpleng sinabunutan ng isa pa niyang kamay ang laylayan ng buhok niya. Of course, hindi naman niya puwedeng basta na lang sabihin dito ang tungkol sa hula. Baka sa halip na mapalapit sila sa isa’t isa ay matakot ito or worst, isipin pa nitong nababaliw na siya. Well, hindi ba?  Pinagmasdan niya ang magkahawak nilang kamay. Love, ako nga pala ang nakatakdang maging mapagmahal mong asawa. Puwede ba nating i-advance ang baby natin?  Napangiwi siya sa kalokohang naiisip.             Kahit ayaw pa niya dahil enjoy na enjoy siya sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay, binawi niya ang mga iyon dito. Napahinto ito sa paglalakad at bumaling sa kanya.             “H-Hi!” Finally, may lumabas na ring salita sa bibig niya.             “Wow, nakapagsasalita ka na. Ang galing ng doctor mo,” nakalolokong hirit nito. Maybe, he already figured it out.             Napangiwi siya. “Sorry. Hindi naman talaga ako pipi. Nakalimutan ko lang magsalita kanina nang makita kita.”             “Huh?”             “Ang guwapo mo kasi; na-speechless ako,” nakangiting banat niya.             Tumawa lang ito sa sinabi niya. “Hindi naman, ma’am. Sapat lang . . .para maakit ka.” Napatawa siya. “Joke lang, ma’am.”             “Jibelle. Name ko iyon. Ang ganda ano?”             “Kasing-ganda mo, Miss Jibelle. He grinned. “Ju-Joseph. Iyon ang name ko.”             OMG! Another sign! Banal-banalan na pangalan! Ikaw na ikaw na nga!                Kung wala lang audience baka kanina pa siyang nagtatatalon sa kilig at excitement. Pero ang daming tao sa bus terminal. Kailangan niyang magpanggap na matinong tao siya at hindi babaeng nababaliw sa konsepto ng pag-ibig. Kumuha siya ng calling card mula sa bulsa ng dala niyang bag. Wala nang patumpik-tumpik pa. Kailangan niyang tulungan ang tadhana.  Ibinigay niya ang card dito. “Kapag sawa ka nang magkonduktor, puwede kang mag-apply sa amin.”             Tinanggap nito ang card, saglit na pinasadahan ang nakasulat doon, at nakangiting ibinalik sa kanya ang atensyon. “Ano’ng hiring sa inyo?”             She grinned. “Manlalapa!”             “Ano?!” natatawang bulalas nito.             “Manlalapa ng baboy, baka, at manok—butcher.” Puwede rin namang manlalapa ng amo. Charot!                 She passed by him and continued walking. Sumunod lang ito sa kanya. Binalingan niya ito bago siya sumakay ng bus. She made sure she’s in her best angle when she turned to him and posed like a model. Akala mo ha. Marunong din akong mang-akit. “So, ano? Willing ka bang manlapa?”                  Tumawa ito nang malakas. “Text na lang kita, Miss Jibelle, ’pag ready na ako.”             “Na manlapa?” Ako, ready na akong magpalapa. OMG! Ang harot mo, Belle.             “Na lumipat ng kompanya,” he corrected her. “Okay pa ako rito sa Celerio.”             “Okay. By the way, iyong na-discount mo kanina, bayaran ko na lang.”             “Okay na iyong discount. ’Wag mo na isipin iyon. Hindi rin ako ang konduktor sa biyahe na ito. Off duty na ako.”             Bigla siyang nalungkot. Akala pa man din niya ay may higit dalawang oras pa siya para makasama ang destined one niya. Ngunit muling nagbunyi ang puso niya nang sumakay din ito sa bus na sinakyan niya. And to make it more bonggacious, tumabi pa ito sa kanya. Umupo ito sa kaliwa niya habang siya naman ay nasa window side seat. Muli niyang nasamyo nang bonggang-bongga ang nakahuhumaling na pabango nito.             “Akala ko off duty ka na,” sambit niya.             “Oo, bababa ako sa pinakamalapit na drop off papunta sa head office. Sasabay lang ako. Okay lang ba’ng tumabi sa ’yo?”             “Oo naman, nakaupo ka na nga, eh. Nagpaalam ka pa,” hirit niya.  Napakamot ito sa batok habang napapangiti. And she found it a little cute and sexy.             Go lang kahit hanggang Batangas pa, tapos hindi na kita ibabalik sa Manila ever! Pilit na iwinawaksi ni Jibelle ang mga kalokohan niya. “Saan ba ang head office n’yo?” casual na tanong niya. Natapunan ng kanyang tingin ang kanang batok nito. And there, may nunal sa kanang bahagi ng batok nito. Walang duda na talaga ito! Ikaw na ikaw na nga! Iuuwi na kita! Charot lang! Ano ka, Belle? Kidnapper?  Walang ideya ang kaharap sa kung ano-anong binabalak niya rito. She just looked like an innocent demure woman who enjoyed casual talk with a stranger. No one would notice that she’s having lots of crazy thoughts inside her head.             “Ortigas,” he replied.             Muli siyang nalungkot. Kaunting minuto na lang pala ang pagsasaluhan nila. Hanggang sa napuno na nga ang bus at nagsimula nang magbyahe. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, pinagpasalamat niyang traffic is life sa EDSA. Sa bawat, paghinto at hindi pag-usad agad ng trapiko ay nadadagagan ang oras na makakasama niya ang kanyang destined one.             Lord, traffic pa more, please? Sige na po!               Ngunit tulad ng lahat ng bagay sa mundo, nagkaroon din ng hangganan ang traffic.             “Malapit na akong bumaba,” pahayag nito. “Nice meeting you, Jibelle.”             “Nice meeting you too, Joseph,” tugon niya.             “Ingat ka.” He left her a sweet smile before he stood up. Naglakad ito papunta sa unahan ng bus sa may pinto.             Kinausap nito ang bus driver pero hindi na iyon narinig ni Jibelle dahil five rows away ang layo niya sa unahan ng bus. Hinusto na lamang niya ang natitirang ilang minuto na masisilayan niya ito. Kailan kaya uli tayo magkikita, Love? Hanggang sa huminto na ang bus sa unloading station. Bumukas ang pinto at nakita niyang naghanda na si Joseph. At bago ito tuluyang bumaba ay nilingon siya nito, kinawayan, at iniwan ng makalaglag everything na ngiti.             Napatili siya at nagtatalon sa kilig  . . . sa imagination niya. Sumilip siya sa bintana at pinagmasdan ito habang naglalakad ito palayo sa bus na naipit muli sa traffic kaya nanatiling nakahinto. Itinukod ni Jibelle ang kanang siko sa hamba ng bintana at humalumbaba habang napapangiting pinagmamasdan ang papalayong pigura ni Joseph.             Love, ingatan mo ang sarili mo palagi. ’Wag kang magpapagutom. ’Wag kang magpapagod. Isipin mo palagi ang beauty ko para inspired ka palagi sa pagtatrabaho. Magpaguwapo ka pa nang bongga, para ’pag muli tayong nagkita, mas kikiligin pa ako sa ’yo!             Umusad na ang bus.             “Miss, saan ka?”  narinig niyang tanong ng konduktor.             “Sa puso niya,” wala sa sariling tugon niya.             “Po?”             Bigla siyang natauhan. Nakangiting binalingan niya ang konduktor. “Grand Terminal, Kuya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD