“LET’S go?” Napaangat ng tingin si Jibelle mula sa binabasang financial report sa laptop niya. Bumungad sa kanya si Jude na amoy fresh na fresh from the shower. He was wearing a plain powdered blue fitted shirt and a navy-blue denim shorts while Jibelle was wearing a halter mustard cotton A-line floral dress. As usual the dress she’s wearing had deep neckline and backless. Pupunta sila sa bahay nina Ciara—sa tabi lang naman ng bahay niya—para doon maghapunan. Ipakikilala na niya sa mga ito si Jude bilang kasintahan. She shutdown her laptop and stood up. Aminadong kinakabahan siya. May pagkamausisa pa naman ang Tito Alfonso niya at maging si Ciara. Isang maling kilos nila ni Jude, maaaring mabisto nila agad ang lihim niya. “Bakit mukhang tensyona