DAMN it, napkin! Hindi pa rin makapaniwala si Jude na darating siya sa puntong papasok siya sa supermarket na ang target bilhin ay sanitary napkin . . . not one but four packs of different kinds of napkin. Napangiwi siya. Bago siya umalis ng bahay ay tinanong pa niya si Jibelle kung bakit iba-iba pa ang uri ng napkin na kailangan nito. “Ah kasi, depende sa flow iyon. Una kong ginagamit, regular flow lang. ’Pag lumalakas na, saka ko ginagamit ang overnight flow kasi mas malaki iyon sa regular. Intended iyon for heavy flow period. Pero sa bahay ko lang ginagamit iyon. ’Pag magsusuot ako ng pang-alis, ultra-thin ang ginagamit ko para ’di masyadong bakat. Panira kasi iyon sa outfit lalo na kung naka-pants. At iyong all day and night, saka ko ginagamit kapag tutul