“HAY naku, Jibelle. Mukhang kailangan mo nang palitan ang kotse mo.” Napangiwi si Jibelle sa sinabi ng Tito Alfonso niya. Nakatambay sila ni Ciara sa terrace ng bahay habang abala naman ang Tito Alfonso niya at si Jude sa pagtingin sa kotse niya. Bihis na sila ni Ciara at ready na sanang umalis. Ihahatid sila sana ni Jude gamit ang kotse niya ngunit hindi na ito nag-start. Imi-meet nila for a lunch batch reunion ang mga kaklase nila noong high school. Ayaw niya nga rin sanang pumunta sa reunion na iyon. Bihado kasing pataaasan lang ng ihi ang mangyayari. Plus the fact, maaarte at feeling sosyal ang mga kaklase nilang babae noon at silang dalawa ni Ciara ay hindi bet ng mga ito dahil hamak ng mga working students at scholar lang sila. Nakapag-aral kasi sila sa isang mamahaling private s