Chapter 11 BRIELLE… I’M LOOKING at him, parang hindi siya nawala ng ilang taon kung kumilos sa harapan ng mga magulang ko. But I can say that there’s an awkward atmosphere around us right now. Lalo na sa pagitan ng Daddy ko at ni Bullet. “Is there something wrong?” tanong ni Mommy kila Daddy. Napansin na rin niya siguro na hindi nagkikibuan sila Daddy at Bullet. Hindi lang iyon ang mapapansin mo sa dalawa, iyong lalapit si Bullet kay Daddy. Tapos iiwasan naman ni Daddy si Bullet, at ilang beses na nangyari iyon sa dalawa. “Nothing honey,” si Daddy ang sumagot. Pero kahit na si Daddy ang sumagot halata naman na iba ang sagot ni Daddy sa nangyayari sa kanila ni Bullet. “I’m sorry Tito,” ani Bullet. Sabay kaming napalingon kay Bullet nang bigla na lang siyang luhuhod sa harapan ni Dad