GANOON pala ang pakiramdam ng mga labi niya. Malambot, matamis at nakakawala ng hininga. Dahil ba nakasakal pa rin siya sa ‘kin kaya ako naghahabol ng hangin at parang nanghihina ang mga tuhod? Hindi niya inalis ang pagkapit sa leeg ko ngunit hindi na ito kasinghigpit ng dati. Hindi man ako bihasa sa paghalik, fast learner naman ako at magaling manggaya. Ginaya ko lang ang ginawa niya nang una akong tumikim. Ilang segundo rin bago siya rumesponde sa paglalapat ng labi namin. Hindi na siya nakatiis nang kagatin ko na ang ibabang labi at mas hilahin pa siya papalapit at laliman ang halik. Hindi ko alam kung nabuwang na ako o sadyang may gayuma lang ang amoy niya maging ang lasa ng labi niya.
I was dazed and disoriented when he pulled away from me and ended the kiss. Sa sobrang kalituhan ko ay napapa-English na ‘ko sa isip ko. Why the hell did he let go?! Agad naman itong sumagot.
“Why the hell did you kiss me?! Are you f*****g out of your mind?! Basta-basta ka na lang nanghahalik!” Hindi ko mapigilang mapanganga. Hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa mas mabilis na t***k ng puso ko nang makita ko siya ng malayuan. Nakasabunot ang kaliwa niyang kamay sa buhok niya habang ang isa ay napakapit sa labi bago lumipat sa noo at minasahe ito. Hinila rin niya ang suot niyang puting turtleneck sa ilalim ng hoodie na itim na para bang bigla siyang nainitan. Kahit yata kumunot pa ang noo niya at sumimangot siya maghapon, wala pa rin siyang kasing-gwapo.
“Ikaw nga basta-bastang nananakal! Tapos may gana kang magtanong kung bakit ako nanghahalik?! Ako nga ang dapat magalit dahil sinamantala mo ang kahinaan ko! You kissed me back! Kaya ‘wag kang magreklamo.”
“What?! You literally shoved your tongue on my mouth and then bit my lips and sucked them like it would bring you salvation! Adik ka ba?”
“Ako? Adik? Dati hindi pero ngayon...parang...” Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig kahit na nanggagalaiti siya sa galit. Baka dahil ipinaalala niya ang halik namin o dahil ba atras abante siya sa harapan ko? Iniisip ba niya kung papatayin niya ko sa sakal o sa yakap na lang? I prefer the latter one. I will welcome him with open arms! Literal!
“Aaaaargh! You’re making me crazy!” Napangiti ako ng husto at gustong mag-walling. Nababaliw na agad siya sa’kin kahit kakakilala lang namin? This must be my luckiest day! Bigla kong naalala na muntikan na nga pala niya kong patayin. Medyo nahimasmasan ako sa alaalang iyon.
“Nababaliw ka na nga dahil bigla ka na lang nanunugod. Ano bang problema mo?” Kahit na mahirap at nakaka-distract ang kagwapuhan niya ay pinilit kong magseryoso ng mukha. Pinigilan ko munang matulala habang nakatingin sa kanya. Nagfocus ako sa adams apple niya na parang masarap tikman. Paborito ko pa naman ang mansanas. Focus, Monay. Mag-focus ka!
“You stole my phone! Wala ka talagang takot, no? You have the nerve to steal from a man like me?” Lumapit siya kaya’t napatitig na naman ako sa mukha ng lalaking bintangero.
“Phone lang nagagalit ka na? Mukha namang marami kang pambili. At para sabihin ko sa’yo, ngayon lang kita nakita, so paano ko nanakawin ang phone mo?! Hindi ako ang kumuha! Wala sa’kin kaya wala na tayong dapat pagusapan pa.” Bigla akong nahimasmasan sa kahibangan ko dahil pinagbibintangan ako ng gwapong nilalang. Sa lahat ng ayaw ko ay ang masisi sa bagay na hindi ko naman ginawa.
“Importante ang laman ng cellphone na ‘yon! Ilabas mo na!”
“Gwapo ka sana at mukhang masarap kaso bingi ka. Hindi ka pa makaintindi! Hindi ko nga kinuha! Isaksak mo ‘yon sa gwapo mong kukote! Halik lang ang ninakaw ko pero hindi cellphone!” Wrong move on my part na ipaalala sa kanya ang halik dahil lalong nagsalubong ang kilay niya at kumunot ang makinis na noo. Napakagat rin siya sa ibabang labi na nagpainit ng pakiramdam ko. Nagpipigil ba siyang sapakin ako o umisa pa ng halik? Hindi ko na nalaman ang sagot dahil may dumating na isang lalaking naka-maong na jacket at may ibinulong. Agad din itong umalis at naiwan na naman kaming dalawa sa eskinita.
“Come with me to prove your innocence.” Tumalikod na siya at naglakad palayo. Tinaasan ko ng kilay ang matipuno niyang likurang balot ng itim na hoddie jacket. Masyado siguro siyang lamigin na kahit na mainit ay nakapangginaw siya.
“Hindi ako sasama! Virgin pa ‘ko kaya ‘wag mo nang kwestiyunin ang innocence ko! Humanap ka ng ibang kikidnapin mo dahil hindi ako sasama! Magkarambulan pa tayo rito! Hindi ka naman mukhang sanggano pero parang gano’n ka?” Napamura ‘ko sa isip. Bakit ko ba kailangang banggitin na virgin pa ‘ko gayong hindi naman relevant sa discussion ‘yon? Sa gwapong nilalang pa na kapalitan ko ng laway ilang minuto ang nakakaraan? Baka isipin pa niya type ko siya. Napahinto siya ng paglakad at muling humarap sa’kin. Ilang hakbang pa lamang naman kaya’t mabilis lang siyang nakabalik sa harapan ko.
“Your f*****g mouth will get you in big trouble one of these days.” Napansin kong nakatingin siya sa mga labi ko. Sana lang positive ang naiisip niya sa pagtitig niyang ito at hindi niya iniisip na i-stapler o i-puncher tapos talian ng pulang ribbon ang matabil kong bibig at dila.
“Tapos ka na? You may go.”
“Ano?!”
“Kung kailan nag-English ako saka ka nag-Tagalog. Sabi ko, umalis ka na. Teritoryo ko ‘to kaya dapat ikaw ang umalis. Leave me alone! All by myself.” Kakantahin ko sana sa tono ni Celine Dion ngunit baka mas lalo itong magalit kaya’t hindi na lang.
“Teritoryo? Do you even realize what you’re saying?” Nakatitig siya sa’kin na parang hindi makapaniwala. Mas lalo ko pang tinaasan ang kaliwang kilay ko at itinodo ko na rin ang pagtataray sa pamamagitan ng pamemeywang.
“Masyado ka nang pinagpala dahil kanina mo pa ‘ko kausap. Kung ayaw mong umalis, bueno, ako na lang. May lakad pa ‘ko. Excuse me.”
“Not too fast, thief.” Lumapit pa siya at lalong naningkit ang mata nang tumitig sa’kin. Naamoy ko ang mabango at nararamdaman ang mainit niyang hininga. Dahil nanguna ang survival instinct, hindi na ‘ko nakapag-isip ng tama. Mas pinili ko na lang na makaganti at makatakas sa paraang alam kong magtatagumpay. Inilapit ko ang mga labi ko sa kanya at saka ako umatake.
“Aaaagh! I’m going to f*****g kill you!” Kasabay ng pagkagat ko sa ibabang labi niya ay ang pagtuhod ko sa kanyang alaga. Hindi ko alam kung saan siya mas nagalit, sa nagdudugong labi o doon sa injured niyang ibabang bahagi. Ginamit ko na ang pagkakataong namililipit siya sa sakit at napaluhod sa semento upang makatakbo palayo.
Nang malayo na ako sa eskinita at siguradong hindi na nasundan ay napahinto ako sa pagtakbo, napabuntong-hininga at napailing. Itinatanong sa sarili kung saan ako mas nanghihinayang, na hindi ko na siya makikita o sa dahilang sayang ang lahi niya kung nabaog ko pala siya?