6-Time

1853 Words
    “You took your f*****g time...” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya pagbukas ng ilaw sa labas at ng pintuan dahil napatitig na siya sa harapan ng suot kong t-shirt. Napayuko rin ako sa tinitingnan niyang galit na galit na dalawang dulo ng mga bundok. Napamura ako sa isip nang maalalang wala nga pala akong panloob. Ang shunga mo talaga, Monay, nagsuklay ka tapos hindi ka naman nag-bra! OMG hindi ka rin nag-panty! Iritado kong bulong sa aking sarili.   “Yeah. Shunga ka nga para paghintayin mo rin ako rito. Do you even know who I am?” Napaawang ang bibig ko dahil nasabi ko pala ng malakas ang tungkol sa bra at panty. Mas nakakapagpabuka ng mga labi ko ang paglapit niya habang ang magkabilang kamay niya ay tinutop ang aking magkabilang pisngi. Amoy ko ang hininga niyang parang mint toothpaste. Bigla tuloy akong na-conscious dahil hindi ako nakapagsepilyo. Kinagat ko ang aking labi at pumikit para hindi makasagot dahil hindi ko sigurado kung maamoy niya ang kinain kong sisig na tadtad ng sibuyas at sili. Laking pasasalamat ko lang na hindi shawarma ang aking kinain.   Nang hindi siya gumalaw matapos ang ilang segundo, napilitan akong dumilat. Kahit sa lapit ng mukha namin sa isa’t-isa, wala pa rin akong makitang pores sa balat niya.   “Bampira ka ba?” Mula sa pagkakatutop niya sa pisngi ko, lumipat ang isang kamay niya sa gilid ng pintuan habang ang isa naman ay sa noo niya habang ang mga kilay ay tuluyang nagsalubong. Tumitig pa siya sa’kin bago umatras. Tinitingnan siguro kung seryos ba ang tanong ko. Mukhang muli na namang uminit ang kanyang ulo.   “What?!” sigaw nito.   “Wala ka kasing pores! Kutis porselana, sosyalan. Parang porcelain ang balat mo,” mabilis kong sagot upang hindi paghinalaang nababaliw na ‘ko.   “Siguro kung bampira ‘ko, kinagat na kita at inubusan ng dugo kapalit ng mga dugo kong kumukulo dahil sa kagagawan mo! Literal na tumataas ang dugo ko sa’yo!” Tinaasan ko siya ng kilay. Umasa pa naman na gusto niya akong tikman. Gusto lang pala niyang gumanti!   “Okay. Hindi na kung hindi. O, heto na ang cellphone mo, para makaalis ka na. Adios.” Pagkaabot ko ng phone ay tumalikod na ‘ko at akmang isasara muli ang pintuan, ngunit mabilis siyang humarang. Sa tangkad niya at pagkamatipuno ng katawan, wala na ‘kong nagawa kung hindi umatras para bigyan siya ng espasyo.   “Tell me what you used this for. Anong mga kinuha mo rito?” Iwinasiwas niya ang cellphone sa mukha ko.   “Napulot ko lang talaga ‘yan sa ilalim ng kama. Hindi ko alam kung paano napunta rito. Baka binitbit ng pusa o ng daga.” Nakataas ang kilay kong matapang na sagot. Hindi ko naman pwedeng iratrat si Carla. Pwera na lang kung magkagipitan na dahil hindi naman kami ganoon ka-close upang ipahamak ko ang sarili ko para lang sa kapakanan niya. Pero mukhang hindi naman ako ipapapulis ng lalaking walang pores.   “May...may daga rito?” Napamulagat ang mata niya at napakapit sa balikat ko habang napangisi naman ako. Daga lang pala ang kinakatakutan ng lalaking ito. Tumayo siya ng matuwid at tumikhim na parang natauhan nang nakitang nakangisi ako.   “Oo, ang mga daga rito ay mas malaki pa sa aso, kaya umalis ka na bago pa sila dumating. Dali!” Gamit ang ilan sa natitira kong lakas, gamit ang magkabila kong palad, kinapitan ko ang dibdib niya at sinubukan siyang itulak palabas ng pintuan. Hindi man lang siya natinag.  Iniangat ang cellphone gamit ang isang kamay at itinapat sa mukha niya. Astig! May facial recognition feature ang cellphone niya! Kung ako rin naman ang cellphone, marerecognize ko din ang mukha niya dahil sobrang gwapo talaga.   Hindi pa roon natapos ang pagkamangha ko, itinapat niya ito sa bibig niya at nag-usal ng salita, “Rappelle Draco” bago ito tuluyang tumalikod at lumabas ng pintuan, habang ang cellphone ay nakadikit pa rin sa tainga. Naiwang nakakunot ang noo ko sa pagtataka.   “Bastos na ‘yon, hindi man lang nag-goodbye kiss.” Isasara ko na sana ang pinto nang narinig ko na naman ang boses niya.   “Hey, make sure to lock your door.” Hindi ko sana iisipin na ako ang kausap ngunit lumingon siya sa’kin, “I said, lock your door. Now!” Mukhang magagalit na naman siya kung hindi ako susunod kaya’t tumango na lang at isinara na ang pintuan. Napasandal ako sa likuran nito, kapit ang dibdib kong walang bra at hinihingal na parang tumakbo ng marathon. Nang medyo nahimasmasan na ‘ko ay saka ko in-off ang switch ng ilaw at muling nahiga sa kama. Baon ang amoy ng hininga at samyo ng pabango niya, siguradong mapapasarap ang aking paghimbing.      BUO ang loob at mabilis akong tumakbo na suot lamang ang tsinelas habang hinahabol ang oras. Five thirty ng umaga na ako nagising kaya’t kinailangan kong magmadali upang hindi ako mahuli sa unang araw ko sa trabaho. Mayroon na lamang akong limang minuto at dahil matindi ang trapik, tinakbo ko na lamang ang ilang kanto na papuntang opisina. Dalawang minuto na lang nang dumating ako sa may gilid ng building. Isinuot ko ang ID at saka kinuha ang sapatos kong itim na de takong mula sa dala kong plastic bag at doon naman isinilid ang gomang tsinelas kong suot. Para makatakbo ng mabilis, inililis ang knee high pencil skirt kaya’t nagmukha itong miniskirt. Inayos ko muna ang palda maging ang pang-itaas kong pulang see-through na longsleeves na may pangloob ding pulang spaghetti strap.   “s**t!” Nang maalala kong isang minuto na lang ay kumaripas na akong muli papasok ng opisina. Dahil may suot ng ID ay hindi na ko hinarang pa ng guwardiya. Sakto ang dating ko at wala pang tao sa loob ng opisina. Mauupo na sana ako sa lamesang itinuro ni Josa noong ipinaliwanag niya ang mga gawain ko nang may tumikhim mula sa likuran. Paglingon ko ay hindi ko inaasahan ang aking nakita. Inirapan ko ito at nagpadyak ako ng paa bago ko siya sinita.   “Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ‘ko? Grabe na, ha.” Kumunot ang noo niya na parang siya pa ang nainis sa sinabi ko. Hindi naman ako tumigil dahi kapag naabutan kami ng boss ko ay baka sabhin pang lumalandi na agad ako sa unang araw pa lang ng trabaho.   “V, ang aga-aga para magpa-cute ka. Please lang, magpakipot ka naman. First day ko sa trabaho kaya umalis ka na. Sa bahay mo na lang ako puntahan kung aakyat ka ng ligaw.”  Napaawang ang bibig niya na parang hindi makapaniwala sa narinig.   Tumikhim na naman siya na para bang ito ang sagot upang mahimasmasan siya sa kagagahan ko, “Bakit V?” tanong niya.   “Vampire. Hindi mo naman sinabi ang pangalan mo, so anong itatawag ko sa’yo? V na lang para kapangalan pa ng isa sa paborito kong idol, one true seven kasi sila.” Imbis na maasar ay naningkit ang mga mata nito at ngumisi. He crossed his arms on his chest then moved closer to where I was standing. Hindi ko na naman naiwasang mapatitig sa mukha niya papunta sa katawan niyang suot ay itim na turtleneck shirt at black suit.   “Right. I haven’t introduced myself properly due to some circumstances.” He said while licking his lips. Para namang may epekto sa’kin kung didilaan niya ang labi niya. Naramdaman kong biglang nanuyo ang labi ko at napagay ako sa ginawa niya.   “Baka kasi dumating na ang boss kong masungit at matabil ang dila at mahilig sa slumbook. Mamaya na tayo mag-usap.” Gustuhin ko mang makipagtitigan sa kanya at makipagkilala ng lubusan, bigla akong kinabahan dahil siguradong mahuhuli kami ng GM.    “Are you sure you don’t want to know that I’m Pierre Montecillo?” Tama ba ang narinig ko? Bakit parang may umalingawngaw pang echo nang banggitin nito ang pangalan. Pierre Pierre Pierre Pierre, Montecillo llo llo llo   “Pierre Montecillo? Parang pamilyar ang pangalan.” Tumingin siya sa’kin nang nakahalukipkip, pinaikot ikot ang dila sa loob ng bibig na para bang bored na dahil ang tagal ko magbigay ng punc line.  Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong naalala kung saan ko natutunan ang pangalan na ‘yon. Nabasa ko!   Kung maaari lang na lumubog sa kinatatayuan ay ginawa ko na. Biglang nag-flashback ang nakaraang araw habang ang pakiramdam ko ay gusto ko nang mahimatay sa takot at kahihiyan. Dumagdag pa na wala akong panloob noong nakaraang gabi noong dumalaw siya hindi para umakyat ng ligaw kung hindi para pagbintangan na naman akong kinuha ko ang cellphone niya na napulot ko lang naman.   “Naku, maswerte ka at hindi siya humarap, girl. Baka napatulala ka at hindi nakasagot sa interview mo if ever dahil sobrang gwapo ni Boss! Bata pa siya, baka mid 20s dahil genius raw sabi sa balita. Alam ko bagong graduate lang ng Computer Degree sa US at Business Masteral Degree sa France. GM muna ang binigay sa kanya dahil inaaral pa niya ang pasikot-sikot ng Business nila. Chain of restaurants, hotels and casinos ang negosyo nila. Kung hindi ako nagkakamali, pinauwi siya ng Pilipinas para siya na ang mag-take over ng Empire nila.”     Pierre Montecillo General Manager   Hindi lang iyon ang naalala ko dahil muling tumatak sa akin ang pakiramdam ng mga labi niya, ang lahat ng pinagsasabi ko sa kanya at ang tunog ng sigaw niya nang lumapat ang tuhod ko sa kuwan niya. Sabi nga ng mga conyo at mayayaman, OMFG. s**t!   “Ikaw ang...boss ko?” biglang humina ang boses ko nang tanungin ko siya.   “Nice to meet you, Monay.” Guni-guni ko lang ba na sa pagsabi niya ng monay ay tumingin siya sa mtatambok na dibdib ko? Pinagekis ko ang braso ko sa dibdib ko ngunit hindi niya ito pinansin.   Nakalagpas na siya at nasa may pintuan na ng kanyang opisina nang magsalita siyang muli, “When you’re done contemplating all the wrong things you’ve done, follow me inside my office and don’t ever waste my time again.” Kung palamigan lang ng boses ay panalo na siya. Nanginig ako sa ginaw o bak naman sa takot?   Nang sumara ang pintuan ay napaatras na lamang ako at ma-dramang napasandal sa dingding.  Walling ang tamang termino nang mapadusdos ako pababa nang nakadikit ang kamay sa aking noo. Sinubukang kurutin ang sarili sa pag-asang napapanaginipan ko lang muli ang lalaking ‘yon at hindi talaga siya ang among inaasahan kong babago ng aking buhay at kapalaran. Ngunit kahit anong kaskas ng likod ko sa dingdin at kahit gaanong kasakit ang kurot ko sa braso ay hindi pa rin ako magising. OMFG muli.   Araw-araw kong masisilayan ang amo kong iyon? Panaginip ba ito o bangungot?   Sa isang banda, baka naman siya naman nga talaga ang katuparang ng aking mga pangarap?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD