NAKAUPO ako sa bago kong lamesa at ineenjoy ang pakiramdam ng isang office girl nang lumapit siya. Matapos kong matanggap sa sarili ko na siyga ang bago kong amo, pumasok ako sa opisina niya ngunit itinaboy akong muli dahil may kausap siya sa telepono. Pinaupo ako sa isang lamesa kung saan iyon daw ang magiging permanente kong pwesto. Tinawag niya ako at pumunta kami sa sarili niyang mesa. Binkusan niya ang laptop niya. Nang bumukas na ito, imbis na maging gentleman at paupuin ako ay siya ang naupo at naiwan akong nakatayo sa tabi. Nang bumukas ang computer at mag-flash na sa monitor ang isang application, nag-input siya ng username niya at code. Napansin ko ang isang kahon ng tissue sa ibabaw ng lamesa kaya’t kumuha ako ng isa in preparation for the future.
Nang magsimula na siyang magpaliwanag ay totoo nga ang aking hinala. English lesson nga ang magaganap.
“File all of those folders according to dates,” pagturo niya sa mga folder na nakahilera at patong-patong sa may pintuan ng opisina, “then encode everything in this folder group into the database. It is essential that you accurately type everything especially the amount and OR number. For the description you also need to choose from the dropdown, if the item does not fall to any of the available choices, choose others and be specific as possible in the remarks field. This is also confidential. You can’t disclose anything you see or read to anyone..Hey, are you even listening?!” Napansin niyang nakatulala lang ako sa mukha niya habang iniisa isa niya ang kailangan kong gawin. May hawak rin akong tissue na nakatakip sa ilong ko bilang paghihintay kung dudugo na ba ito sa dami ng Ingles niyang sinasabi.
“Yes, Boss. I’m listening.” Sumaludo pa ako upang may added effect.
“If you really are listening, repeat what I just said.”
“Repeat what I have just said.” Napaatras ako nang bigla niyang ibinagsak sa lamesa ang folder niyang hawak. Iyon ang sample folder na idinedemo niya sa akin.
“Niloloko mo ba’ko?” Napanganga ako sa tanong niya. Ano namang panloloko ang ginawa ko gayong sinunod ko lang naman ang utos niya?
“Sabi mo po ulitin ko ang sinabi mo. I just did. Don’t be so mean.” Kapag lagi siyang galit ay mauubusan ako ng baong Ingles.
“Mean? Ako?!” Bumuntong-hininga siya at inihilamos ang kamay sa mukha na para bang ito ang makakapagpakalma sa kanya.
“Naintindihan ko naman lahat, Boss. I-file according to dates ang nasa parteng iyon. I-encode lahat ng detalye sa grupo na ito sa database. At ang pinakahuling bilin, bawal magkamali at bawal mag-chuchu. Okay na?”
“Whatever,” kinuha nito ang cellphone na napulot ko sa ilalim ng kama at itinapat sa mukha ko, “Unahin mo na ang pag-encode. Here is the password for the database, titigan mo na para matandaan mo. Huwag mong papalitan dahil tayong dalawa lang ang nakakaalam ng password na ‘yan.” Napakunot ang noo ko nang mabasa ang mahabang salita. Pasderisqu#_Pasdegloir# Ibinulong ko ito ng dalawang beses ngunit sinaway niya ‘ko.
“Don’t read it out loud. Password nga, eh. Igoogle mo kung gusto mo para malaman mo ang ibig sabihin.”
“No need, Boss. Hindi ko naman ikakayaman kung malaman ko ang translation. May ipaguutos pa po ba kayo?” Umiling ito na parang iritado at saka itinuro ang apat na kamada ng mga folder na hanggang beywang ko. Ang mga folders na ito na kailangan kong i-encode kasama ng folder na inihampas niya sa lamesa. Kung magsisimula ako ngayon at hindi ako uuwi ay matatapos ko na siguro iyon bago mag-Pasko.
“May ibinubulong ka ba?” Nasa harap na siya muli ng laptop nang bumaling siya sa’kin.
“Wala po,” ang nakangiti ko namang tugon habang bitbit ko ang isang metrong mga folder papunta sa lamesa ko sa sulok ng opisina. Nasa loob ng office niya ang lamesa ko. Dati raw ay nasa labas naman ang mesa ng sekrtarya ngunit ngayon gusto niyang magkasama na sa iisang silid upang hindi raw sayang ang oras sa pagtawag at ang kuryente sa paggamit ng intercom at telepono. Malaking kalokohan lang naman ‘yon dahil nakasaksak pa rin naman ang di-kuryente na telepono kahit hindi gamitin.
Pagdating ko ng lamesa ay binuhay ko ang laptop na mas may kakapalan at kalakihan kumpara sa gamit ng General Manager. Inalala ko lahat ng mga bilin nito at ang password ng database. Nakakunot ang noo at nakakagat ang labing sinubukan kong pasukin ang application. Nakakatatlong subok na ako nang maisip kong baka ma-lock na ito kung hindi ko pa maalala ang code na ipinakita kanina.
“You forgot, didn’t you?” Pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na siya at nakasilip sa ginagawa ko sa laptop. Para saan pa ba kung magpapanggap akong hindi ko nga nakalimutan? Siguradong hahaba lang ang usapan.
“Ang haba kasi, nakakalito,” sinubukan kong daanin sa ngiti at pagpapapungay ng mata ngunit mas lalo pa siyang naalibadbaran sa mukha ko. Kinuha niya ang laptop at nagtipa ng mga letra. Pagbalik niya sa’kin ay nakabukas na ang database na gagamitin ko, “Thank you, Boss. Mukhang good mood ka ngayon, ah.”
Napaestatwa ako nang lumapit siya sa mukha ko. Nang malapit nang magdikit ang mga mukha namin ay bumaling siya sa kanang tainga at saka bumulong, “No guts, no glory in French, Capitalize the first letters, separate the phrase by underscore and replace the E with sharp. Do you understand?” Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa boses niya at ang pakiramdam ng mainit niyang hiniga sa aking tainga. Ang nagawa ko na lamang ay tumango. Kung password ang magiging dahilan ng pagkasisante ko ay pwede ko na itong isali sa Guiness book of world records bilang pinakatangang dahilan ng pagkawala ng trabaho. Maari rin siguro itong pumasok sa fastes time of losing a job.
“Ye—ss,” hindi ko naman sinasadya na maiungol ang pagsabi ng oo ngunit ganoon ang datingan. Bumalik siya ng lamesa niya na parang walang nangyari habang ako ay naiwan upang ipagpatuloy na ang kailangan kong trabahuhin.
Lumipas ang tanghalian at merienda nang walang tumatayo sa amin mula sa upuan. Nang mag-alais na ay saka lang siya muling namansin.
“I rarely eat lunch so you may take a break whenever you want. You have an hour of lunch break.”
“Ngayon mo pa talaga sinabi kung kailan uwian na,” bulong ko na siguradong narinig naman niya dahil sumagot ito kaagad. Sumabay pa ang malakas na pagkalam ng sikmura ko na siguradong rinig hanggang kabilang kanto.
“I actually forgot you were there. Kumain muna tayo bago umuwi. Think of it as my treat for slaving you for the day,” ngumiti siya na parang close kami kaya’t hindi na ‘ko nagpakipot pa. Sumabay na naman kasi ang paggaralgal ng aking tiyan.
“Sige po.” Matapos kong i-save ang ginawa ko at nag-shutdown ng laptop ay inilagay ko ito sa drawer at saka ikinandado. Isa iyon sa protocol sa opisina habang ang boss naman ay isinilid sa kanyang bag ang laptop. May lalaking nakabarong na asul na pumasok at kinuha ang bag. Ito marahil ang driver ng GM. Nakatayo siya sa may pintuan at nakatitig sa kanyang cellphone nang matapos akong magligpit. Pinauna niya akong lumabas ng silid. Gentleman din pala kapag sumapit ang dilim?
Hindi pa roon natapos ang ka-weirdohan ni Boss. Ipinagbukas niya ko ng pintuan ng kotse at pinaunang sumakay, kasunod siya na naupo sa tabi ko. Kahit na parang ang awkward na magkatabi kami, hindi na ako nagreklamo. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko na hindi ako nabubulyawan at hindi kami nagbabangayan.
“My father will be joining us for dinner. He just texted me. Just stay quiet and agree to everything I say, okay?”
“Yes, boss.” Mahina kong tugon dahil paubos na talaga ang stash ko ng energy. Kahit naman isang kahig isang tuka ako ay kumakain naman ako kaagad kapag gutom.
Pagdating namin ng restaurant ilang minuto lang mula sa opisina ay inalis niya ang coat niya at naiwan na lang ang itim na turtleneck na longsleeves din pala sa loob. Ginulo rin niyang bahagya ang buhok na parang kailangang niyang magpalit ng imahe sa pagharap sa kikitain namin sa hapunan.
“Are you done checking me out?” Nakangisi nitong sabi. Hindi ko na naman namalayan na napatitig ako sa hambog na nilalang. Napapadalas itong mangyari at naisipan ko ring kailangan ko nang magpa-tawas sa albularyo.
“As a matter of fact, yes. Mukha ka na kasing ulam at sobrang nagugutom na ‘ko.” He grinned at my response. Para kong inatake ng machine gun dahil sa ngiti niya. Ganoon pala ang pakiramdam na masaksihan ang rare sighting ng ngipin nito.
Iginiya niya ako papasok ng isang malaking Chinese restaurant na ang tema ay pula. Mukha tuloy akong serbidora dahil sa pula kong blusa. Mabuti at checkered ang pang-ibaba ko at hindi plain black kagaya ng suot ng mga waitress doon kung hindi ay baka ako na mismo ang kumuha ng order namin.
“Order whatever you want. My father will be arriving in fifteen minutes. Dito ka na lang maupo sa tabi ko para pagdating niya ay sa tapat siya. Mag-appetizer ka muna dahil kanina pa nagrereklamo ang sikmra mo. I preordered dumplings on our way here.” True to his word ay ilang bamboo containers ng dumplings ang dumating sa aming lamesa. Itinuro ko na lang sa Boss ang gusto kong Braised beef wanton noodles. Iyon na rin ang inoder niya para sa kanya. Nang makita kong wala siyang balak kumain, tahimik na akong lumafang ng iba’t-ibang klase ng siomai. May shrimp, beef at pork dumplings na steamed. Nakatatlong lagayan yata ako habang ang kasama ko naman ay nakatuon lang sa cellphone. Nang sumilip ako bahagya sa ginagawa niya ay napailing na lamang ako. Nagtatrabaho pa rin pala siya dahil emails ang kanyang binabasa.
Pagdating ng order namin ay saktong pagdating ng isang matandang lalaki na singkit at mestizo ring kagaya niya. May kasama itong apat na bodyguards. Pagpitik ng isa sa mga lalaki ay naglipatan ang mga guwardiya sa may gilid ng pintuan. Ni hindi ako tinapunan ng tingin ng ama ni Boss. Direktang silang dalawa lang ang nag-usap.
“You took your time, Sir.” Magalang man ang tono ay pansin kong may tensyon na sa paligid.
“I was in another meeting. Your fiancee will be arriving soon.” Kung umiinom ako ng tubig o kumakain ay siguradong nabulunan na ‘ko. Fiancee? Ikakasal siya?
“You’re actually wrong on that note, Sir. I took your advise and found myself a bride. My fiancee is already here, sitting beside me. Have your men call off whoever was supposed to meet us here. Meet my soon to be wife, Mou.” Kung mukhang nabigla ang tatay niya ay apatnapung beses pa noon ang pakiramdam ko o baka nga mas higit pa. Para itong isang malaking lobo na bigla na lang pinasabog sa mukha ko. Nakakabingi at nakakagulat.
Kung akala ko na iyon na ang pinakamalakas na pagsabog, may mas malakas pa pala. Bigla na lang nangyari nang walang pahintulot o paalam. He pulled me into his lap and punished my lips with a hungry and fervent kiss.