8-For Hire

1838 Words
      HINDI iyon ordinaryong halik. Pakiramdam ko ay may bahid iyong pangako na hindi pa doon magtatapos ang lahat. Sa buong buhay ko, hindi ko inakalang may gagawa ng ganoon sa akin at sa harapan pa ng ibang tao. Nang itigil niya na ang paghalik ay hindi ko pa rin nabuksan kaagad ang mga mata ko. Nakaliliyo ang halik na iyon. Kahit na gigil at galit ang mga sumunod na salita ng ama ni Boss ay hindi pa rin ako nakababa mula sa pagkaka-high. Hindi pa nakatulong na nakakandong pa rin ako sa kanya.   “Hindi ko alam kung saan mo napulot ang babaeng ‘yan pero sige, kung ‘yan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Siguruhin mo lang na alam niya ang pinapasok niya, Pierre. I don’t want another casualty because of your reckless stupidity. Tama na ang isang pagkakamali mo noon. Don’t add salt to the wound you caused me and this family.” Hindi ko pa rin masyadong inintindi ang mga salitang iyon ng ama ni Boss kahit na inaalipusta na ako dahil sa pagkalutang ko sa halik. Naramdaman kong nanigas siya, hindi sa parteng iyon na inuupuan ko kung hindi ang buong katawan niya na parang nagpipigil ng galit. Dahil mukhang kaya niya naman at talented naman siya sa bagay na ‘yon, hahayaan ko na lang siya na magalit para sa aming dalawa.   “Sir, if you have nothing else to say, we will go ahead. I will not let you insult my future wife.” Kahit alam ko na gawa-gawa lang ay na-touched pa rin ako sa pagtatanggol niya. Aalis na sana ako sa pagkakakandong ko sa matitigas niyang hita  ngunit pinigilan niya. Napatingin ako sa kanya ngunit nakatuon pa rin ang mata niya sa kanyang ama.   “Make her sign a prenuptial agreement, Pierre. I don’t want to waste my millions just for a piece of trash like that woman.” Medyo below the belt na ang pagtawag sa’kin ng trash. Nag-igting ang panga ko at sasagot na sana nang maramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Boss sa aking braso, hudyat na hindi ako dapat makialam.   “I will settle my affairs on my on terms.  Let me remind you Sir that your millions are mine too. Pinaghirapan ko lahat ng ipapamana mo sa’kin kapag namatay ka na at ang kalahati naman ay malapit ko nang makuha. Come to think of it, my net worth will be greater than yours when the time comes.” Sa gulat ko sa mahinahon ngunit may pagmamalaki niyang sagot ay napalingon ako sa matandang lalaki. Imbis na magalit ito ay tumawa pa ng malakas. Nagmukha na lang tuloy guhit ang mga mata ng matapobre at mapanlait na matanda.   “Go ahead, Son. Do whatever you want but make sure you work for every penny with your blood. The other half? Let’s see what happens. Send me an invitation to your wedding. Baka sakaling wala akong meeting and I could spare you and your bride some time.” Pumitik ang ama ni Boss at naglapitan naman ang mga guwardiya niya. Ang isa ay inalalayan pa siya sa pagtayo. Marahan naman akong iginiya ni Boss upang tumayo rin. Yumuko siya bilang paggalang at ginaya ko na lang ang ginawa niya. Nang makaalis na ang mga lalaking nakasuot ng itim na suit na parang pupunta ng libing ay saka ko na hinarap ang amo kong presko, hambog at magnanakaw ng napakasarap na halik.   “Dahil tapos na ang oras ng trabaho, hindi na kita igagalang. Ano namang katarantaduhan ang pumasok sa kukote mo at ipinakilala mo ‘kong mapapangasawa mo?! Hoy, para sabihin ko sa’yo, kahit sobrang sarap pa ng halik mo at kahit gusto ko pang umulit, hindi kita papatulan!” Nakapameywang pa ako nang humarap sa kanya at nagtatalak pero ang mokong ay naupo lang, kinuha ang chopsticks  at sinimulang kumain ng noodles niyang lumamig na. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.   “Pierre! Ano ba?!” Unang beses kong binaggit ang pangalan niya at medyo parang iba ang dating sa ‘kin. Ulitin ko pa kaya? “Pierre!”   “Kumain ka na habang may kaunting init pa ang sabaw. Let’s talk later. Nagutom ako. Ang bigat bigat mo kasi.” Nakangisi niyang sabi.   “Wow, at ako pa ang mabigat! Sinabi ko bang kandungin mo ‘ko?!”   Napalakas yata masyado ang boses ko. Ibinaba niya ang chopsticks, tumingin siya sa’kin at tinaasan ako ng kilay. Mas itinaas ko pa ang kilay ko. Kung contest lang iyon ng pataasan ng kilay ay baka may award na kaming dalawa.   “Do you want to sit again on my lap so that I could feed you?” Napaawang ang aking bibig. Napatingin siya rito bago muling nagsalita, “or do you want me to shove my tongue again inside your mouth just so you’d shut up? The last option would be, uupo ka sa silya mo at kakain ng tahimik. Choose wisely, Monay.” Napanganga akong lalo nang tumingin na naman siya sa dibdib ko nang sabihin ang palayaw ko.   “Bastos ka rin talaga, noh?!”   “Choose. Or I’ll do the first two.” Ngumisi pa siya at kumapit sa kanyang labi. Napalunok ako nang maalala ang mga choices kaya’t dali-dali akong naupo sa silyang katabi niya at sinimulang kumain gamit ang tinidor na nakatabi sa mangkok ng noodles.   “Good choice, though it would be nice if you chose the other two. Baka may iba pa tayong naging menu kung nagkataon.”   Inambaan ko siyang sasaksakin ng tinidor at pinandilatan ng mata kaya’t natawa na lamang siya. Matiwasay na kaming kumain at nang matapos na ay hindi siya nagbayad. Nagpasalamat pa sa kanya ang mga waiter at ang gwardiya bago kami inihatid ng mga iyon sa sasakyan. Napagtanto ko na baka sila ang may-ari ng restaurant na ‘yon. Hindi na rin ako nag-usisa dahil may mas importanteng bagay akong dapat itanong sa gungong na magnanakaw na kasama ko sa kotse.   “Explain.”   “What?” Nagtitipa ito sa cellphone niya at ni hindi tumingin sa ‘kin. Sa inis ko ay hinablot ko ang cellphone at inilagay sa loob ng blusa. Wala naman kasi akong bulsa.   “Gusto mo bang dukutin ko pa ‘yan?” Tumingin siya sa dibdib kong may kipkip na cellphone sa loob.   “Bastos! Ipaliwanag mo na ngayon kung anong kagaguhan ang pinagsasabi mo kanina! Hindi porket natikman mo na ang labi ko e dadalas-dalasan mo ang paghalik mo! Tapos sinabi mo pa na magpapakasal tayo!? Ano ka nahihibang?! Hindi nga kita type!” Kahit na may pag-irap ako ay tumawa lang siya ng malakas.   “Talaga lang, ha. Hindi ako ang tipo mo? Bakit feeling mo naman type kita?! Confident ka masyado. Hindi ka naman kagandahan.” Imbis na ma-hurt ako sa sinabi niya ay tumawa lang ako ng malakas bilang ganti sa pagtawa niya rin sa’kin.   “Hoy! Para sabihin ko sa’yo, nanalo na ‘ko ng anim na patimpalak sa pagandahan! Beauty queen ako kaya sure akong maganda talaga ko!” Umirap pa ‘ko sa kanya. Napabaling ako sa rear view mirror at nakitang napapangiti ang driver. Natatawa ba siya sa’kin o natutuwa siya na sinisigawan ko ang amo namin?   “Miss Universe lang ang alam kong Beauty title at hindi naman ikaw si Catriona kaya ‘wag nang ilusyonada.” Napabuntonghininga siya at lumingon sa bintana.   “Pierre!” Gigil kong tawag sa pangalan niya. Gusto ko na siyang bangasan ngunit inalala kong siya pa rin nga pala ang amo ko.   “Fine! Hindi sumipot kahapon ang con artist na kinontrata ng tao ko. Nag-cancel daw at the last minute. Gabi ko na nalaman pagkakuha ko ng cellphone ko na ninakaw mo. That was the reason I wanted to find the phone immediately.” Napatikom ang kamao ko na nangangati nang bigyan siya ng uppercut dahil binanggit na naman niyang ninakaw ko ang cellphone na napulot ko lang naman talaga.   “Hindi ko nga sabi ninak...” Naalala ko ang phone niya sa blusa ko. Ibinalik ko na ito at baka masabihan na naman akong nagnenok ng phone.   “It doesn’t matter now kung umamin ka man o hindi. Dahil hindi ako nakahanap ng backup, at kasalanan mo naman talaga, ikaw na lang ang ipapalit ko.” Ngumisi pa siya na parang dapat akong matuwa sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at pumikit. Bumilang ng sampu upang maging mahinahon at itanong ang ilan pa sa mga importanteng bagay.   “Bakit mo naman kelangan ng magpapanggap na babae mo?” tanong ko. Siya naman ang huminga ng malalim bago sumagot.   “Typical na pangteleseryeng istorya. Pinamanahan ako ng Nanay at Lolo ko at makukuha ko lang kung magpapakasal ako bla bla bla. I tried last year when I went here but the b***h I hired ran off with my driver. Swindler pala sila talaga. Kaya ngayon, ako na ang pipili.” Kumunot ang noo ko sa pagtitig sa kanya. Baka pinagloloko lang niya ‘ko pero base naman sa itsura niya, mukha namang seryoso.   “By hiring a con artist? E hindi ba parang swindler din ‘yon?” Iyon naman ang orihinal na plano niya, ang mag-hire ng con-artist.   “At least alam kong binabayaran ko siya para manggago at gagaguhin naming magkasama ang ibang tao, hindi ako ang gagauhin niya. Di ba it makes sense?” tanong pa niya.   “Aray naman. Hindi naman lahat ng con artist nanggaga...nevermind.” Hindi ko na itinuloy dahil hahaba lang ang usapan.   “Payag ka na ba? Ganoon pa rin naman ang trabaho mo. Madadagdagan lang ng kaunti dahil you have to pose as my future wife and then as my wife after the wedding.” Tinitigan niya ‘ko sa mata. Nag-iwas ako ng tingin bago muling nagtanong.   “Magkano?”   “Same offer sa uupahan ko dapat. 1 Million kapalit ng isang taon na pagiging asawa ko.” Bigla akong napaisip sa nabanggit niya. Isang milyon, isang taon? Parang pamilyar. Hindi kaya...   Pusang gala!   “Pierre, anong pangalan ng kausap mo na con artist?” bumaling ako muli sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya habang isinasalaysay niya ang lahat. Ipinagdarasal nang mataimtim sa mga santo na mali ang aking hinala.   “Hindi sinabi ni Draco ang pangalan dahil dapat magkikita kami kahapon pero matinik daw ‘yon. Marami na raw nagantso na mayayaman. Ginagamit niya rin daw tuwing may pagnanakawan silang malaking tao. Kung totoo ang sinabi ni Draco, marunong pa raw mang-hipnotismo kaya hindi nahuhuli at nabibisto. Baka siya ang makapagpaamo sa tatay ko. Sayang lang at umatras.” Nanlamig ako at kinilabutan. Kung kailan naman gusto ko nang magbago saka naman dumating ang isa pang gagong sisira na naman ng ulo ko.   Si Pierre Montecillo pala ang kliyenteng tinanggihan ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD