HINDI ako nakapagsalita hanggang sa huminto na ang sasakyan. Inihatid ako ni Pierre sa sarili kong mansyon. Dahil hindi naman makakapasok ang sasakyan niya ay naglakad kami papasok ng medyo madilim nang eskinita. Gaya noong una naming pagkikita, tila luminis ang kalsada pagdaan namin, para bang may humawi ng lahat ng tambay at batang naglalaro sa kalsada. Inisip ko na lang na dahil gabi na kaya’t wala nang katao-tao sa paligid pero kung normal na araw ay kahit ala-una ng madaling araw ay may tambay pa roon at mga taong naglalakad. Kung sana ay pati ang mga basurang nagkalat sa kalsada ay lilinis din kapag darating si Pierre, mas maganda sana. Nang makarating kami ng bahay ay sinusian ko na ang pintuan. Nasa loob na ako nang naalala kong nasa labas pa nga pala siya. “Good nig