PAGKAGISING ko ng ala-siyete ay agad akong naligo at nagpalit ng damit. Nahirapan akong mamili ng susuotin dahil sa dami ng bago kong napamiling gamit. Para maging safe ay isang fitted t-shirt na asul at itim na skinny jeans na lamang ang isinuot ko. Napangiti ako nang maalala ang asul na sneakers na nakuha ko rin ng 60% off sa mall. Siguradong babagay ito sa outfit ko. Nang matapos ko ang pagbibihis ay saka na nagsepilyo at nagsuklay. Lip balm lang sa labi ang inilagay ko at loose powder naman sa mukha para maging kaaya-aya naman dahil mukhang artistahin ang kasama ko. Saktong alas-otso nang lumabas ako ng silid bitbit ang maliit kong shoulder bag na may laman lamang na cellphone, wallet, lipbalm at susi. Naabutan ko si Pierre na naghihintay at nakaupo sa sofa sa palapag na iyon. N