PAGKAPARADA ng kotse sa parking lot ng shopping mall ay gumanda kaagad ang aking mood. Iba talaga ang nagagawa ng may magarang kotse. Sinabayan kaagad ako ng isang parking attendant magmula sa entrance ng parking lot upang i-assist ako sa pagparada. Dahil wala naman akong pambigay ng tip ay binigyan ko na lang siya ng matamis na ngiti nang mahanapan niya ‘ko ng parking space. Habang naglalakad papasok ng mall ay naalala ko na naman ang lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang araw. Tinanggap ko na lang muna ang katraydoran ni Carla at pagmamanipula nila ni Draco ay gagawin ko na lang ang lahat upang maging maayos ang pagtupad sa dalawa kong trabaho. Ngayon ay chance ko nang gawin ang isa sa trabahong iyon. Pumasok ako sa loob ng isang mamahaling boutique habang bitbit sa