Elena's POV--
Nahirapan siyang makatulog nang nakaraang gabi kaya late siyang nagising kinabukasan. Kulang nalang ay takbuhin niya ang kanto patungo sa Eatery.
Kasalanan ito nang lintik na lalaking yon!
Buti nalang ay hindi siya nahalata nang mga katrabaho na nangangalumata siya. Siya muna ang tumayong cashier dahil busy sa kusina si Isang. All around ang drama nila dito, kung sinong available na walang ginagawa ay matik na agad.
Kasalukuyan siyang nagbibigay nang sukli sa customer nang mahagip nang kanyang mata ang lalaking papasok sa Eatery nila. Muntik na siyang mahulog sa kina-uupuan nang makilala ang lalaking kakapasok lang. Nagyuko sya nang ulo at kulang nalang ay magtago sa ilalim nang luminga linga si Alvin na parang may hinahanap.
Pero huli na dahil nakita na niya itong papalapit sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya na parang ang ganda nang gising nito.
Matikas at malinis itong tingnan sa suot na black long sleeve button down na itinupi hanggang siko at black pants.
Nakakanganga ang mga kumakain habang titig na titig sa lalaki. Mukha kasi itong model na lumabas galing sa isang magazine.
Meserep yern?
Tapos ako parang jinumbag ni paquio sa laki nang eyebag! Tang ina.
"What happen to your face? You look like a f*****g zombee.Natutulog ka pa ba?" Tanong agad nito nang makalapit, nakakunot ang noo nitong tumitig sa mukha niya.
Ikaw ang may kasalanan gago! Gusto niyang isigaw sa mukha nito.
Hindi siya sumagot at nagpanggap na walang narinig.
"Anyway, can I invite you for a dinner later?"
Napatingin sya bigla dito dahil sa narinig. Hindi niya alam kung anong drama nang lalaking ito. Ngayon niya napatunayan na hindi ito basta-bastang lalaki lang. Mayaman ito may sinabi sa lipunan, kaya bakit siya nito pinagaaksayahan nang panahon?
Seryoso niyang tinitigan ang lalaki sa harap at naningkit ang mga mata.
"Bakit? I mean bakit ako? Magkaliwanagan nga tayo, di porket naha- este di porket ganito lang ako ay basta basta nalang akong sasama sayo. Naku! naku! Alam ko yang mga tipo mo ha. Alam kong diyosa ang beauty ko pero ito lang ako Oh ."Nilagay niya ang kamay sa harap nang dibdib. " at ikaw ang layo mo. Hindi tayo magka level kaya tigilan mo na ako." Mahabang paliwanag niya sa lalaki.
"Do you think I care about that? And please don't belittle yourself infront of me. Are you not aware how wonderful you are?" Malumanay na sabi nang lalaki na nagpalito sa isip niya.
Wag kang marupok dzai!
"Wala akong masamang intensyon. I just want to have dinner with you and know you better. Just this once, at kapag may ginawa akong hindi mo nagustuhan hinding-hindi na ako magpapakita sayo."
Wala naman siguro masama kung pagbigyan niya ang lalaki. Ngayon lang naman. Ngayon lang talaga.
"S-sige. Kung makakapaghintay ka." Pagsuko niyang tugon dito.
Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya na pumayag makipag dinner dito. Marami parin siyang gustong itanong sa lalaki at gusto niya itong kausapin na sila lang dalawa. Hindi siya sigurado sa intensyon nito. Ang alam lang niya ay hindi magtatagal ay magsasawa din ito kakasunod sa kanya.
At hindi niya alam kung bakit nalulungkot siyang isipin ang bagay na iyon.
ALVIN'SPOV--
He never came to a point that he would truely care towards other people. He even does'nt know how to love! For him, women are just a trophy to men. They're only important when he's in heat and willing to warm his bed every damn horny time.
Walang pinagkaiba ang mga babae para sa kanya. Not until he met Elena, that crazy woman who always thinks worsed of him but still he found her amusing. Hell! Sinabihan siya nitong kidnapper pero natawa lang sya. He even kiss her, and guess what? That woman does'nt know how to kiss! He likes his woman fiesty and experienced but it feels great to be his first.
She's really something though.
Hindi niya mapangalanan ang eksaktong nararamdaman at ayaw niyang pangunahan ang sarili. Basta ang alam lang niya ay gusto niya palaging nakikita ang babae.
All his life he never felt jealousy but when that assholes trying to hit her, he was like bomb wanting to explode! Nakakapang init nang ulo. He's not possesived to his women in the past but with Elena he felt the need to own her and made sure that no one blocks his way into claiming her.
And tonight, He invited Elena for dinner and he can't wait to be to be with her.
You are really doomed man!
ELENAPOV--
Kanina pa siya hindi mapakali sa kinatatayuan. Masakit narin ang paa niya kaka paroo't-parito sa kwarto niya. Nagdahilan siyang masakit ang tiyan kaya maaga siyang nakauwi, hindi niya alam kong tama bang pinagbigyan niya si Alvin sa dinner na ito.
Hindi pa niya lubos na kilala ang lalaki at malay ba niya kung leader ito nang mga sindikato.
Baka negosyo nitong manguha nang bata sakay ang puting van?" Sigaw nang mahaderang utak niya.
Or baka puri ang kinukuha gerl? Baka ma goodbye virginity ka ngayong gabi at durugin ang petchay mo!
At ikaw naman ay willing victim dahil ngitian kalang, laglag na agad panty mo dzai!
Natatawa siya sa mga na-iisip at umiling-iling na para bang nababaliw.
Hindi naman siguro ito masamang tao. Ilang beses na itong nagpunta sa Eatery at mukhang harmless naman ang lalaki. Siguro ay magtatanong nalang siya nang pahapyaw tungkol sa sarili nito. Nahihiya din naman siyang mang usisa baka sabihin pa gold digger siya.
Pangarap naman niya maging mayaman pero gusto niya sariling sikap, at pag mayaman na siya mag aasawa siya nang matandang mayamang madaling mamatay. Charot! Baka paluin siya sa pwet nang nanay niya pag ginawa niya iyon.
Gusto nilang umunlad ang buhay nila pero may prinsipyo naman ang pamilya niya. Kaya pag naka ipon na siya, gusto niyang mag aral ulit.
Kakatapos lang niyang magbihis at simpleng bestida na hanggang tuhod lang ang sinuot niya. Hapit naman sa baywang at sleeveless type, buti nalang may nadala pala siyang ganitong damit. Bigay to nang lola niya nong birthday niya last year. Hindi din kasi marami ang damit niya at wala siyang pambili.
Sinuot na niya ang nag iisang sandal na nabili niya sa ukay at pinasadahan ang sarili sa maliit niyang salamin. Simpleng lipbalm at pulbo lang din ang nilagay niya sa mukha dahil hindi siya marunong mag apply nang make up.
Lumabas na sya nang kwarto at maglalakad na sana nang may humintong magarang kotse sa harap niya.
Napa wow siya sa ganda nang sasakyan. Ngayon lang ata siya nakakita nang ganito sa personal. Hindi niya alam kung anong pangalan pero ang alam niya sports car ang tawag doon.
Sana all'
Napa-atras pa siya bahagya nang biglang bumukas ang pinto nang sasakyan at lumabas ang taong iniisip niya kanina.
Hala Piste! Napamura talaga siya sa isip.
May hint na siya na mayaman ang lalaki pero hindi niya naman naisip na ganito ito kayaman.
Milyones ang sasakyan girl! Baka itapon ka niyan sa ilog pasig dahil sa pagsusuplada mo sa kanya!
Natulala talaga siya kahit nakalapit na ang lalaki sa kanyang kinatatayuan.
Artista ba to? Ba't ang gwapo?
"Hi, did I made you wait?"
Ano daw? Wet?
Hoy! Magsalita ka girl!
"Ha?"
"Naghintay kaba? Sorry medyo na traffic ako papunta dito. Come." Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siya pasakay.
Namumula ang mukha niya! s**t! Wait daw kasi yon wait! Gaga! buti nalang nalulon niya ang dila niya kanina kundi napahiya talaga siya.
Kailan pa sya naging mahalay?!
Ah, simula noong hinalikan siya nang lintik na adones na ito!
Umikot ang lalaki sa driver seat nang mai-sakay siya nito. Nag suot ito nang seatbelt sa sarili , at ang lalaki na din ang nagsuot sa kanya. Dumukwang si alvin sa gawi niya at inabot ang belt para ikabit sa katawan niya nang bigla itong tumikhim. Ang mata ay nakatutok sa mga hita niyang nalantad sa pag upo niya. Parang hindi ito mapakali at lumingon sa ibang gawi.
"You should have wore a jeans babe."
Nahinto sya sa pag iisip nang marinig niya itong magsalita.
"Ha? pangit ba? Ito lang kasi ang medyo maayos pa sa mga damit ko. Sabi ko na nga ba, dapat nag jeans nalang ako." Nakukonsuming sambit niya.
"No! Its not like that. You are very pretty. Its just that your legs are are showing and it's giving me a hard on." Mahina lang ang boses nito pero dinig na dinig nya.
Inosente siya pero hindi naman siya tanga! Nanlaki ang mata niya at napatingin sa umbok nang pantalon nang lalaki. Mas lalong namula ang mukha niya.
Hooo! Ang init grabee!
"Eyes up babe. You are tempting the beast. " maaligasgas ang boses nito na parang nahihirapan.
Agad siyang umayos nang upo at tumingin sa harap. Ang daga sa dibdib niya ay hindi ma alis-alis. Pinaandar na nito ang kotse at tahimik na nag drive.
Parang naririnig pa niya ang t***k nang puso niya na gusto na yatang lumabas sa kanyang dibdib.